KIRA'S POV
"If I were you, Iiwan ko na si Tim."
Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng hallway nang marinig kong mgasalita ang isang estudyante. Sandaling pinukulan ko siya ng tingin. Maputi ang kanyang kutis, singit ang kanyang dalawang mata, hindi katangusan ang ilong ngunit may mapulang labi dahil sa kanyang suot na liptint. Nakapusod din ang kanyang kulot na buhok habang nakapamewang siya sa harapan ko. Nang tumama ang mata ko sa kanyang kulay berdeng I.D lace ay ngumiti ako.
"Freshmen." bulong ko.
Napasinghap naman agad ang babae sa harapan ko. Mukhang narinig niya ang bulong ko. Grabe naman ang tainga ng batang 'to.
"Kung akala mong maganda ka, hindi. Kung akala mong ikaw lang ang girlfriend ni Tim, nagkakamali ka. Stop owning him!" She rolled her eyes and left me.
Napailing nalang ako saka huminga ng malalim bago maglakad muli.
Nasanay na siguro akong naglalakad mag-isa sa hallway. Karamihan sa mga babae ay masamang pinupukulan ako ng tingin. Simula noong naging boyfriend ko si Tim ay hindi na natahimik ang buhay ko. Si Tim kasi ay isa sa mga popular student dito sa Fairmount High.
Palagi akong sinasabihan ng mga babae na iwanan ko na si Tim. Lagi ring bulong-bulungan na ginayuma ko raw si Tim. Si Tim kasi noon ay araw-araw may bagong girlfriend. Ngunit simula noong nagkakilala kami ay hindi na siya nagkaroon pa ng ivang girlfriend. Kaya simula noon ay kaliwa't-kanang pambabatikos ang natanggap ko at araw-araw akong tinatanong kung anong gayuma daw ang pinainom ko.
"Hi Tim!"
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko sa di kalayuan ang boyfriend ko. Suot-suot nito ang kulay puting Jersey niya na may number 13, ang monthsary namin. Katabi niya ang isang kaibigan niya, si Jerald. Si Jerald ay kilala bilang playboy. Hindi rin naman kasi makakaila na gwapo rin naman siya. Buti na lamang ay hindi na nahahawaan nito ang boyfriend ko. Natawanan ko naman sa harap nila ay may isang Freshmen ang lumapit sa kanya at may hawak na box.
"For you." ani ng babaeng kaharap niya.
Akmang kukunin na sana ni Jerald ang box ngunit pinigilan 'yon ni Tim.
"No. Thank you, my girlfriend ako." He said while smiling kaya pati ako ay napangiti sa sinabi niya.
Nabago ko siya.
"So? Girlfriend palang naman. Ang asawa nga naaagaw--" Hindi na pinatapos ni Tim magsalita ang babae at nagsimula maglakad.
Napatigil naman siya nang magtama ang paningin naming dalawa kaya kumaway ako. Ngumiti naman siya sa akin saka lumapit. Sinipat ko saglit ng tingin si Jerald sa kanyang likod. Hawak-hawak nito ang isang box na iniabot ng kaninang babaeng kausap nila.
"Kanina kapa d'yan?" nakangiting aniya.
"Hindi, kararating ko lang." pagsisinungaling ko.
Hindi ko na kailangan ipaalam sa kanya ang mga narinig ko. Hindi ko rin talaga pinapakinggan ang sinasabi ng iba dahil sa mga actions niya palang ay nasasabi kong loyal talaga siya.
"Hi! Akira!" Nilingon ko saglit si Jerald saka kumaway. Nangiti siya habang ngumunguya ng cookies.
"Hindi ka dapat kumakausap ng ibang lalaki. Dapat ako lang." Mabilis ko namang nilipat ang tingin ko kay Tim. Nakanguso ito kaya pinisil ko ang kanyang ilong.
"Seloso." Natatawang ani ko.
"Ah, babe. Huwag mo na ako hintayin mamaya, may practice kasi kami ng basketball." Sumingkit naman ang mga mata ko at pinanliitan ko siya ng tingin.
Mabilis na nabago ang ekspresyon niya at mukhang babawiin niya ang sinabi niya kaya tumawa agad ako.
"Hahaha! Nagbibiro lang ako. Sige, gagawa rin kasi ako ng project mamaya."
Huminga naman siya nang maluwag saka ako hinalikan sa pisngi. Nakarinig naman kami bigla ng pagtikhim saka ngingiti-ngiting nang-aasar si Jerald. Sa sobrang sweet ng boyfriend ko ay nakalimutan kong may kasama pa pala kami.
Saglit pa ay nagpaalam na ako dahil may next class pa ako.
***
"Class dismissed!" huling hiyaw ng teacher namin si Mathematics bago umalis.
Nag-unat muna ako ng katawan bago magligpit ng gamit ko. Napahinto naman ako nang marinig kong magsalita ang isa sa mga kaklase ko.
"Sweet-sweetan sa hallway, akala niya naman nakakaganda ang pagiging side chick." pagpaparinig ni Kristal.
"Owwwww." Pang-second voice naman ng buong kaklase ko. Nilingon ko silang lahat, pinagtatawanan ba nila ako?
"Two years na side chick, nasaan ang hiya?" dagdag pa ni Loisa.
Hindi pa rin ba sila maka-move on? Halos araw-araw ko na yatang naririnig sa kanila na side chick ako. Hindi yata nila matanggap na pagkatapos hiwalayan ni Tim si Daniela ay ako na ang naging girlfriend ni Tim. Hindi yata nila matanggap na sa loob ng dalawang taon ay nabago ko ang lalaking 'yon.
Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga saka tinuloy ang pag-aayos ko ng gamit saka hindi sila pinansin.
"Unbothered side chick." Muling ani Loisa.
"Balita ko nga nag-away daw si Dan pati si Tim dahil lapit nang lapit si Tim."
"Grabe naman kasi si Tim, napakamaawain."
"Ayaw niya kasing ipagtabuyan yung isang linta dyan dahil alam niyo naman, kapag pinagtabuyan ni Tim ay wala nang magmamahal."
Sinuot ko ang bag ko saka marahang naglakad palabas ng room. Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nila. Alam kong gustong gusto nilang masira ang relasyon namin ni Tim, pero hindi mangyayari 'yon. Nasa kay Tim lang ang tiwala ko, wala sa iba.
"Ah, Akira!" hindi pa man ako nakakalabas ng room ay narinig ko ang pagtawag sa akin ng isang kaklase ko. Si Poline. Ang president namin.
"Yes po?" Nakangiti siya sa akin saka inabot ang isang folder na may nakaipit na maraming papel.
"Ito yung quiz kasi natin kanina, pwede bang ikaw na maglagay sa may vacant office? Pupunta pa kasi kami sa kabilang building para mag-ayos ng bulletin board."
Mabilis ko namang kinuha 'yon.
"Ako na ang bahala. Ito lang ba?" Tanong ko saka binuksan ang folder. Ito nga yung quiz namin.
"Oo, gusto mo ba tumulong mag-ayos ng bulletin? If gusto mo diretso ka nalang din sa building A." hindi pa man ako nagsasalita ay umalis na si Poline. Nagkibit-balikat nalang ako saka umalis ng classroom.
Nang makarating ako sa third floor agad akong nagtungo papunta sa vacant office. Napahinto naman ako saglit nang makitang may lumabas sa vacant room. Tinignan ko siyang mabuti mula sa di kalayuan. Matangkad at maputi ang kutis nito kahit natatakpan ang balat niya ng mahabang kulay itim na long sleeve shirt, nakasuot din ito ng kulang itim na loose pants at black shoes habang nakasukbit sa kanyang balikat ang kulay itim na bag. Lumalabas tuloy ang maputing balat nito dahil sa kanyang porma. Nakapamewang siyang naglakad patungo sa hallway kaya't nasilayan ko ang kanyang hindi pamilyar na mukha. Mula sa kanyang kulay itim na magulong buhok, makapal ang kilay, singkit ang mata at mayroong napakatangos na ilong saka ang mapulang labi. Hindi makakailang gwapo ang lalaki, ngunit hindi ko siya kilala.
"Are you done checking on me?"
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang napakalamig niyang boses. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na siya. Napakurap ako saka sana aalis na lamang nang bigla niyang hilain ang ID ko na siya namang ikinagulat ko.
"Akira Jimenez," he smirked. Namilog naman ang mata ko saka mabilis na hinablot sa kanya ang ID ko. "So, you're the girl." Muli niyang pinamulsa ang kanyang kamay.
"Siraulo." I whispered.
Sinto-sinto ba siya? Bigla-bigla ba namang kunin ang ID ko.
"Dyan ba ang punta mo?" Nilingon ko siya nang marinig ko ulit ang boses niya, nakatingin siya sa harap ng pinto ng vacant room.
"Oo,--" hinarap ko siya saka huminga ng malalim. "excuse me." sagot ko saka tumalikod sa kanya. Hindi pa man ako nagsisimulang maglakad ay mabilis siyang pumunta sa harapan ko at pinatong ang isang panyo sa hawak hawak kong folder. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"Anong trip m--" hindi niya ako pinatapos magsalita at mabilis na naglakad. Nilingon ko siya habang naglakad siya papalayo sa akin. Kumaway siya habang hindi ako binigyan ng pansin.
"You'll need that." he said.
Siraulo, may saltik ba 'yon?
Iiling-iling akong pumasok sa loob ng Vacant room. Tahimik akong naglakad saka inilagay sa mesa ang folder, maraming gamit ang nandito. Kaunti lang din ang gumagamit ng room na 'to. Papaalis na sana ako nang may marinig akong kaluskos sa loob ng isang pintuan malapit sa mesa.
Ano 'yon?
Nagsimulang lumakas ang dibdib ko, hindi ko alam dahil nagsimula na ring manginig ang katawan ko. Marahil sa takot na baka may multo rito? Lakas loob kong pinihit ang pinto at marahang binuksan 'yon. May boses akong narinig. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong walang multo. Paalis na sana ako nang marinig kong muli ang isang pamilyar na boses.
"Tapos ka na ba sa project mo?" tanong ng isang matinis ngunit pamilyar na boses. Si Daniela. Sinilip kong muli ang maliit na siwang ng pinto saka inikot ang paningin ko. Sinong kausap niya? Bakit dito pa sa vacant room? Marami namang ibang lugar.
"Ginagawa pa ni Akirah." Nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Muling nanginig ang katawan ko at kumalabog ang dibdib ko. Bakit siya? Bakit dito?
"Sobrang useful sayo ni Akira ano? Nagseselos na ako, babe." Nakita ko kung paano ngumuso si Daniela at nag-ikot ng mata sa harapan niya. Nag-uumpisa na ring mamuo ang mainit na likido sa aking mga mata.
Babe? Bakit babe?
"Huwag kana magselos, para sayo naman 'to. Alam mo namang mahal na mahal kita." Malambing na sagot naman sa kanya ng boyfriend ko.
Ilang beses pa akong lumunok saka tumingala para hindi maglaglagan ang namumuong luha ko.
So totoo pala? Sa loob ng dalawang taon, nagpakamartyr ako dahil akala ko naghiwalay na sila.
Dahil sa kanya ako naniniwala.
Isang side chick pala ako?
"Iwan mo na siya." nakangiting ani Daniela.
"Gusto mo na ba?" Nakakalokong tanong sa kanya ni Timothy na lalong nagpalaglag ng luha ko.
Wow. Gano'n lang kadali sa kanya sabihin 'yon? Ginamit niya lang ako?
Sa sobrang panginginig ko ay nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa pinto na siya namang dahilan para bumukas at umingay ito. Mabilis silang dalawang lumingon sa direksyon ko. Nanlalaki ang mata ni Tim nang magtama ang mga mata naming dalawa.
"A-akira." Utal-utal niyang aniya.
"I'm breaking up with you." I said before leaving them. Bago ako makaalis ay nakita ko kung paano sumilay ang ngisi sa labi ni Daniela.
***
Isang linggo ang makalipas ng mahuli ko si Tim ay hindi pa rin ako pumapasok sa school. Hindi ko alam kung anong mukhang maihaharap ko pa sa mga kaklase ko at sa iba pang mga estudyanteng naghihintay na maghiwalay kami.
Mula umaga hanggang gabi ay wala akong tigil sa pag-inom. Ngayon ay araw ng linggo at nandito ako sa Chill Bar. Mabilis kong nilagok ang pangpitong tequila, hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko.
Nakararamdam na rin ako ng pagkahilo kaya mabilis akong umalis sa lugar na 'yon. Hanggang ngayon nalang kasi ako iinom dahil napagpasyahan kong papasok na ako bukas.
Habang naglalakad ay pumasok ako sa isang simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Iika-ika akong naglakad hanggang harapan saka tinignan ang iilang tao sa loob ng simbahan. Apat na lalaking hindi ko mamukhaan.
Anong meron?
Pupungay-pungay ang mata kong tinignan ang nasa kabilang gilid ko. Ngumisi ito kaya ngumiti rin ako. Ang gwapo.
"She's the bride." The familiar voice said.
Saan ko nga ba narinig 'yon?
Pumikit ako nang mariin saka muli siyang tinignan. Sino ba siya? Ako bride?
Ngumisi ako saka hinarap ang isang pari. Wow! Ako ay isang bride?
"Yes father, I do!" malakas na sigaw ko saka ngumiti. Nginisihan ko ang lalaking nasa gilid ko saka siya niyakap. "Yehey, may asawa na ako!" sigaw ko saka nagtatatalon.
Yehey kasal na ako!
Tumalon ako nang tumalon bago pa mandilim ang paningin ko. Napatigil ako sa pagtalon at kinalma ang sarili ko. Umiikot na naman ang kalamnan ko. Nasusuka ako. Nawalan ako ng balanse nang tumayo ako kaya pumikit ako ng mariin para damhin ang pagkakabagsak ko. Ngunit hindi pa man ako sumalampak sa sahig ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak sa bewang ko.
"Take my wife." huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.