New beginning
Lahat ng hirap na pagsubok sa pag aaral ko ay sa wakas nakatapos na din kaming magkakaibigan. I have a latin award and masaya na ako sa parangal na iyon. I did it for myself and for Papa at sa mga nagmamahal na din sakin at nagtitiwala.
Si Nanay Cora at Tatay Thomas ang tumayong nga magulang ko. Ayaw naman kasi ni Kuya Gardo at Ate Nina na sila ang aakyat sa entablado. Mas deserve daw ni Nanay at Tatay dahil sila ang tumayo ko ng magulang simula nawala si Papa.
Si Kuya Gardo din ang gumastos ng pamasahe ng mga magulang ni Sahela makadalo lang ito sa graduation niya. Pero ang perang pinadala ni Kuya ay ginamit daw sa pagpapa hospital ng Tatay niya. Kaya ang boyfriend nito ang pumunta para ito ang aakyat sa entablado para kay Sahela.
Lihim ko na lang na kinausap si kuya Gardo na padalhan ng pera yung parents ni Sahela para sa operation ng tatay nito. Di ko na sinabi kay Sahela, dahil alam kong tatanggi siya. Aanhin ko ang maraming pera kung wala naman saysay iyon sakin. Kaya minabuti ko na lang na tumulong sa nangangailangan.
Pagkatapos ng graduation namin ay sa beach resort kami nag-celebrate kasama ang pamilya ni Elle at boyfriend ni Sahela at ilan sa kasambahay sa Bahay na off day nila. Hindi nakasama si Tatay at Nanay pero ayos lang.
Treat iyon ni Kuya Gardo sa'ming tatlo. May binigay din daw na pera si Daddy, para pambili ng handa ko. Ayos na iyon at least alam na nilang graduate na ako with high honor. Kung ginalingan ko pa sana lalo baka Ako ang nangunguna. Pero stay low-key is better than show off, yung feeling pa empress sa lahat.
Pero pagkatapos ang napakasayang party kasunod naman ang lungkot. Malungkot dahil kailangan na umuwi ng probinsiya si Sahela dahil nasa hospital pa ang Ama nito. Nagpaabot din ng tulong ang pamilya ni Elle para sa Ama nito. Gano'n din ang ginawa ko at si Kuya Gardo.
Sobra itong naiyak sa pabaon namin sakanila ng boyfriend niya. Mabait ito at nakagaan na agad namin ng loob. Swerte si Sahela dahil kahit may pagkabunganga siya ay mahaba ang pasensiya ng boyfriend niya.
While me, well, nag-suggest yung isang abogado ni Papa if I want to have my own shop sa Cromwell Mall sa Makati. Ako na daw bahala kung anong gusto kong ilagay na paninda ko sa shop na iyon. Dahil hindi ako pwede magturo pa sa ngayon.
Kaya nag isip Ako ng maaari kong ibenta o gawin sa shop. Nandito siya ngayon sa Mall mag-isa safe naman ako dito dahil kilala Ako ng may-ari ng Mall na ito. Nagwindow shopping habang hinihintay si Kuya Gardo dahil titignan namin ang rerentahan nila na shop dito para sakin.
Napadaan siya sa mga display na iba't ibang uri ng vase at na-amaze siya sa mga shape ng vase. Nagka-idea tuloy siya. Siguro accessories and souvenirs na lang ang ilalagay ko at ibebenta sa shop ko. Maybe I can do free trial ng mga vase, sila ang gagawa ng gusto nilang design. Pag aaralan ko na lang muna kung paano gumawa para ako ang magturo sa mga magiging customers ko.
Pwede din painting at sila na bahala mag painting sa vase na ginawa nila. I think magandang idea iyong souvenirs and accessories for all occasions. Wow! Perfect. Masaya niyang sabi sa isipan. Naglakad lakad pa siya habang wala pa si Kuya.
May nakita siyang restaurant doon na lang siguro niya hihintayin si Kuya Gardo. Mediyo nagugutom na din kasi ako. Mabilis siyang naglakad patungo doon ng may mabangga siya.
Hayst! Kahit kailan talaga di ka nag-iingat! Sita ko sa sarili ko!
"Oh!"bulalas ng lalaki. "Careful, at tumingin ka sa dinadaan mo! Hindi lang ikaw Ang tao dito!"seryosong sabi ng lalaki.
Tumingin ako sa lalaking nagsalita. Bahagyan akong nagulat at napatulala pa sa lalaking kaharap. It's Axeros. Mas gwapo pala talaga ito sa malapitan pero may pagkasungit lang Ang aura nito.
"I know I'm handsome pero Miss, mag-sorry ka man lang sana sakin ano?"
Nayabangan ako sa paraan ng pananalita nito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. He just smirk. God! Ang gwapo parin niya. Pero di ako papatinag. I swear. At teka hindi ba niya ako namumukhaan. Nalungkot siya bigla. Kaya nagsungit na lang siya.
"Ang kapal mo hindi ka naman gwapo!"sikmat ko.
"Kaya pala tulo laway ka diyan kanina pa!"pang aasar nitong sabi sa'kin.
"Hindi ako aso para maglaway! Hindi ka gwapo kaya tumabi ka sa daanan ko!"inis kong sabi.
Pero Ang isip at puso ko hindi sumang-ayon.
"Wow! Makapanglait ka naman! FYI, Miss, my name is Axer stand for A- Charm, X- friendliness, E- Cheer and R-Sweet lover, Axer. Idagdag pa ang I'm curious about you and creativity para unique. My name is also stand for compassionate and a good accompanied I'm good for you!"he smirk again na parang natutuwa pa sa sinabi nito.
Napanganga ako na naloloka sa pinagsasabi nito..What the hell he talking about. Nababaliw na ba ang lalaking ito. Apaka yabang ang Gago. Anong konek sa sinasabi niya sa sinasabi ko. Tsee, pakialam ko sa stand ng pangalan niya! Pero deep inside natutuwa ang puso niya.
"Hoy! Lalaking mukhang fishball wag na wag mo akong inuuto ha! Tabi!"sabay tabig sa lalaki.
Kailangan kong makaalis sa harapan ng apaka yabang na ito. Naloloka ako. Goodness. Nailing pa siya.
"What! Tinawag mo akong mukhang fishball?"hindi makapaniwala itong lumapit sakin.
Mukhang nainis na naman ito. Napaurong siya ng ilapit nito ang mukha nito sa mukha ko. Halos ilang dangkal na lang ay mahahalikan na niya ako. Kaya iniwas ko ang mukha ko.
"Look at my face. Mukha ba akong fishball ha, isaw!"natawa pa ito sa sinabi niya.
Isaw? Aba, malala! Dahil sa inis ko sinapak ko siya sa mukha. Natigilan naman ito sa ginawa ko. First time sigurong may manapak sknya na babae. Sorry naman! Ininis mo ako eh, simangot niya.
"Nababagay lang iyan sa'yo! Apaka yabang mo!" inis na sabi ko sabay irap dito.
Akmang hahawakan ako ng lalaki ng tadyakan ko siya sa pagitan nito.
"Ouch!"napasigaw na ang lalaki sa ginawa ko. Sapo ang p*********i niya.
Nakaagaw na din kami ng atensyon sa ibang tao. Nakakahiya! Sh!t! Kasalanan ng lalaking ito eh. Bwesit siya! Kung hindi na lang kasi niya ako pinansin e, di sana walang ganitong eksena. Hmp!
Hindi naman gaano malakas ang pagkakatadyak ko e, gusto ko parin naman na hindi masaktan at mamatay ang kikiam niya..What the hell I'm saying.. Kasalanan 'to ni Sahela eh.
Bago pa man ako makaalis ay nahawakan na niya ako. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Sobrang na gulat ako at napanganga sa kapangahasan nitong halikan ako sa labi. Hindi lang halik iyon kundi halos kainin na niya ang labi ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga ng ilang segundo at biglang nabuhay ng iba na ang paraan ng paghalik nito sa'kin.
Oh my, my first kiss! Natuliro Ako dahil iba na ang paggalaw ng labi nito sa labi ko. Nagugustuhan ko na ang paraan ng paghalik nito sa'kin. Pero hidni ito pwede. No! Hindi ako dapat matangay sa halik ng fishball na ito. Kaya malakas ko itong tinulak at mabilis akong umalis na halos tumakbo na ako para makaalis lang doon agad-agad.
Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa'min na kilig na kilig sa eksena. Sobrang kabog ng dibdib ko halos mabingi na ako. Really? Wala akong ginawa para makatanggi sa halik ng gagong iyon? Hinayaan ko pa itong halikan talaga Ako! Damn him!
"Nagulat ka at hindi mo expect na gano'n ang gagawin ng fishball na lalaking iyon!"pang aalo ng isip ko. Tama I'm super duper shock!
Naghanap siya ng banyo ng makasalubong niya ang Kuya Gardo niya at si ate Nina. Sumama din pala si ate Nina mabuti naman kung gano'n. Masayang nag-uusap ang mga ito habang naglalakad nakaakbay pa si Kuya kay Ate, halatang inlove sila sa isa't isa. Masaya ako para sa kanila. Iwasan ko muna sila I need to go toilet immediately.
Liliko na sana ako ng makita ako ni Kuya at tinawag ako. Kaya humarap na lang Ako sa kanila. Kunwaring di ko sila napansin kanina.
"Hindi ko po kayo napansin. Hinahanap ko po kasi ang banyo."sabi ko agad para hindi na sila magtanong pa.
"Samahan na kita."presinta agad ni ate sakin. Tumango lang ako at sabay na kaming tatlo na nagtungo sa banyo.
Inusisa ako ni ate pagkalabas ko sa Isang cubicle at naghugas ng kamay at mukha.
"Anong nangyari sa'yo mukha kang sinampal ng sampung kabayo?"kunot noo itong tumingin sa mukha ko sinuri pa nito kung may bakat ng sampal sa mukha ko.
"Wala ito Ate."Iwas ko.
"May kagalit ka ba at pulang pula ang buo mong mukha?"nag-aalala na naman ito.
Umiling iling ako. "May nakabangga lang ako at nagkasagutan kami!"sabi ko na lang.
Nakahinga ito ng maayos.
"Umiwas ka na lang next time ha. Tumingin mabuti sa dinaraanan mo. Para iwas awayan. Tara na at nagugutom na ako."sabi nito.
Kaya napangiti na lang Ako at umabresyete ako saknya palabas ng banyo.
Sa restaurant na pupuntahan sana niya kanina sila kakain. Sa mediyo dulo sila dahil maraming tao ang kumakain sa loob.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng may binati si Kuya Gardo. Hindi namin pinansin ni ate Nina at tuloy lang kami sa pagkain.
"Hey Axer! Nakikilala mo pa ba ako? Long time no see."rinig kong sabi ni Kuya Gardo kaya napatingin ako sa tinawag nitong Axer.
Baka kapangalan lang ni fishball. Pero nagkamali siya dahil iisa lang ang fishball na kumain sa labi ko at ang Axer na kausap na ni Kuya Gardo ngayon.
Napalingon silang dalawa ni Kuya Gardo sa gawi ko. Napaayos ako ng upo bigla at natense dahil nakita ko itong ngumisi. Sh!t sana wala siyang mabanggit kay Kuya Gardo about sa encounter namin kanina lang.
"Senyorita, siya yung lalaking tumulong sa'yo dati. Remember iyong muntik ka ng makuha ng mga lalaki sa university na pinapasukan mo dati."
Tumango lang ako at nagkunwaring hindi ko siya kilala. Umiwas siya ng magtama ang aming mga mata. Namula pa yata ang pisngi ko.
"Join us Axer. Kumain kana ba? Para naman makapagpasalamat kami sa kabutihang loob mo sa pagtulong mo sa alaga namin."sabi pa ni Kuya Gardo.
"Well, even if I want to eat with you, I can't because I'm leaving now. I still have a meeting to attend. Thank you."sabi nito pero sakin nakatingin.
Inirapan ko siya at nagyuko agad. Nakakainis hindi man lang ba nahiya na lantaran niya akong titigan. Parang nang-aasar pa ang paraan ng pagngiti nito.
"Senyorita, baka gusto mong magpasalamat sa lalaking tumulong sa'yo ano?."sabi naman ni Ate Nina.
"Ah..Hmm..S-salamat!"mahina nitong sabi na parang labas lang sa ilong niya ang pagbigkas.
Hindi ko parin kasi nakakalimutan ang ginawa nito. Pakiramdam ko nangapal ang labi ko sa pagkain nito kanina. Heto na naman yung pakiramdam na kakaiba kapag naaalala ko ang halik nito. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko.
Natawa sila ni Kuya Gardo sa pasasalamat ko.
"Walang mood ang senyorita namin. May nakaaway yata kanina. Pagpasensiyahan mo na bro."natatawang sabi ni Kuya Gardo.
"No worries, bro. Paano mauna na ako sainyo. Enjoy your meal."sabi nito at umalis na sa lamesa namin.
Bumuga siya ng hangin. Nakahinga siya ng maluwag sa wakas. Pero napatigil siya ng makitang nakatingin sakin si Ate Nina at Kuya Gardo. Mapanuring nakatitig sakin. Nangingiti sila na parang ng aasar pa.
"What?"simangot ko.
"Magkakilala kayo ng lalaking iyon?"usisa ni ate Nina.
Umiling Ako agad.
"Ayaw ko lang ang paraan ng pagtingin niya sakin parang inaasar ako na di ko ma-explain. Hindi man lang nahiya sainyo ang kapal ng mukha niya. I don't like him!"Sabi ko. Pero yung puso at isip ko hindi sumang-ayon.
"Weeeh..nagba-blush ka nga ei."tudyo ni ate Nina.
Tumawa lang din ng malakas si Kuya. Pwede na nila akong biruin ng kung ano-ano dahil nasa tamang edad na ako. Gusto na nga nilang magkanobyo na ako ei.
"Bakit kung nagba-blush ako."tanong ko pabalik.
"It means may something kang nararamdaman kay...ano na ulit pangalan hon?"tanong niya kay kuya Gardo.
"Axer hon."agad nitong sagot din.
"Kay Axer ay ayos lang din samin. Mukhang matino naman ang lalaking iyon. At bagay kayo."sabi pa nito.
"Ewan ko sainyo!"Sabi ko na lang at pinagpatuloy na ang kumain.
"Nakakakilig kayong pagmasdan. I'm sure na kapag naging kayo magiging aso't pusa kayong dalawa."hagikhik ni ate Nina.
"Nase-sense kong puro bangayan lang ang mangyayari sainyong dalawa!"sabi naman ni Kuya Gardo.
"Baka pwedeng lubayan niyo na muna ako 'no!"pagtataray ko.
"Sus, umiiwas ka lang ei!"pang aasar pa ni Ate Nina.
Hindi na lang ako umimik para hindi na mapahaba pa ang usapan at baka madulas Ako. Masabi ko ang kapangahasan ng lalaking iyon na basta na lang niya ako hinalikan.
Pagkatapos nilang kumain ay tinignan na nila ang pwesto na gagawin kong shop ng accessories and souvenirs. Excited na akong magkaroon ng business. Pero magpapanggap akong tauhan sa loob ng shop so soon. Iyon ang sabi ko Kay Kuya Gardo. Sumang-ayon naman sila sakin.