I finally know
Maaga akong nagising kinaumagahan. Suot ko ang bigay ni Ate Maddy sakin na damit. Naligo muna ako bago lumabas ng guest room nila Tito.
Paglabas ko ng kwarto ay tahimik pa lang kabahayan. Tulog pa siguro silang lahat. Kahit ang mga kasambahay nila dito ay parang tulog pa silang lahat.
"Parang ako lang yata ang hindi napuyat kagabi ah."bulong niya sa kawalan.
Nagtungo siya sa kusina para maka inom ng tubig. Nagulat pa siya ng may mga kasambahay na palang gising at tahimik lang silang nag aagahan. Apat ang nasa hapagkainan.
"Good morning po sainyo."bati ko sa kanila.
"Sus maryusep!"bulalas ng pinakamatanda sa kanila.
"Pasensiya na po."paumanhin ko kaagad.
"Alas sais mediya pa lang hija, gising kana?"di makapaniwala na tanong sakin ng pinakamatanda sa kanila.
"Nasanay lang po akong nagigising ng maaga sa umaga po."sabi ko.
"Gusto mo na bang kumain?"nahihiyang tanong ng Isa.
"Ah hindi na muna po, gusto ko lang sana makiinom ng tubig po."magalang kong sabi.
"Marie kuhanan mo siya ng baso at tubig."utos ng matanda.
"Kumuha na siya doon ah. May kamay at paa naman siya. Kumakain kaya ako."pagsusungit ng Isang kasambahay bahay.
Binatukan siya ng Isang kasambahay na ikinais nito.
"Gaga ka ba? Kapag narinig ng Boss natin na ganyan ang trato mo sa mga bisita nila panigurado na tanggal ka sa trabaho! Ilugar mo ang kamalditahan mo. Hindi ka nila sinasahuran dito para mambastos ng mga bisita nila."galit na sabi ng Isa.
"Kilala mo ba yang binabastos mo ha? Mas mayaman pa yan sa mga boss natin. Pasalamat ka nga at mabait iyan makipag usap. Kung iba lang baka nasampal kana!"inis din na sabi ng Isa pa.
Kilala ba niya ako na gano'n ang sinabi nito na mas mayaman pa ang pamilya ko kay Tito? Tanong ko sa isipan ko.
"Kailangan ba pagtulungan niyo Ako. Para gano'n lang ang sinabi ko makareak kayo wagas."sumbat nito.
"Pinipilit mo paring tama ang ginawa mo gano'n ba? Isumbong kaya kita sa Boss natin para malaman natin kung tama parin ang pambabastos mo sa bisita nila."
"Hmp! Hindi ko naman siya amo para pagsilbihan siy----"hindi na nito naituloy ng batukan ulit siya ng kasama nito. Maldita nga talaga ito. Tsk! Wag ako ang pagmalditahan mo baka masapak pa kita. Iritang sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko na lang sila pinansin pa at lumabas na ng kusina. Nagtungo na lang siya sa may garden nila Tita doon siya nag warm-up. Habang hinihintay na magising sila Tito. Pagkatapos nag warm-up ay naglalakad lakad siya sa paligid ng garden at sa pool.
Hindi ko pinansin ang kasambahay na bumastos sakin. Nandito ito sa tabi ng pool nagwawalis. Tumingin siya sakin pero kunwari'y hindi ko siya napansin at nilagpasan lang ito. Nagpasaring siya sakin at hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Tumigil ako sa tabi niya at mabilis ko itong tinulak sa pool.
Luminga pa ako sa kapaligiran kung may tao. Dahil malakas itong sumigaw. Pero wala naman nakakita kaya mabilis akong umalis doon ng hindi nililingon ang malditang katulong. You deserve that, sana lang marunong siya lumangoy dahil kung hindi konsensiya ko pa kapag naglunod ito sa pool.
'Sorry God sa ginawa ko sa kasambahay nila Tito. Sobra naman kasi ang pambabastos nito sa'kin.'taimtim kong bulong sa itaas.
Pagpasok ko sa kusina ay nadatnan ko ang isang kasambahay doon naglilinis.
"Ahmm...ate nahulog po yung kasambahay na Isa sa pool. Marunong kayang lumangoy yun?"alanganin kong tanong dito.
"Sino sa kanila ma'am yung matanda o yung maldita?"tanong nito.
"Yung maldita po."
"Haynako...hayaan mo dun yun na malunod deserve niya yun. Ambastos niya sa aming lahat. Kung masama lang ako e, kinausap ko na ang amo namin na tanggalin ito."simangot nito.
"Pero sila Tito bastos din ba yun sumagot sa amo niyo?"tanong ko.
"Nako sipsip yang babae na yan! Plastic pa pero madalas yan pinapagalitan ni ma'am Maddy, lagi kasi palpak ang trabaho."sumbong nito sa'kin.
"Hija, I saw what you did to my helper!"seryosong sabi ni Tito sakin.
Nagulat pa kaming dalawa ng kasambahay sa pagsasalita bigla ni Tito sa likuran namin.
"Good morning po Sir."bati nito.
Kaya bumati na din ako. "Good morning Tito."bati ko ng hindi nagiguilty sa ginawa ko.
"Bakit mo siya tinulak sa pool Serenity?"ulit nito.
"Ay Sir deserve niya pong maitulak sa pool. Binastos niya kasi si ma'am Serenity. Kahit kaninang umaga naghingi po kasi ng tubig si ma'am Serenity ng pabalang itong sumagot keso hindi naman daw niya amo bakit daw niya pagsisilbihan. Sinabi pang may kamay at paa naman daw siya dapat siya na ang kukuha ng maiinom ni ma'am Serenity."mahabang sabi ng kasambahay.
"I'm sorry Tito. Hindi ko naman intension na itulak siya. Pero sobra naman na pagsabihan ako ng hindi maganda. I respect everyone, you know Tito kung gaano ko kamahal ang mga kasambahay namin."
"Hindi din po siya nagsorry kay ma'am Serenity po. Inirapan pa niya at pinagsupladahan ang bisita niyo po Sir."sumbong pa nito.
Bumuntong hininga ito ng malalim. Hinaplos nito ang ulo ko na wari'y ay nakakaunawa ito.
"Natatawa na lang po ako na kahit saan ako magpunta hindi ako tinatrato ng maayos kahit maayos naman ako na nakikipagusap. They always bully me just because I look so weak. Binabastos na akala nila hindi ko sila papatulan. I'm tired of this treatment sometimes but life is so cruel and I have nothing to do about it."mahinahon kong sabi.
"Good morning everyone."bati ni Gabriel ng makapasok na sa kusina.
"Oh, what's happening here?"takang tanong pa nito. Na nagpalipat lipat ng tingin sa'min ni Tito.
"Wala hijo."sagot agad ni Tito.
"Manang, pakihanda na ang agahan namin."utos ni Tito.
"Yes Sir."
"Let's go to the dinning table hija."sumunod na lang din kaming dalawa ni Gabriel. Binubulungan ako nagtatanong kung ano ang nangyari. Umiling lang ako.
Pagkaupo nilang tatlo sa hapag at hinihintay ang ilan pang mga kasama namin para sabay-sabay na kaming kumain. Hinahanda na din ang pagkain sa lamesa.
"Tell me exactly what happen hija? Bakit mo ginawa yun sa kasambahay namin."usisa nito pero hindi naman galit sa ginawa ko.
"Anong ginawa niya sa kasambahay natin honey?"singit ni Tita na kararating lang sa hapagkainan.
"Tell us, Serenity?"si Gabriel naman ang umulit.
Napakamot siya sa ulo niya. Naghihintay na sila sa sagot ko. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.
"Sinadya ko talaga siyang itulak sa pool dahil nainis ako sa pasaring niya sakin. Hindi ko na nga siya pinansin dahil hindi ko nagustuhan ang pambabastos niya sakin ng humingi lang ako ng tubig kaninang umaga. May kamay at paa naman daw ako ide Ako na ang kukuha. As a visitor hindi naman po maganda na basta na lang ako nakikialam sa kusina ng walang paalam. Pinagmalditahan niya ako at irapan. Hindi ko naman intension na storbubin sila na kumakain kanina."simangot ko na mediyo nahihiya pa ako sa sinabi ko.
"Alam ko naman na mali ang ginawa ko at mali ang gumanti pero one is enough. Pero ang pagsabihan ako ng hindi ko nagustuhan sa pangalawang beses hindi ko na palalampasin pa."dagdag ko pa.
Niyakap ako ni Tita at hinaplos haplos ang ulo ko. Ang sarap sa pakiramdam ng may yumayakap habang nagsusumbong ka. May umaalo sa'yo, pakikinggan at hindi ka agad na huhusgahan. Ganito ang gustong gusto kong maramdaman mula sa mga magulang ko pero wala silang kacare-care sakin.
"Hindi ko mapapalampas ang mga ganitong pag uugali sa loob ng pamamahay ko. Ibabalik ko siya sa agency ng makahanap parin siya ng bago niyang trabaho. Ayokong binabastos nila ang sinuman sa mga pamilya ko dito sa pamamahay ko."seryoso na sabi ni Tito.
"Tama ka honey, hindi pwede sa pamamahay namin ang walang respeto at walang galang sa mga bisita namin."inis din sabi ni Tita.
"Pasensiya na po!"mahina kong sabi.
"Kahit Ako din hija gano'n ang gagawin ko. You respect them tapos babastusin ka lang nila. It's a no, no for me."wagayway pa ni Tita sa isa niyang kamay.
"Sino sa kanila ang gumawa niyan sa'yo?"tanong ni Gabriel.
"Hindi ko siya kilala tanongin na lang mamaya sa ibang kasambahay niyo po." sagot ko.
"Kain na tayo."tawag ng atensyon sa'min ni Tito.
Dito ako natuto na kapag kumain ay mananalangin muna. Kaya sobrang bless ang pamilyang ito. Sana sila na lang ang naging totoong pamilya ko. Nalungkot na naman siya bigla.
Nagsidatingan na din ang pamilya ni Ate Maddy at sumunod naman si Katrine. Kaya nagsimula na kaming kumain lahat.
Masaya ang hapagkainan kainan. Masasabi kong masaya ako kapag sa pamilyang ito ako pumupunta aside sa pamilya ni Tito David. At sa pamilyang Cromwell mabait sakin si Tita Beverly at Tito Greg. Nagalit pa ang mga ito sa nangyari sa shop ko. Kaya sabi ni Tito sakin kahit kasosyo nito ang pamilya ko sa ilang mga negosyo nila ay iba-ban parin daw niya ang mga ito dito sa Makati Cromwell Mall.
"Tahimik ka na Vivi."puna ni Tita sa'kin.
Ngumiti lang ako at ayoko isatinig ang nasa isipan ko. Ayoko ng madrama ngayon masaya ako na kahit papano ramdam ko na may nagmamahal at nag-aalala parin sakin.
Maya't maya ay sinabihan ako ni Tito na sumunod saknya sa library nila. May mahalaga daw kaming pag-uusapan na kaming dalawa lang. Pero sumama parin si Tita sa loob dahil gusto daw nitong marinig ang pag-uusapan namin ni Tito.
"Hon, you know this already. I just want to be alone with her para maging comfortable siya."sabi ni Tito.
"Nonsense. Nandito lang ako to guide her and comfort her. Don't mind me here."sagot naman ni Tita.
Wala ng nagawa si Tito Edward dahil makulit din minsan si Tita. Naupo silang tatlo sa sofa. Kinakabahan siya na hindi mawari. Excited at the same time.
Nagsimula na itong magbasa habang ako tahimik lang na nakikinig. Letter iyon ni Papa para sakin. Pero pinatigil ko si Tito at sinabi na kung pwede siya na lang magbasa kapag nakauwi na siya sa apartment niya. Nakakaunawa naman na marahan na tiniklop ang papel at nilagay sa puting envelope. Inabot ko kaagad ng ibigay sakin.
"May last will treatment pa ang Papa mo na sa'yo lang talaga niya pinangalan. Your Papa is so clever and it's like he knows everything about what going to be happen in the future. He is right. Kaya tama lang na sa'yo niya lahat ipangalan ang mga naglalakihang hotel and casino na pagmamay-ari ng Papa mo sa Las Vegas, Nevada, Washington at sa California. The Sky thunder valley casino and resorts sa California ay kasosyo niya ang Tito mo Lincolnton. Kilala mo siya diba? Na-meet mo na siya dati will actually most of the time kapag nasa California tayo nila Papa mo dati."tumango naman ako. Of course I know him he is Spanish at may anak na Isang lalaki at Filipina ang asawa. Pero hindi ko pa nakikita ang asawa nitong Filipina.
"Ang alam lang ng mga pamilya mo ay Ang casino na nasa New York apat ang Branch na nando'n. Tag-iisa kayo ng mga Tito mo pero sa'yo parin ang pinakamalaking branch doon. Pero ang nasa Nevada at Washington ay marami ang mga branch ng hotel, resort and casino, pati sa California. Pero ikaw lang nakapangalan doon."
Hindi naman ang mga ito ang gusto kong malaman eh. Pero honestly nakakalula ang mga assets ni Papa sa ibang bansa. Ang daming Branch pero ang alam lang ng mga Tito ko sa New York lang ang merong casino si Papa. Nagalit sila sakin dahil sakin napunta ang pinakamalaking casino sa New York.
Meron din dito sa Pilipinas meron sa visayas at Mindanao region at dito sa manila at sa Northern Luzon. Pero nakapangalan na iyon sa mga apo ni Lolo. Sa mga business na hinahawakan nila Tito lahat ng iyon may mga shares din ako. Even the private hospital sa iba't ibang panig ng bansa may shares ako.
"May mga mansion ka sa bansang nabanggit ko hija. All the mansions is yours. May mansion ka din dito mas maganda at mas malaki pa sa mansion niyo. They don't know about it dahil sa'yo ko lang daw sasabihin sabi ng Papa mo."
"Pero Tito alam mo naman pong I don't need those assets of my Papa. I only want is love, care and compassion. I want to feel the love of my own parents. Yung care nila yun po ang kailangan ko."mahina kong sabi na naluluha na naman ako.
Bumuntong hininga si Tito at Tita na parang nahihirapan silang magsabi ng totoo.
"Dalaga kana and I know how strong you are. But I also know that deep inside of your heart nahihirapan kana sa sitwasyon mo na ito. Alam kong marami kang kinikipkip na sakit, lungkot at sama ng loob diyan sa puso mo. Magpakatatag ka hija nandito lang kami para sa'yo."sabi naman ni Tita.
"Galit na galit sila sa'yo dahil sa mana. Iyon lang ang dahilan ng lahat. Dahil mas marami ka pang mana kesa sa mga Tito mo. You know the reason why Vivi, right?"sabi ni Tito. Tumango naman ako.
"Now listen carefully hija. It's about time na malaman mo na ang totoong ikaw."kinakabahan siya sa mga malalaman niya ngayon tungkol sa buhay ko.
Nagsisimula na itong magkwento. Nakikinig lang ako hanggang sa tumulo na ang luha ko sa aking mga mata. Nagimbal ako sa naririnig ko mula kay Tito. Halos hindi ako makapaniwala. Totoo ba ang mga naririnig ko? Totoo ba ang lahat ng ito? Kaya pala sila galit na galit sakin dahil dito.
Halos hindi ko na maunawaan ang mga sinasabi ni Tito dahil ang nasa utak ko lang ay ang Papa ko. Hinahaplos haplos din ni Tita ang likod ko. Pati ito naluluha at nalulungkot din sa mga naririnig nito. Hindi ako nagkomento nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi ni Tito sakin.
"Pinsan mo si Katrine sa father side or should i say pamangkin mo siya. I'm sure hindi niyo kilala ang isa't isa. Most of your father side relatives are they don't know you. They don't know the real you. Ang ibang relatives niyo sa father side Ang alam lang nila bunso kang anak ni Samuel at Claudia."Sabi pa ni Tito.
"Kaya gano'n ang trato ni Claudia sa'yo dahil mas marami kang mana sa asawa't anak niya. Mukha iyon pera at kung hindi magaling sa business world si Samuel panigurado na bankrupt ang ilang business niyo dahil sa pagwawaldas ng mahadera niyang Asawa."sabi naman ni Tita.
"Hindi siya nagwawaldas, kinukuha ang ibang pera sa company para ilipat sa sariling account nito. Maraming illegal na gawain yang babae na iyan. Nakakalusot dahil walang pruweba. You will find out soon. Your bodyguard knows everything about Claudia. And she's cruel person dahil sa mga ginagawa niya sa mga kababaihan!"
"Hindi ba nalalaman ni Dad, na gano'n ang ginagawa ng asawa niya?"tanong ko.
"I don't know. Your dad is so in love to that lunatic woman. Namana ng mga anak niyang lalaki ang ugali ng Ina nila!"sagot ni Tito.
Naging seryoso na si Tito at maraming mga babala, payo pag-aalala para sakin. Kailangan kong makausap si Kuya Gardo mamaya. Gusto kong magpatulong na alamin ang isang bagay na gusto kong makita.
Dito na din Ako nagtanghalian. Nagbonding muna kami nila Katrine at ate Maddy at ang pamilya nila. Naligo sa pool at nag barbecue kami sa patio nila.
Nagulat pa ako ng magpasalamat ang mayordoma nila dahil sa pagkakaalis ng isang kasambahay nila. Ako lang pala daw ang way para maalis sa trabaho ang malditang kasambahay na iyon. Kaya deserve daw niya ang pagkakatulak ko dito sa pool.
Nahiya naman ako kahit papano kay Tito at Tita. Pero sabi ni Ate Maddy tama lang daw ang ginawa ko. Sinasagot sagot daw kasi siya nito minsan. Walang galang na kasambahay.
Hapon na ng sunduin ako ni Kuya Gardo. Nag-usap muna sila ni Tito bago kami umalis na sa bahay nila Tito. Marami pang bilin at paalala sila Tito at Tita bago nila ako pinayagan makapasok sa loob ng kotse.