Chapter 2

2158 Words
KIRA'S POV Mabilis ako umupo nang maalimpungatan ako. Anong oras na ba? Hinilot ko agad ang sintido ko nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. "Aww, ayoko na uminom lord." mahinang ani ko. Hinaplos ko rin ang tyan ko nang makaramdam ako ng pag-init ng aking tyan. Pakiramdam ko ay umiikot ang kalamnan ko. Bumuntong hininga naman ako saka pinilit na idinilat ang mata. Baka ma-late pa ako sa school. Iginiya ko ang mata ko sa loob ng kwarto. "Oh? Kailan pa ako nagkaroon ng TV?" wala sa sarili kong tanong sa aking sarili. Bumili ba ako ng TV? Marahan kong tinanggal sa katawan ko ang kulay itim at makapal na comforter. Pasikat na ang araw pero hindi ko naramdaman ang init ng comforter. Napatigil ako sa pagkilos nang bumalik ako sa ulirat. Teka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. Halos lahat ng gamit ay halos kulay itim. Mula sa kurtina at iba pang gamit. Amoy na amoy ko rin ang matapang ngunit mabangong amoy panlalaki? PANLALAKI? Mabilis akong lumingon sa gilid ng kama nang maramdaman kong may gumalaw. Namilog ang mga mata ko nang makitang may komportableng natutulog sa gilid ng kama at suot ang kulay puting t-shirt. Nasilayan ko rin ang isang napakagwapong pamilyar na mukha. Sandali? Napatigil akong tinitigan siya at inisip kung saan ko siya nakita. Sandali pa ay nanlalaki ang mga mata ko saka mabilis na nagtakip ng bibig. What the? Yung lalaking nag-abot sa akin ng panyo sa vacant room! Nilinga ko ang paligid saka ko kinapa kapa ang sarili ko. Lalong lumaki ang mata ko nang makitang iba na ang suot ko. Nakasuot ako ng maikling silver silk dress at may suot na white high socks. What the hell is happening? Tinapik ko pa ang ulo ko saka inisip kung bakit ako nandito. Ano ba ang ginawa ko? Bakit ko kasama 'yang siraulo sa kwarto at bakit iba na ang suot ko?! Bago pa ako mabaliw ay mabilis akong kumilos saka nagmamadaling umalis sa kwarto na 'yon. *** "Hello?" Halos pabulong kong aniya habang sinusuot ang bag ko. Mariin kong pinikit ang mata ko dahil masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong pumasok. Isang buong linggo na akong hindi pumasok. "Papasok kana ba? Girl! Wala na akong kachikahan!" Mabilis kong inilayo sa tainga ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Chandra. Ang kaibigan ko. Matinis pa naman ang boses niya. "Papasok na ako, see you!" I answered bago ko patayin ang call niya. Baka hindi na ako makakilos kapag nagsimula na siyang magtelebabad sa call. Saglit kong tinignan ang sarili ko sa salamin bago ko umalis. Suot-suot ko ang uniform ng school namin. Kulay puti at medyo lumuwag ang blouse ko dahil pumayat ako, kasunod nito ay suot ko ang necktie na kulay red. Maikli naman ang palda kong kulay pula na umaabot lamang sa aking binti. Ang suot ko namang medyas ay kulay itim na high socks at kulay itim na boots. Lumaylay din ang straight kong buhok saka ko nilagyan ng white na headband. Nang makarating ako sa school ay hindi nakaligtas ang presensya ko sa mga schoolmates ko. Panigurado ay kumalat na agad ang balita na paghihiwalay namin ni Tim. "Deserved!" "Mabuti naman ay pumasok na siya." "Na-stress siguro siya dahil wala nang natitirang nagmamahal sa kanya kaya hindi nakapasok ng isang linggo." "Kahit naman ako, kung malalaman kong wala nang nagmamahal sa akin ay manghihina ako." Iilan sa mga narinig kong bulong-bulungan habang lumalagpas ako. Ang iba pa ay tinatawanan ako at ang iba naman ay tinitignan ako. Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy maglakad papunta sa classroom. Ayokong bigyan sila ng pansin, hindi nila deserve. *** "Babae!" Mabilis kong nilingon ang bintana nang marinig ko ang boses ni Chandra. Ang kaisa-isang bestfriend ko. Nawala ang lungkot ko kaya mabilis akong lumabas ng classroom para yakapin siya. Nakabalik na pala siya ng Pilipinas. "I missed you, Chan!" masayang ani ko sa kanya. Nakita ko namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi saka ako niyakap ng mahigpit. "I missed you more!" sa wakas ay may kakampi na ako. Isang buwan din siyang nawala dahil sa family business nila. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko nang maghiwalay ang aming mga katawan. Lalo siyang naging sexy! "Ano na girl? Gusto mo na bang reskaban kita?" pabirong aniya. Kahit kasi nasa States siya nag-uusap pa rin kami gamit ang social media kaya updated siya sa break up namin ni Tim. Kahit papaano ay naibsan ang kalungkutan ko. Hindi man kami magkaklase ay hindi 'yon naging dahilan para mawalan kami ng komunikasyon. "Wag nalang natin sila pag-usapan. Ayoko silang makita parehas." I sighed. Kahit masakit ayoko na sila isipin. Pagtatawanan lang ako ng mga tao kung bibigyan ko pa sila ng pansin. Tinapunan ko ng tingin si Chandra nang hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siya sa akin saka hinawakan ang aking pisngi. "You're so genuine." she smiled. Si Chandra ay isa rin sa mga kilala sa Fairmount High. Sino ba namang hindi mapapalingon sa kanyang ganda? Maputi, makinis, naparikit ng kanyang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi at sexy ang kanyang katawan. Galing rin sa mayamang pamilya si Chandra, kaya hindi makakailang naaalagaan ang kutis nito. Nakilala ko siya nang maging kaklase ko siya noon. Mabait at palakaibigan si Chandra kaya mabilis kaming naging close. Nag-usap nalang kaming sabay na uuwi para makapagbonding dahil narinig namin ang pagtunog ng bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nanahimik ang apat na sulok ng classroom nang pumasok ang teacher namin sa Mathematics. "Good morning, class!" masayang bati ni Ma'am Soliman. "Good morning, ma'am!" Inayos ko ang bag ko at kumuha ng mga gagamitin sa klase. Hindi ko favorite subject ang math at ito ang pinakaayaw kong subject kaya pinag-aaralan ko talaga 'tong mabuti. "Today, magkakaroon kayo ng new classmate." Ang kaninang tahimik na classroom ay napuno ng bulung-bulungan. Kung magkakaroon kami ng new classmate ay malamang na matalino rin ito. Nasa section 10-A kami at mahirap makapasok sa section namin. "Siya ba 'yong anak ng owner ng school, ma'am?" bakas sa mukha ng kaklase ko ang saya nang magtanong siya. "Saan niyo nakuha 'yan?" Nagtatakang tanong ni Ms. Soliman. Gano'n na ba ako ka-outdated? Sabagay, ano bang aasahan sa isang linggong absent na wala namang kaibigan sa room? "Narinig lang po namin, ma'am." Muling umingay ang classroom kaya sandaling pinatahimik sila ni Ms. Soliman. "Everyone! Please be good to your new classmate," sandaling tumingin ang teacher namin sa labas ng pinto at tinawag ang bago naming kaklase. "Mr. Willards, please come inside!" Walang anu-ano ay pumasok sa classroom ang bago naming kaklase at humarap sa gitna. Muling napuno ng ingay ang classroom at nagtititili ang mga kaklase kong babae at binabae. Ang mga kaklase ko namang mga lalaki ay inis na bumubilong. Namilog naman ang mga mata ko nang marealized kong kilala ko siya. Siya 'yong lalaking nakita ko sa Vacant room. Mas lalo namang nanginig ako nang maalala kong nagising akong siya ang katabi ko! "Please introduce yourself." Nakangiting ani Ms. Soliman. Walang emosyong nakapamulsa ang bago naming kaklase sa harapan, sukbit ng kaliwang balikat niya ang itim niyang bagpack. "Cleo Willards, nothing special." malamig niyang pakilala. Hindi naman maitatanggi ang lakas ng kanyang awra at charisma. Lalo kasing lumitaw ang kanyang kagwapuhan dahil sa suot niyang uniporme ng school. Nanlamig ang katawan ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Halos marinig ko na rin ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Ayoko pa sana isipin kung paano ako napunta sa kanila pati na rin kung anong nangyari bakit siya ang kasama ko paggising ko pero halos mapuno na ang utak ko sa pag-ooverthink. Nanliit ang kanyang matang at kasabay no'n ang kanyang pagngisi. Bumuntong hininga naman ako nang maalalang binigyan niya nga pala ako ng panyo. Kung ang ngini-ngisi niya ay alam niyang umiyak ako noong huling beses kaming magkita o naalala niyang siya ang katabi ko kagabi? "You can sit beside Ms. Lo---" Hindi pa man natapos sa pagsasalita ang teacher namin ay naglakad na si Cleo. Ang bastos! Wala talagang manners. Nanlalaki ang mata ko nang tumigil siya kanyang paglalakad. Huminto siya sa harap ko at muling hinablot ang ID ko. "I think you need to change your ID." he smirked. Nilingon ko isa-isa ang mga kaklase ko. Nasa amin ang atensyon ng lahat. Nagtatakang sinusuri nila kami at kahit ako ay hindi ko malaman kung ano na namang trip ni Cleo kaya mabilis ko hinablot sa kanya ang I.D ko. "Wala ka na bang ibang napapansin kundi ang I.D ko?" halos ibulong ko nalang sa hiya ang sinabi ko. Hindi pa nga tapos ang issue ko kay Tim ay mukhang madadagdagan na