Chapter 10

744 Words
Well, hindi ko naman sila masisisi, dahil ganadong-ganado naman talaga ako. Habang nagshu-shoot kasi kami ng p**n videos ay ang mga eksena namin ni Gabriel sa restroom ang laman ng isip ko. Hindi ko makalimutan ang malambot nyang labi na parang ang sarap nguyain, at ang matigas niyang dibdib habang magkayakap kami. Nagji-gym kaya s'ya, bakit kaya ganun yun katigas? Ang hindi ko lang na-check ay kung matigas din ba ang... ibaba n'ya. Sayang! "Dahlia, pumunta ka raw sa office ni boss Bogart." Wika ng isang staff sa akin. "O, sige. Maliligo lang ako." Nang madaanan ko si collete ay napansin ko kaagad ang hindi magandang tingin n'ya sa akin. Hindi ko na lang s'ya pinansin, dahil hindi naman kailangan. Matapos kong maligo ay nadiretso ako sa office ng boss namin. "Congratulations, Dahlia. Hindi pa naire-release ang video mo pero may mga nagsasabi sa akin na sigurado raw na papatok yun. Halika, maupo ka." "Salamat po, boss Bogart." Pagkaupo ko ay itinulak niya papunta sa akin ang isang cheke sa mesa. "Boss Bogart?" "Para sayo. Para sa dedication mo at para lalo ka pang sipagin sa trabaho." "N-Naku, hindi ko po tatanggihan ito." Kaagad kong kinuha ang cheke at isinilid sa bag ko. Mamaya ko na lang ito titingnan kung magkano. Mukhang suwerte ang hatid ni Gabriel sa akin, a. Ipinaghain ako ni boss Bogart ng merienda, at nagkwentuhan kami nang kaunti. "Kumusta ang anak mo? Kumusta naman ang treatment n'ya?" "Okay lang po. Nakukumpleto ko naman po palagi ang gastusin para sa treatment n'ya, at ang lahat ng iyon ay dahil na rin po sa pagtanggap n'yo sa akin dito. Kaya ang laki po talaga ng pasasalamat ko sa inyo, boss." "Wala yun, ano ka ba? Mahirap ang sitwasyon mo. Hindi biro ang maging solong magulang ng may-sakit na anak, kaya nga bilib ako sa katatagan mo kasi kinakaya mong mag-isa." "Halos hindi ko rin naman po maramdaman ang hirap, e, lalo na kapag nakikita kong nagiging mabuti ang lagay ng anak ko. Gumaling lang s'ya, lahat ay matitiis ko." "O, s'ya. Ituloy-tuloy mo lang ang maganda mong performance, ha, para magpatuloy din ang magandang kooperasyon natin." At nagkamay kaming dalawa na akala mo ay mag-business partners kami. Bago umuwi ay nagtungo muna ako sa restroom. Ang laki kasi ng drinks na ininom ko sa office ni boss, at naubos ko yun. Kaya ngayon ay naiihi na ako. Habang umiihi sa isang cubicle ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Sure ka ba, colette? Paano mo naman nalaman?" "Hump! Common sense na lang, no. Malamang na kinakalantari talaga ni boss yang si Dahlia, tingnan mo, s'ya palagi ang labas-masok sa office n'ya, diba?" "O, baka naman sugar daddy pala n'ya si boss?" Tsk. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga narinig ko. pangkaraniwan na ito dahil sa mga may inggit sa akin dito sa kumpanya, kaya wala din akong pakialam kung pagchismisan nila ako. Pero hindi ko naiwasang magalit sa mga sumunod kong narinig: "Alam mo bang may nalaman ako, matagal na. Aksidente ko lang itong narinig kay miss Pinky habang kausap n'ya si boss pagpasok ko ng office." Wika ni collete "Ano yun?" "Ang dinig ko, ito daw si dahlia, ay may anak na, at... may sakit daw." "Ano??? Totoo ba yan? May anak na si Dahlia?" "Yun ang dinig ko, pero wala namang nagpapatotoo." "Pero kung totoo man, parang hindi naman makita sa katawan n'ya na may anak na s'ya, ano?" "Hump! Ang sabihin mo ay magaling lang talaga magtago ang hitad na yun. Alam mo, kung totoo man yung narinig ko, hindi na ako magtataka kung bakit nagkasakit ang anak n'ya..." Napukaw ang buong atensyon ko sa sinabi ni colette. Gusto ko ring malaman kung bakit nagkasakit ang gelai ko, at baka may nalalaman nga ang babaeng ito. "Bakit?" "Karma n'ya yun, no. Masyado kasi siyang pabida kaya malamang ay pinarurusahan na s'ya ng langit. Hindi ako naniniwala sa sinabi ng casting director natin na hindi naman daw n'ya ako inaagawan ng trabaho. Ang sabihin mo ay hinaharangan n'ya ang mga shoots na para talaga sa akin. Pati nga ata bookings ko ay sinasabotahe din n'ya, e. Kaya nga sana, kung totoo man na may anak siyang may sakit, mamatay na sana para maranasan din n'ya ang mawalan!" Biglang nagpuyos ang dibdib ko sa galit sa narinig ko, parang may apoy na gustong kumawala sa dibdib ko. Sinipa ko pabukas ang pinto ng cubicle at agad sinunggaban sa buhok si collete.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD