SHEINA Masama ang panaginip ko. Nasa isang lugar daw ako na walang ibang tao kung 'di ako. Umiiyak ako sa harap ng isang puntod, at hindi ko raw mapatahan ang sarili ko. Sobrang sakit daw ng nararamdaman ko ngayon. Dahil iniwan na raw ako ng taong iniiyakan ko ngayon. Durog na durog ang puso ko habang binabasa ko ang pangalan niya sa puntod. Sa sobrang sama sa pakiramdam ko dun ay nagising ako bigla. Pawis na pawis na ako at napahinga ako nang malalim. Nilibot ng paningin ko ang silid kung nasaan ako at doon ko lamang na-realise na nasa isang hospital room ako, nakahiga sa hospital bed, at may swerong nakakabit sa akin. Mukhang gabi na, base na rin sa dilim sa bintana sa tabi ng bed ko. At nakita kong may natutulog sa bench na katabi lang ng hospital bed na ito. Si Claire iyon, kaya t