namin dahil sa eksena nitong Cleo na 'to. Tumikhim si Ms. Soliman kung kaya't mabilis niyang nakuha ang atensyon ng lahat--maliban kay Cleo na nakangisi pa rin sa akin. "Mr. Will--" "I will sit beside her." Pagputol niya sa teacher namin. Nanlalaki ang mata ko nang makitang nakaturo ang kanyang daliri sa akin. Narinig ko ang iilang komento ng mga kaklase ko at ang kanilang pag-apila. Ang iba pa ay sinasamaan ako ng tingin at ang iba ay iniirapan pa ako. What the? Bakit ako na naman? Hindi na ba talaga matatahimik ang buhay ko? Walang alinlangang tumango naman si Ms. Soliman dahil wala rin naman akong katabi. Gusto ko sanang umapils ngunit mabilis na inilapag ni Cleo ang kanyang bag sa kanan ko saka tahimik na umupo. "Slut." dinig kong bulong ng isang kaklase ko. Hindi ko 'yon pinansin saka tinapunan ng tingin ang katabi ko. Walang emosyong nakapalumbaba siya at komportableng nakatingin kay Ms. Soliman na nagsimula nang magsulat sa blackboard. "What the hell is your problem with me?" mahinang tanong ko. Alam kong narinig niya 'yon kahit na hindi siya lumingon dahil sumilay muli ang kanyang ngisi. Tumingin lang siya sa akin saka tinignan ang kanang kamay ko. Muli siyang ngumisi kaya't mabilis kong tinignan ang kamay ko. Suot-suot ko kasi ang isang singsing sa aking palasinsingan. Mula kaninang umaga ay hindi ko na talaga alam kung paano napunta 'to sa daliri ko at hindi naman ako bumibili ng kahit na anong accessories dahil hindi ko afford. Muling kumabot ang dibdib ko dahil sa naisip ko. "Sayo ba 'to? Hindi ko alam kung bakit nasa ak--" hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang makitang masama ang tingin sa akin ng kaklase kong si Julia. Nakita ko ring lumingon si Cleo kung saan ako nakatingin saka mahinang nagsalita. "Let us talk later." aniya habang saka nagbuklat ng notebook. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o si Julia. Nagkibit-balikat nalang ako saka muling tumingin kay Ms. Soliman. *** Natapos ang klase kaya mabilis akong nagligpit ng gamit ko. Ayokong maabutan ako ng mga kaklase ko dahil alam kong pariringgan na naman nila ako tungkol kay Tim. Kung ako nagsisimula nang mag-move on pwes sila ay hindi. "So, how's the feeling after mong malamang ginamit ka lang?" I frozed when I heard that voice. It's Daniela. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko at nagsimulang asarin ako. Kagat-labing pinipigilan ko ang luha kong huwag tumulo dahil ayaw kong pagtawanan na naman nila ako. Hindi ako nagsalita at patuloy lamang sa pagliligpit. "Hi, babe!" Narinig kong ani Dan. Sa amoy palang ay alam kong nandyan na rin sa labas ng classroom si Tim. Alam ko ang amoy niya dahil ako mismo ang bumibili ng perfume niya. Tumayo ako saka akmang aalis na nang marinig kong magsalita si Cleo. "Where are you going?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. Napunta agad sa kanya ang atensyon ng mga kaklase namin. Ayaw kong nakukuha ang atensyon ng mga kaklase ko pero bakit palagi nalang ako ang nakikita nila? "Ang bilis kumerengkeng." "Malandi talaga." "Professional." Samu't-saring mga salita na naman ang naririnig ko. Hindi ko alam ngunit bumabaon na sa puso ko ang mga naririnig ko. Masakit kaya't nag-uumpisa nang mag-init ang mga mata ko. Bakit ako nagpapaapekto sa kanila? Dahil ba mabigat ang nararamdaman ko dahil kay Tim? "Love?" Nanigas ako nang marinig ko ang boses ni Tim kaya nilingon ko agad siya. Matalim ko siyang tinignan at halos makuyom ko ang kamao ko sa galit. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Malungkot? Wow. Nice acting. "Love?" mabilis na hinampas ni Daniela ang braso ni Tim kaya nawala ang atensyon niya sa akin. "Ah, Akira mag-usap tayo." sunod na aniya. "Woah." hiyawan ng mga kaklase ko. Hindi pa ba sila tapos paglaruan ako? "Babe, let us talk later okay?" pagpapaliwanag ni Tim kay Daniela. Masamang tingin naman ang isinagot ni Daniela sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ginagago ako harap-harapan kaya mapakla akong natawa na siya namang ikinalingon nila. Mabilis na pumasok si Tim sa classroom namin na ikinabigla naming lahat. "Akir--" Hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Tim nang umatras ako kaya ikinabigla niya. Hindi siya nagtagumpay hawakan ang braso ko nang tumayo si Cleo saka hinawakan ang kamay ko. "Let's go, wife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD