SHEINA Ito na talaga ang isa sa mga moments na mapapasabi ka na lang na kainin na lang sana ako ng lupa. Na sana may bumagsak na lang na bulalakaw mula sa langit at tamaan na lang ako para magkapira-piraso na lang ang buong katawan ko nang hindi na kami magkita pa ni Jeron pagkatapos ng nagawa kong katangahan na yun sa kanya . Sa sobrang hiya ko nga sa nagawa ko ay pinatay ko na lang ang phone ko para hindi na ako tawagan pa ni Jeron. Bigla rin kasi siyang tumawag nang tumawag, eh ayoko naman siyang kausapin dahil alam kong aasarin niya lang ako. Tapos hindi pa ako makakapalag 'non, dahil sinong engot ba ang naro-wrong send sa taong subject ng rants at confessions mo? Wala naman yatang ibang ganoon katanga kung 'di ako lang. Hindi ko talaga kakayanin kapag inasar ako ni Jeron. At saka

