SHEINA "Nandito na sa San Policarpio si Jeron," ani Larry nang dalawin ko sila ni Claire sa farm nila. "Hindi mo ba siya pupuntahan?" Kaagad akong sumimangot nang marinig ko yun sa kanya. "At bakit naman ako ang pupunta sa kanya? Hindi ba dapat siya ang pumunta sa akin?" Natawa doon si Larry. "Nagtatampo ka pa rin ba sa kanya? Baka naman may rason kung bakit ganoon ang sinabi niya sa 'yo, Sheina." "Kahit ano pa 'yang rason niya, hindi ako ang unang lalapit sa kanya. Bahala siya, manigas siya. Hindi niya man lang ako kinontak pagkatapos ko siyang tawagan? Tapos kagabi pa siya nandito sa atin pero wala pa siyang paramdam? Aba, eh bahala siya. Hindi ko naman kawalan kung hindi na niya ako gustong jowain," matapang na sabi ko. "Hindi mo nga ba siya kawalan?" tanong pa ni Larry at hinampa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


