Chapter 3

2122 Words
KIRA'S POV "Anong kailangan mo sa akin?" Napatigil si Cleo sa pagkaladkad sa akin mula sa classroom hanggang sa rooftop. Hingal na hingal ako dahil hindi manlang niya naisip bagalan ang paghila niya sa akin. Tagaktak ang pawis na dumadaloy mula sa aking noo. Tirik na tirik din ang araw sa kalangitan. Marahan kong siningkit ang mga mata ko, hindi ko masyado maaninag ang emosyon ni Cleo dahil nasisinagan siya ng araw. "At anong wife ang pinagsasabi mo?" Sunod na tanong ko sa kanya. Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga saka dahan-dahang pinamulsa ang kanyang magkabilang kamay. Naglakad siya papunta sa malilim na parte ng rooftop kaya't sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong pawis na pawis din siya ngunit hindi 'yon nakabawas ng kagwapuhan niya. Halos magningning pa nga siya dahil sa araw. Tumikhim ako nang marealize ko kung ano ang mga pumapasok sa isip ko. Ano ba 'yan Akira? Pinagpapantasyahan mo ba si Cleo? "Come here, mainit dyan." Nilingon ko ang malamig na boses ni Cleo. His voice echoed in the rooftop. Walang alinlangang sumunod ako sa sinabi niya. Para bang na-hypnotize niya ako. Oh? What's wrong with me? "Anong kailangan mo sa akin?" I repeatedly ask. Mabilis niya muling pinansin ang singsing ko sa kanang kamay. Kumunot ang noo ko saka nagsimulang tanggalin ang singsing sa daliri ko. "Don't you remember? You're now my wife." Napatigil ako sa pagtanggal ng singsing. Gulat na tinignan ko si Cleo ngunit malamig ang kanyang mga mata. Baliw ba talaga siya? "You don't remember, I guess?" dagdag niya. Bumuka ang bibig ko upang magsalita ngunit bigla siya ulit nagsalita. "I didn't force you, ikaw mismo ang pumunta and pinirmahan ang marriage contract." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Gising ba siya o nananaginip palang? Ipinagkrus ko ang mga braso ko saka siya tinignang mabuti. I sighed because of frustration. "Mister Willards--" "Yes, Mrs. Willards?" pagpuputol niya. Ngumisi siya sa akin saka tinignan ako ng mabuti. What the? Inis na sinamaan ko siya ng tingin saka muling nagsalita. "Are you out of your mi--" Napatigil ako nang biglang may pumasok sa utak ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko saka gulat na tinignan siya. Nangisi lang siya sa akin. -Flashback- "Yes father, I do!" masayang sigaw ko. Tumayo pa ako saka tinignan isa-isa ang mga hindi pamilyar na mukha kasama ang nasa harap kong pari. Nakakunot ang noo nito dahil hindi pa nagsimulang magmisa ang pari. Halos lumuwa naman ang mata ng mga lalaking hindi ko kilala. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang din sila. "Sand--" Hindi natapos ng pari ang kanyang pagsasalita nang magsalita si Cleo sa gilid ko. Nakasuot ito ng black tuxedo at kulay puting panloob. Magulo ang kanyang buhok habang hawak-hawak nito ang dalawang singsing. "Make it fast, father." He said with a cold voice. Ngumiti ako dahil ang gwapo niya nang sabihin niya 'yon. "Ang tagal! Nasaan na ang contract?" Pipikit-pikit kong tanong. Halos mahilo na rin ako at nakaramdam ng pag-ikot ng tyan. Nasusuka ako. Naramdaman ko ang paghawak sa braso ko. Masama na ang pakiramdam ko. Umiling-iling akong pilit na tumayo. "Ms. Jimenez, you can't do this." he wisphered. Tumayo ako saka pilit na inaabot at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Ang gwapo gwapo niya. "Kiss the bride!!!" Sigaw ko saka nagtatalon. Nakita ko ang paghawak ng sintindo ng iba pang mga nasa loob ng simbahan. Ang isang lalaki naman ay pilit na pinipigilan ang kanyang ngiti. Sinipat kong muli ang pari, malakas ang pagbuntong hininga niya saka hindi makapaniwalang tinignan si Cleo. "Mr. Willards, hindi ko alam na ganyan pala ang bride mo?" Nagpigil sa pagtawa ng isang lalaki. Siniko naman siya ng isa niyang katabi. "Shut up!" inis na singhal niya. Muli niya akong tinignan saka hinawakan ang magkabilang braso ko. Matamis akong ngumiti sa kanya saka siya kinindatan. "And you, Ms. Jimen--" Hindi ko siya pinatapos magsalita saka mabilis na hinawi ang mga kamay niya sa braso ko. Muntik pa akong matumba dahil nahihilo ako. Nakita ko ang isang papel sa gilid saka kumuha ng ballpen. "Ano 'to?" Hindi ko maintindihan ang nakasulat dahil gumagalaw ang mga letra. Nahihilo na siguro talaga ako. "No, don't---" Hindi ko muling pinakinggan si Cleo. Nakita ko ang pangalan niya sa gilid at may pirma. Nang makita ko ang nakalagay doon ay walang alinlangang pinirmahan ko rin ang papel. "Ayan! May autograph kana sa akin!" Masayang ani ko. Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng simbahan saka masayang pinakita sa kanya ang papel na hawak ko. Ang kaninang galit ay napalitan ng walang emosyon ang kanyang mga mata. Akmang lalapit ako sa kanya para iabot ang papel ngunit nawalan ako ng balanse saka ko naramdaman ang mahigpit na paghawak niya sa akin. "Take my wife." Huling narinig ko bago ako mawalan ng malay. -end of flashback- "Oh my god!" Hindi makapaniwalang tinignan ko ang daliri ko sa kamay. Kuminang ang diamond na nasa singsing. "Hindi kaba uuwi sa condo?" Bakas ang pang-aasar sa tono ng papanalita ni Cleo. "Lasing ako no'n!" sigaw ko sa kanya. "And you signed the marriage contract. Pinagmalaki mo pang may autograph na ako galing sayo." Mahabang lintanya. Mabilis kong hinubad ang singsing saka ko inabot sa kanya. Tinignan niya lang 'yon saka muling ibinalik sa akin ang tingin. "I will ask you the same question, hindi kaba uuwi sa condo?" walang emosyon niyang tanong. Lumipat ang tingin niya sa may pinto ng rooftop. "Hin--!" "Let's go." Hindi natapos ang sinabi ko nang bigla na naman niyang hilain ang kamay ko. Hindi ako makaangal dahil nagsimula na siyang kaladkarin ako. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga sinabi niya lalo na sa ang mga pangyayari. Noong nakaraang linggo lang ay naghiwalay kami ng 2 years boyfriend ko. Nakilala ko si Cleo dahil lumabas siya sa Vacant Room. Ngayon ay kasal na ako? At kay Cleo Willards? "Ohhhh!" "What a professional slut!" "The audacity to flirt with the new student!" Sumalampak ako sa likod ni Cleo dahil sa paghinto niya. Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa wrist ko kaya masama kong hinila ang kamay ko ngunit mas malakas siya. "Bakit ba bigla bigla kang tumi---" Hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang tinignan ko kung na kanino ang atensyon niya. Nag-umpisa na namang manginig ang katawan ko. Naramdaman yata ni Cleo dahil mabilis niyang sinipat ang tingin niya sa akin. "Love, mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako." Hindi ba talaga uso ang hiya sa kanya? Kunot noo kong tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Tigas naman ng mukha mo?" Seryoso ngunit mariin kong sinabi sa kanya. Unti-unting napupunta sa direksyon namin ang atensyon ng mga estudyante. Saglit kong tinignan si Cleo. As usual, walang emosyon ang kanyang paningin. Hindi pa rin niya binibitawan ang wrist ko. "L-lov--" "I don't like the way you talk to her." Hindi makapaniwalang tinignan kong muli si Cleo dahil sa sinabi niya. Kumunot naman ang noo ni Tim nang marinig niya ang sinabi ni Cleo. "Who are you? Ah the transferee." Tumango tangong ani Tim. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Cleo sa akin kaya nilingon ko siya. Bakas ang inis sa kanyang itsura. He deeply sighed before he glanced at me. "Are you gonna talk to him?" He asked me. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay muli siyang humarap kay Tim saka seryosong nagsalita. "Hindi niya raw gustong makausap ka." Nabigla ako nang sabihin niya. Naningkit naman ang mata ni Tim saka matalim na tinignan si Cleo. Halos kumabog ang dibdib ko dahil baka mag-away sila. Parehas masama ang tingin nila sa isa't-isa. "Wala siyang sinabi. I want to talk to her privately." mariing sabi ni Tim. Nakuyom ko ang mga kamao ko dahil sa inis. "It's about our relationship." My brow raised nang marinig ko ang sinabi niya. Our what? "Relationship?