Chapter 24 Attorney

3115 Words
Attorney Isang buwan ang pagmumokmok ko sa apartment ko at sa shop ko na hindi ko pa binubuksan hanggang ngayon. Dito ko lahat binuhos ang galit, inis, gigil at sama ng loob sa mga taong kinaiinisan ko! Gusto niyang irenovate ang shop at ibahin ang style at pintuan. Nakakamalas ang dating design ng shop. I'll make sure na mas maganda at mas kaaya-aya tignan ang loob. Sa Isang buwan na iyon ay maayos na ako. Tinawagan ko na ang tatlo na empleyado ko. Masayang masaya ang mga ito ng tinawagan ko sila isa-isa. Wala namang na-cancel sa mga order dahil ginagawan ko parin ng paraan ang lahat ng orders ng customers namin. Para mapick-up nila on time. Iyon ang isang dahilan kung bakit ako nagpakabusy dito sa shop. Ginawa lahat ang orders yung iba malayo pa naman ang due date. Habang ipaparenovate ko ay tuloy parin ang pagtanggap niya ng mga orders online. Nagsidatingan na din kasi ang mga orders ko sa iba't ibang Lugar dito sa Pinas. Meron din sa Australia next time sa Singapore na din ako mag orders ng accessories and souvenirs. Mag-aabroad daw ang matalik niyang kaibigan na si Elle. Kukunin siya ng kaibigan nito na kapitbahay lang nila sa Antipolo. Na-meet ko na ang dalawa nitong kaibigan bakla yung Isa at naging kaclose na din namin ni Sahela. Si ate Nina at Nanay Cora ang laging nagpapadala ng pagkain ko sa isang buwan na iyon. Wala silang palya sa pagluluto ng mga peborit kong pagkain. Minsan dumadalaw din sila sa apartment para alamin kung maayos lang ba ako. Binalita kasi ni Kuya Gardo kay Nanay Cora at kay Tatay Thomas ang nangyari. Kahit Ang mga ito kagalit din sa mga pinsan ni Sese at sa mag asawa na si Tito Arman at Tita Mayeta. Ang nagpalubag loob ko ay ang hindi ko inaasahan na pagtawag sakin ni fishball. Sinabi niyang kinulit daw niya si Kuya Gardo para makuha niya ang number ko. Hindi ko kasi binibigay noong kinukuha niya sakin mismo. Madami siyang tanong at kung ano-ano pang kakulitan ang alam ng lalaking iyon. Kahit papano napapatawa niya ako pero more on inis sknya dahil sa kahanginan niya. Nalaman din niya kay Kuya Gardo, kung bakit ako nagsara ng isang buwan dito sa shop. Pero tuloy parin ito sa pagpapadala ng mga maisipan nitong ibigay sakin. Natatanggap ko parin naman ang mga padala nito araw-araw dahil andito parin naman Ako sa loob ng shop ko kahit hindi Ako nagbubukas. Narinig niyang may kumakatok sa labas ng shop. Agad siyang nagtungo dun ng makitang ang mga empleyado niya ang nasa labas ng shop. Glass door lang kasi iyon. Napangiti ako sa kanila. Kumaway kaway naman sila sakin. "Magandang hapon ma'am Serenity."sabay-sabay nilang bati sa'kin. Sumimangot ako kunwari. "Hindi ka naman pala basta ordinaryong mamamayan ma'am Serenity. Nag-search po ako sa internet at napag alaman kong super yaman pala ang angkan niyo po. Nakakahiya tuloy sa'yo lalo na sa mga binibitawan naming salita at biro sa'yo ma'am Serenity."kimi pang ngumiti sakin si Emily. "Tsee! Wala akong pakialam sa yaman ng angkan ko! I'm not already belong that family. At kung ano ang nakasanayan niyo ay iyon parin dapat tayo ngayon. Ate is better than ma'am, teacher lang natapos ko pero wala pa akong license para maging totally teacher na. At Isa pa wala Ako sa paaralan para tawagin niyo akong ma'am."Sabi ko at tumalikod na ako. "Ang humble talaga ng ate namin."sabi naman ni Brenda. "Pero nakakahiya parin na nakakasalamuha kami ng mayaman na kagaya mo Ate mabait at matulungin."Sabi naman ni Daisy. "Ang dami niyong sinasabi. Parang ayaw niyo na akong katrabaho ah sabihin niyo lang!"naging seryoso na ang boses ko. "Gusto namin Ate!"malakas na sabi nilang tatlo. Tsk! Duet pa talaga silang tatlo. "Gusto ninyo ng ano?"lingon ko sakanila. "Na makatrabaho ka Ate."sagot agad ni Emily. "So bakit andami niyong kaartehan?" "Walang maarte dito Ate. Kumakain ako ng pagpag noong nagtatrabaho si Nanay sa isang kainan sa bayan namin."sagot naman ni Brenda. "Kumakain din ako ng tirang pagkain ni Ate Emily at Ate Brenda sa boarding Ate Serenity. Magkakasama na pala kaming tatlo sa isang kwarto po. Para makatipid kami lalo sa pera."sagot naman ni Daisy. Nalungkot at naawa naman ako sa kanila. Ang advocacy ko ay tumulong sa mga nangangailangan at mga masisipag na mag-aaral. Sabihan ko kay Kuya Gardo na ifull payment na niya ang bayad sa university na pinapasukan nilang tatlo. But before that kailangan pang ipabackground check ang mga ito if deserve nilang mabigyan ng full support na education hanggang sa makapag tapos sila. My Papa is a philanthropy, a multi billionaire has a lot of assets and business in the world that most of his assets named by me. I don't care about the money, sa kayamanan na ipinangalan sakin ni Papa. Ang gusto ko lang na maramdaman ay ang pagmamahal ng isang pamilya. Pagmamahal ng isang magulang. And that's enough for me. Minsan naiinis ako kay Papa na hindi niya inisip ang magiging buhay ko sa ginawa niya. Mas lalo lang niya akong nilagay sa alanganin at kapahamakan. Alam ko naman na dahil sa mana kaya sila galit lahat sakin. Mas marami pa akong mana kisa sa totoong anak ni Papa. Galit na galit sila ng basahin ng abogado ng pamilya namin ang will testaments ni Papa. Kahit ako hindi makapaniwala sa naririnig ko that day. "Ate Serenity, ayos ka lang?"nag aalalang tanong ni Emily sakin. "Tulala ka na kasi."sabi naman ni Brenda. "Yeah, I'm okay."sabi ko sabay pilig sa ulo ko. Nagulat pa siya ng nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. Kaya agad niya itong nilabas. Ang isang attorney ni Papa, nandito na kaya ito sa Pilipinas? Tanong niya sa sarili. Para malaman ang tanong niya ay sinagot na niya agad ang tawag nito. "Hello po Tito Edward."bati ko agad. "Hello hija, how are you? Are you free tonight?"magiliw nitong tanong sakin. "So far so good po. Yes po Tito. Bakit po?"tanong ko. "Gusto kitang imbitahan sa munting salo-salo sa Bahay. Nandito din ang dalawa kong anak na sina Gabriel and Maddy. Do you still remember them?"tanong nito sa kabilang linya. "Yes naman po Tito. At saka hindi po kaya nakakahiya Tito?" "Nonsense! Aasahan kita mamayang gabi. Bawal tumanggi. See you later hija. Isama mo ang bodyguard mo for your safety okay. Bye " "Okay po Tito bye po."pagkapatay ng tawag ay huminga siya ng malalim. This is it. Pagkakataon ko ng magtanong at malaman ang ilang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Sana lang sagutin na ni Tito Edward ang mga tanong ko. "Hindi tayo makapag overtime ngayon may lakad ako mamayang gabi."pagbabalita ko sa kanila. "Sige at enjoy ka po sa pupuntahan mo."ngiti naman sakin ni Emily. "Ano pala ate ang una naming gagawin dito?"tanong naman ni Brenda. "Sa stock room tayo. May orders kasing hindi ko pa natapos gawin. Kararating lang lahat kahapon Ang mga orders kung mga paninda."Sabi ko at nauna na akong pumasok sa loob ng stockroom namin. "Ang dami Ate."bulalas ni Daisy. Natawa siya. Mas madami na kasi ngayon ang dumating na orders ko kesa noong mga nagdaan buwan. "Tumatanggap pa kasi ako ng mga orders kahit nakaclose palang tayo. Iyon ang ginawa kong libangan ko ng isang buwan na pagmumokmok ko."ngiti ko sa kanila. "Andiyan yung listahan Daisy sa may lamesa diyan sa likod mo. Pwede niyo ng umpisahan mag-pack ng mga souvenirs."utos ko. "Yes ma'am!"saludo pa nila sakin at nagkatawanan. "Haynako!"sabi ko nalang na nangingiti sa kanila. Tatawagan ko pa pala si Kuya Gardo, para ipaalam na pupunta kami sa bahay nila Tito Edward. Kararating lang siguro nito galing ibang bansa. I think si Ate Maddy may mga anak na iyon. Hindi din ako dumalo dati sa kasal nila ni Kuya Gino dahil hindi ako isinama ng mga magulang ko. Ako dapat ang isang abay nito noon pero sinabing may sakit daw ako kaya yung Isang pinsan na anak ni Tito Manuel ang pinalit sakin. ***** Simple lang ang suot kong Ash blue pencil cut dress at nagsuot ng high heels sandals. Akala ko ba simpling salo-salo lang? Bakit parang ang dami namang bisita na dumalo. Nandito din kaya ang buong pamilya ko? "Kuya, baka nandito din sila Mommy? Hindi nalang kaya tayo tumuloy."kinakabahan kong tanong. Pagod na akong makipag-away. Lalo na ang makipag sagutan at ipahiya sa maraming tao. Sanay na ako sa tahimik na buhay at ayoko ng bumalik pa sa dating buhay ko na napakalungkot. Makakatikim na sila sakin ng sampal at tadyak kapag ako ginulo pa nila. I swear! "Tawagan mo ang Tito Edward mo. Tanungin mo kung dumalo ang pamilya mo. Para alam mo ang sagot sa tanong mo sakin."utos niya sakin. Kaya ginawa ko naman. Nakailang ring pero wala namang sumasagot sa tawag ko. Busy na kaya ito? In-try niya ulit na tawagan this time may sumagot na sa tawag ko. "Hello Serenity." "Tito, bakit ang dami niyo yatang bisita? Pati po ba sila Daddy at Mommy invited sila?"alangan kung tanong. "No hija, don't worry ikaw lang ang inimbita ko. I know everything kahit yung nangyari noong nakaraang buwan."nahimigan ko ang awa sa boses nito para sakin. "Where are you now?"tanong pa nito sakin. "Nandito na po kami sa labas ni Kuya Gardo, Tito."sagot ko naman. "Ano pang ginagawa niyo diyan pasok na kayo dito sa loob." "Sige po. Bye."at pinatay na niya ang tawag. "Hindi daw inimbita ni Tito ang mga magulang ko. Ako lang daw ang in-invite niya." "That's good. Tara na sa loob." Nagpark muna sila sa di kalayuan sa bahay nila Tito bago kami pumasok na sa loob. Nahiya pa siya ng mapalingon sa gawi namin ang mga bisita ni Tito. Sa harap lang kasi ng bahay nila ang venue. Hindi naman sila pamilyar sakin pero may Isa akong namumukhaan na babae. Hindi sure ang pangalan pero parang relative din ito nila Daddy. "Serenity?"Agad akong napalingon sa magandang ginang na tumawag sakin. "Tita Pretty?"bata palang ako pretty na talaga ang tawag ko sknya. Nakakasama ko kasi sila noong nabubuhay pa si Papa. Lagi kami dito ni Papa noon. Super bait nila sakin. Nahihiya lang akong dumadalaw sa bahay nila kahit pinapapunta nila ako dito. Ngayon lang ulit ako tumuntong dito simula noong nawala na si Papa. "Nako ikaw na nga ang Vivi namin. Dalagang dalaga kana. Ang ganda-ganda mo pa lalo."sabay halik sa magkabila kong pisngi at yumakap sakin ng mahigpit. "Nagmana po ako sa'yo Tita pretty."hagikhik ko. Natawa din ito sa sinabi ko. "Halika ipapakilala kita mga amega ko. Wala ka bang kasama?"tanong pa ni Tita. "Meron po si Kuya ko Gardo."sabay turo kay Kuya Gardo. "Ah yung sinasabi ng asawa ko na bodyguard mo. Pero his not a ordinary person like what my husband said."at bumati kay Kuya Gardo. Malugud naman bumati si Kuya Gardo. May itinuro si Tita na lamesa para doon umupo si Kuya Gardo. "Hijo, kukunin ko lang itong alaga mo ha. Enjoy ka dito, kumuha ka doon ng pagkain mo. Don't be shy."ngiti pa nito kay Kuya. "Sige ma'am thank you." "Alis na muna kami kuya."tumango lang ito. Nakasalubong namin si Tito Edward, nakangiti naman itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit na gaya sa ginawa ni Tita Agnes sakin. "Ang tangkad mo na at ang ganda. May boyfriend ka na ba?"nahiya siya sa tanong ni Tito. Agad akong umiling. "Mga walang bayag na lalaki mga mahihinang nilalang dahil ayaw ka nilang ligawan."natatawang sabi pa ni Tito. "Marami pa akong dapat gawin bago mag boyfriend Tito. I'm pretty like Tita makakabingwit din ako sa dagat."biro ko. Humalaklak lang silang mag asawa. "Wag mo siyang i-pressure honey. Magkakaboyfriend din siya someday. Sayang lang at may girlfriend na ang binata natin. Sa kaniya na sana natin siya irereto. Halika at ipakilala kita sa girlfriend niya." Iginiya niya Ako sa table kung nasaan ang magkapatid na si ate Maddy at Gabriel. Kasama nila ang dalawang anak ni ate Maddy at Asawa nito. At yung girlfriend ni Gabriel. Parang kilala ko talaga yung babae. Ito ba ang girlfriend ni Gabriel. "Serenity?"gulat na bulalas nito sa'kin. "You are Serenity right? Do you still remember me? Sa debut party?"ngiti niya sakin. "I remember you, pero hindi ko maremember ang pangalan mo, I'm sorry."kimi kong sabi. "Gaya ng paglimot muna sa'min ni ate Maddy Tama d'ba, Tama ako?"sarkastikong sabi ni Gabriel. Hinampas ko siya sa braso na kinatawa nilang lahat. "At nanakit pa talaga Mom, Dad, sinasaktan ako ng alien na ito."natatawang sabi ni Gabriel. Ayaw niyang tawagin kong Kuya kahit matanda pa ito sakin ng ilang taon. "Hello ate Maddy. Hello Kuya Gino."kaway ko sa kanila pero tumayo si ate Maddy at bineso-beso niya ako. At niyakap ng mahigpit. "I miss you Vivi. Ang dalaga mo na tignan matangkad ka pa sakin."bulalas nitong namamangha na nakatingin sakin. "At mas maganda na ba ako sa'yo ate."biro ko. "Kahit kailan feelingera ka parin."singit ni Gabriel. Natatawa naman ang mga magulang nito. Kinurot siya ni Tita sa tagiliran kaya nagulat ito. "Binubully mo na naman itong si Vivi kaya ayaw mamasyal dito sa bahay eh."natatawang sabi ni Tita. "Iyakin lang kasi iyan!"sabay turo sakin. "Girlfriend ko pala si Katrine, i-memories mo na ang pangalan niya para naman hindi nakakahiya sa'yo."biro ulit nito. Napatingin ako at napanganga na nakatingin kay Katrine. "Ate Katrine? Naalala na kita. Salamat pala sa pagtatanggol mo sakin noon kahit sobrang tagal na iyon. I don't have a chance to get to know you better before dahil sa nangyari." "Ayos lang at Isa pa tapos na iyon. I'm glad na nakita ulit kita ngayon. Kumusta ka?"magiliw itong yumakap sakin. "Happy to see you too. Maayos naman Ako kahit papano. Bakit pala ito pa ang naging boyfriend mo Ate?"sabay turo ko kay Gabriel. Humalaklak sila sa tanong ko. "Hoy! bubwet na iyakin wag mo akong siraan sa girlfriend ko!"lumapit ito sakin at iniyakap sa leeg ko ang isang braso niya. Natatawang kunwari'y sasakalin ako. "Tama na yan! Baka magselos pa ang girlfriend mo."biro ni Tita. "Pagpasensiyahan mo na ang dalawang kutong ito. Para na din kasi silang magkapatid magturingan na dalawa."sabi naman ni Tito. Ngumingiti lang din si Katrine. "Itong bubwet lang na ito ang nakalimot na!"sabay kutos sakin ni Gabriel. Natatawa na lang sila dahil kinutusan ko din siya ng mas malakas pa. "Ilayo niyo na nga sa'min yan Mom."biro pa ni Gabriel. "Oo dahil ipapakilala ko pa sa mga amega ko. Let's go honey and Vivi."inakay na ako nila Tita. "Balik ako ate Maddy at ate Katrine."at kumaway ako sa kanila. Narinig kong nagtatanong si Ate Maddy at Gabriel kung paano kami magkakilala ni Katrine. Ang alam ko kamag-anak ko siya sa side father. "Hello mga amega."bati agad ni Tita sa mga kaibigan nitong may mga edad na din mula sengkwenta pataas ang edad. "Welcome back home amega at attorney."biro ng Isang ginang. Nagtawanan ang mga ito ng sumimangot si Tito. "Hindi ako nababagay dito. Lapitan ko lang ang mga kaibigan ko."Sabi agad ni Tito. "Oh, may kasama kang napakagandang dalaga. Who is she amega?" "Anak-anakan ko noong bata pa! Si Serenity Parker."pakilala nito sa mga amega nito. At pinakilala naman niya ang mga amage nito skin. "Is she the girl who is daughter of Samuel and Claudia, the unwanted daughter?"bulalas ng Isang ginang. "She's not unwanted daughter."agad na sagot ni Tita. Bahagyan namula ang mukha ko sa sinabi nito. Kaya ginagap ni Tita ang Isa kung palad. "Oh my. Ikaw na ba si Serenity? Single na single pa ang anak ko. His name is Axer, I like you for him."masayang diretsang sabi naman ng Isang ginang na matamis na nakangiti sakin. Hindi ko naman nakitaan ng kaplastikan kaya ngumiti na din Ako saknya. "Hindi pa pwede magboyfriend Ang anak ko."natatawang sabi ni Tita. "Ibabalik ko lang siya sa mga kasama niya sa lamesa. Pinakilala ko lang siya sainyo because I love this girl. Siya, nagugutom na ang anak ko."sabay hila na sakin at hindi na pinansin ang mga ilang katanungan ng mga amega nito. "I'm sorry hija."paumanhin ni Tita. "Ayos lang po ako Tita."ngiti ko. "Tara ng kumuha ng pagkain. Nagugutom na ako." "Ako din Po."natawa kami ng mahina. At nagtungo na sa buffet area. Andaming mga food. Sana walang mga halo na nakakaallergy sakin. Pumunta sila sa lamesa kung nasaan ang mga anak ni Tita. Napatingin sila sakin na pinagtaka ko. Hindi ko na lang pinansin dahil nakakaasiwa ang tingin nila sakin. Lumingon ako sa pwesto ni Kuya Gardo. Napangiti siya ng may mga kasama na ito sa lamesa at kakwentuhan nito. "Kumusta ka sa pamilya mo Serenity?"seryosong tanong ni Ate Maddy sakin. "I'm not part of the family already. Matagal na Tito knows it. I'm living alone now."tipid kong sagot at pinagpatuloy na ang kumain. Napatigil naman silang lahat sa sagot ko. Wala naman na bago sakin. "Bakit hindi ka dito pumunta ng may makakasama ka parin? You know that you are part of this family diba?"painis na sabi ni Gabriel. "Gusto kong matuto na maging independent. Meron naman si Kuya Gardo to support and protect me everyday. Tito David too he support me for my new business but for now close na muna ang business ko dahil pinaparenovate ko." "The accessories and souvenirs shop in Cromwell Mall sa Makati?"tanong ni ate Maddy. How she know? Mahilig pala ito sa social media kaya no wonder. "I watch a video at ando'n ang pinsan mong si Verona. Nakita ko ang mga ginawa niya sa shop na iyon. Pero hindi kita nakita sa video. Nakita ko sa caption yung name ng shop mo. At nabanggit ka din sa video nilait ka at ang tinda mo."ngiwi ni and Maddy. Bahagyan siyang nagulat at heto na naman yung sakit sa dibdib ko na hindi parin nawawala lalo na sa last na ginawa nila sa shop ko. Nanubig bigla ang mga mata ko kaya agad akong tumingala. Huminga ng malalim pero hindi ako umimik dahil pumunta ako dito hindi para magdrama kundi magsaya sana. "Don't mind what I've said Vivi. I'm sorry."sabay haplos ni ate Maddy sa likod ko. "Hayaan niyo kaya muna siyang kumain. Nakakawala ng appetite ang mga pinagsasabi niyo."sita ni Tita Agnes. Natahimik naman sila sa sinabi ni Tita. Kaya malaya siyang kumakain ng walang ng i-storbo sakin na kumain. Sa gabi din na iyon ay dito ako pinatulog nila Tito at Tita, dahil may mahalaga daw kaming pag-uusapan ni Tito bukas. Kaya kinausap ko si Kuya Gardo na bukas na ako uuwi at sunduin na lang niya ako dito bukas. Ayaw naman kasi nitong matulog din dito. Baka hanapin siya ni Ate Nina daw at maghinala na naman iyon na nambabae ito. Napagikhik Ako dahil mukhang papaunder na yata ng tuluyang itong si Kuya kay Ate Nina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD