SHEINA Takang-taka pa ako nang sabihin ni Jeron na gusto akong kausapin ni LJ. Ito kasi ang panauhin niya ngayon, na ikinaloka ko actually. Nagi-expect nga ako na hindi siya papapasukin ni Jeron dito sa loob ng bahay niya, pero pinapasok niya nga ito at ngayon nga ay ka-bonding na ni LJ ang anak niya. IIang minuto rin silang naglarong mag-ina dito sa may dining area dahil nagmeryenda rin kami, habang nanonood kami ni Jeron sa kanilang dalawa. Nagulat nga rin ako nang ipinakilala ni Jeron si LJ sa bata bilang Mommy nito. Akala ko hindi iyon gagawin ni Jeron dahil galit ito kay LJ, ngunit marahil ay nanaig pa rin sa kanya ang concern niya kay Randel. Medyo na-impress nga ako dun sa ginawa ni Jeron dahil hindi biro ang magpatawad ng isang taong sobrang laki ng nagawang kasalanan sa 'yo. At