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Cleo saka ako tinignan. "Are you having relationship with him?" he asked me. Inirapan ko siya dahil alam niya ang sagot. Bakit niya pa ako tatanungin e siya nga nagbigay sa akin ng panyo nang malaman niyang pinaglaruan lang ako. Hindi ko alam kung iniinis niya ba ako. "Love, please let us talk." Inis na nilingon ko si Tim. "Pwede bang tigilan mo ako?" Naiiritang singhal ko na siya namang ikinagulat niya. In our two years relationship, never ko siyang inaway, sinigawan at tinarayan. I thought our relationship was perfect dahil sa ganong trato ko sa kanya. We never fight and all. Kaya hindi pumasok sa isip ko ang cheating. "Let's go." Hindi na ako umangal nang hilain akong muli ni Cleo. Ayaw ko ring maiwan sa harap ni Tim. Sobrang galit ako sa kanya pero ayokong magtanim ng galit o inis. Hindi nila deserved na bigyan ng kahit na anong emosyon. Napatigil kami sa paglalakad nang hawakan ni Tim ang kabilang kamay ko. What the hell is wrong with him? "Love, sa two years natin minahal kita." I smirked. Nagsimula akong nagpumiglas ngunit hindi ako binibitawan ni Tim. "Bitawan mo a--" "f**k off." Nanigas ako nang malamig na magsalita si Cleo. He is looking at my wrist. Mahigpit na nakahawak sa wrist ko si Tim at unti-unting sumasakit 'yon. Napangiwi ako dahil sa paghapdi ng wrist ko. "I need talk to her. Bitawan mo si Akira." Inis na singhal ni Tim. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya kaya't napaaray ako. "Get off your filthy hand on her!" Napalakas ang sigaw ni Cleo. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa takot. Halos mag-apoy kasi sa galit ang kanyang mga mata. "Babe! What are you doing!" Narinig ko ang pagsigaw ni Daniela ngunit hindi pa rin bumibitaw si Tim. Tumakbo papalapit si Daniela sa amin saka ako masamang tinignan. Bakit parang kasalanan ko pa? "I don't like saying it twice." sabay-sabay naming nilingon si Cleo. "Let her go first." Inis na sabi ni Tim. Pakiramdam ko ay hindi na dumadaloy ang dugo ko sa kamay dahil sa paghawak niya. "Babe! Get off your hands!" Sigaw sa kanya ni Daniela. Hinampas pa nito ang braso ni Tim saka hinihila dahilan para mahila rin ako. "Aray masakit! Bitawan mo ako." Pagpupumiglas ko. Ramdam ko ang pag-init ng kamay ko at pamumula nito. Lalong humigpit ang kamay ni Tim sa wrist ko kung kaya't ramdam ko ang pananakit nito. "Oh my gosh! Akira!" Nabuhay ang dugo ko nang marinig ko boses ni Chandra. Ngumiwi ako sa kanya at nanghingi ng tulong. Mabilis na lumapit si Chandra sa amin ngunit napatigil siya nang hawakan ni Cleo ang magkabilang braso ko. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa pagkatao ko. Maingat niyang hinawakan ang braso ko saka lumapit sa akin. Hindi magkamayaw ang sistema ko nang maramadaman ko ang katawan niyang dumikit sa akin. Napataas naman ang kilay ni Daniela saka ako tinignan. Masamang tingin naman ang binato ni Tim. Ang mga estudyante naman ay nakatingin sa amin at naghihintay kung anong susunod na mangyayari. Para bang nanonood sila ng isang teleserye. "Sino ka ba?" mariing tanong ni Tim kay Cleo. "Ano bang pakialam mo sa kung sino siya sa buhay ng ex-girlfriend mo, babe?" Halos umusok ang tainga ni Daniela sa inis. Marahas akong binitawan ni Timothy saka masamang tinignan. Halos matumba ako dahil sa pagkawala ng balanse mabuti nalang ay mabilis na hinigit ako ni Cleo. "The next time you touch her, I will make sure that your face will meet my fist." Cleo said coldly. Napasinghap si Chandra dahil sa narinig niya saka niya ako nginisihan. Wala sa sariling tinignan ko si Cleo. Masama ang tingin niya kay Tim. "Wala kang karapatang utusan ako." Madiing ani Tim. Napabuga sa inis si Daniela dahil sa inasta ng kanyang boyfriend. "Tigilan mo na ako, Tim. Wala na tayo." Walang alinlangang sambit ko. Sa totoo lang ay ayaw ko na siyang makita pa. "No. You're still mine." Gulat na nilingon namin siyang lahat dahil sa sinabi niya. What's wrong with him? Hindi pa ba siya tapos sa akin. "Are you cheating on me?" Mas lalo naman kaming napanganga nang sabihin ni Cleo ang mga salitang yon. Ngumisi siya sa akin saka hinawakan ang bewang ko. Nilakihan ko siya ng mata na mas lalong nagpangisi sa kanya. Oh no, please. Hindi pa pala tapos ang issue ko sa kanya. Narinig ko ang pagtikhim ni Chandra sa gilid namin saka nangiting tinanong si Cleo. "Who are you?" Ngising tanong ni Chandra. "Her husband." Kaswal na sagot ni Cleo. Halos lumuwa ang mata ko pati na rin ni Daniela sa sagot ni Cleo. Narinig ko naman ang pagtawa ni Chandra na animoy nakarinig siya ng joke. No! Not here, please. "So stop, pestering my woman." Huling salita ni Cleo at masamang tinignan si Tim saka ako hinigit paalis sa hallway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD