Chapter 11

709 Words
"Magsalita ka na ng mga hindi magaganda tungkol sa akin, i-chismis mo na ako nang i-chismis sa iba hangga't gusto mo, pero, huwag na huwag kang magsasalita ng masama tungkol sa anak ko. Wala siyang kasalanan sayo at lalong wala siyang ginawa sayo para isumpa mo nang ganyan ang buhay niya!" Galit na galit kong wika kay Colette habang ipinagwagwagan ko s'ya. Umaawat ang kasama niyang si Daisy, pero hindi ako nagpaawat. Galit na galit ako. Ano ang kasalanan ng Gelai ko para targetin niya nang ganito? Kung alam lang nila kung gaano kabait, ka-sinsible at kung gaano ka-sweet ang munting anghel ko, masasabi pa kaya n'ya yun? Naawat lang ang gulo nang may dumating na staff. Nang maawat kami, ako pala, ay saka ko lang namalayan ang maraming buhok sa kamay ko. Ipinatawag kaming tatlo sa office. "Dahlia, anong nangyari sayo at nakipag-away ka?" Tanong ni boss Bogart. How ironic kasi kanina lang ay pinupuri-puri pa n'ya ako. Nag-shake hands pa kami para sa kooperasyon namin, ngayon, pagbalik ko ay sinesermunan at pinagagalitan naman n'ya ako. "Ang nakarating sa akin ay dahil daw sa chismis. Bakit, hindi ka naman dati pumapatol sa mga bulung-bulungan tungkol sa'yo, a?" "Boss, pasensya na po. Wala naman po talaga akong pakialam sa mga chismis tungkol sa akin, e, kaya lang ay sumusobra na po kasi itong si collete sa pagsasalita n'ya." At sinabi ko ang mga sinabi ni collete tungkol sa anak ko. Dahil doon ay naparusahan s'ya, ngunit nalaman din ng lahat na meron nga akong anak na may sakit. "So totoo nga?!" Bulalas ni Daisy. Tiningnan n'ya ako na tila namamangha pa. Bago kami paalisin ni boss ay binalaan n'ya sila Colette at Daisy na huwag ipagkakalat ang tungkol sa nalaman nila. Ni-request ko kasi yun sa kumpanya bago ako magsimulang magtrabaho dito at naintindihan naman ako ni boss Bogart kaya nga pin'rotektahan n'ya ang interes ko. Paglabas naming tatlo ay hinabol ako ni Daisy para humingi ng paumanhin, bagay na hindi ginawa ni collete. "Um Dahlia, gusto ko lang sabihin sayo na wala akong sinabi na masama tungkol sayo o sa anak mo. Si Colette lang naman yung nagsalita nang nagsalita ng kung anu-ano." "Ayos lang." Sagot ko. Parang meron pa siyang gustong sabihin na hindi n'ya masabi. Hindi ko na yun hinintay dahil wala naman akong oras para makinig pa sa kanya. Ang gusto ko lang ay makauwi na. Matapos ang magandang feedback ko sa trabaho ko ay uuwi din pala akong sira ang araw, kaya gusto kong makapag-recharge na sa piling ng anak ko. Dahil sira na ang araw ko ay gusto ko sanang magliwaliw sa labas kasama si Gelai at Ronalyn, kaya lang ay hindi pumayag ang doktor ng anak ko nang ipagpaalam ko s'ya, kaya dito na lang kami sa bahay nag-happy happy. Nawala ang init ng ulo ko nang makita ko kung gaano kasigla ang anak ko. Nakikiloko s'ya sa amin ni Ronalyn sa pagvi-videoke, at paminsan-minsan ay sumasayaw-sayaw din s'ya. kung hindi nga lang s'ya kalbo ay aakalain ko na kagaya s'ya ng ibang normal na bata na walang sakit. Inabot kami ng magtatakip-silim ang pagkakasiyahan namin. Habana nalilibang ang dalawa ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. Ang cellphone na ito ang ginagamit ko para sa mga bookings ko kaya lumayo muna ako bago ko silipin ang text message. Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita ang mms na ipinadala sa akin dahil, picture iyon ng first love ko. "G-gabriel?" .... Gabriel: Matapos ang working hours ay inaya kami ni boss sa isang high-end ktv bar. Birthday niya kasi kaya manlilibre daw s'ya at hindi daw niya kami titipirin. Nag-cheer ang mga kasama ko at mga kabigan na mahilig sa libre. "Oy, Gab, sumama ka, ha." Wika sa akin ni erol, isa sa mga kaibigan ko. "Hindi na. Mas gusto kong magpahinga na lang." Sagot ko habang inililigpit at inaayos ang mga gamit ko. "Ano? Hindi puwede! Nung nakaraan, birthday ni kc, hindi ka sumama, e." "Oo nga. Magrelax ka naman, gab. Puro ka na lang trabaho, e. Saka, samantalahin mo na ang pagkakataon, habang libre." Wika ni Darwin. "Kayo na lang." Binitbit ko na ang bag ko at naghahanda na sanang umuwi nang harangan ako ng tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD