Chapter 18 New Apartment

1658 Words
New Apartment Ilang araw ng wala akong maayos na tulog dahil sa nangyaring halikan noong nakaraang linggo. Hindi ko pa kayang ikwento sa mga kaibigan ko sa ngayon. And besides nasa ospital pa ang Ama ni Sahela, saka na ako magkwento kapag okay na ang lahat. Heto ako sa shop iniisip kung anong magandang gawin at ilagay na display or design para unique at appealing sa mga tao. Naglilinis na din ako dahil gusto ko ako ang gagawa lahat kesa magtawag pa ako ng tutulong sakin. Madali lang naman ang gawain. Saka na ako maghire ng makakasama kapag natutunan ko na ang lahat. Pupunta dito si Elle para masamahan daw Ako dito dahil wala pa naman itong trabaho sa ngayon. Tambay daw muna ito ng ilang buwan bago mag apply sa pinagtatrabahuang paaralan ng ate niya. Nagugutom na siya kaya magtake out na lang siya ng pagkain niya at dito na siya kakain sa loob ng shop. Sa Fechis restaurant siya bibili dahil masasarap ang pagkain nila doon. Lalabas na sana siya ng makitang dadaan dito ang lalaking gumugulo sa isipan ko ilang linggo na ang nakakaraan. Ngayon ko na lang ulit ito nakita. Girlfriend kaya nito ang kasama niya. Inis siya bigla. Kung girlfriend niya ito bakit niya ako hinalikan kung gano'n. Gago siya ah! Pero deep inside parang may kunting kirot akong naramdaman sa kaalamang may kasintahan na pala ito. Imbes lumabas para bumili ng pagkain ay minabuti na lang niyang wag na lang lumabas. Nalungkot siya bigla. Pasalampak siyang naupo sa Isang upuan doon. Hihintayin na lang niya ang kaibigan at sabay sila kumain. Magpapasama pa siya sa kaibigan para maghanap ng bagong matitirhan. Masyado na kasing malayo ang apartment na tinitirhan ko ngayon. That place are full of my memories with my friends. I will treasure all the moments we've share together. I appreciate them so much. "Hoy! Tulala ka na!"pang gugulat sakin ni Elle. Napaigtad ako at biglang napatayo. Tumawa naman ng malakas ang kaibigan niya. Sumimangot naman ako. "Gusto mo ba akong patayin sa kaba?!"inis kong sabi pero lumapit ako sknya at yumakap. Natatawa lang itong yumakap din sa'kin. "Ang lalim kasi ng iniisip mo mabuti at naiahon pa kita. Kanina pa kaya ako dito mga fifteen minutes hindi mo ako naririnig eh."nguso niya. Gano'n ba ako katulala sa kawalan na hindi ko siya narinig at naramdaman na lumapit sa'kin? "Ang lawak ng rerentahan mong shop. May naisip ka ng ibenta dito? Magiging negosyante na ang bestfriend ko."masayang sabi nito. Napangiti na lang ako. "Mas maganda yung malawak dahil marami akong ilalagay dito. Hindi man ako payagan na magturo pa sa paaralan. Siguro dito ko na lang gagawin ang pagtuturo kung paano magpainting at gumawa ng mga vase. That way may pakinabang parin ang skill ko sa pagpipinta."mahaba kong Sabi. "Wow, masaya yan. Baka pwede din na ako ang unang turuan mo."masayang sabi ni Elle. "Sure syempre."ngiti ko. "Tara kain tayo. Nagugutom na ako."reklamo ko. "Bakit kasi hindi kapa kumain kanina. Ala una na kaya!"sita nito sa'kin. "Nakita ko kasi yung kinaiinisan ko. Kaya imbes magtake-out ng food hinintay na lang kitang dumating. Kaya tara na!"aya ko pa. "Katatapos ko lang kumain. Pero tara ng masamahan kita." "Sa coffee shop na lang kaya tayo kakain may mga cakes doon at masasarap ang tindi nila doon. Tawid lang tayo ng kalsada sa kabilang kanto kasi iyon."suggest ko pa. Sumang-ayon naman ito agad. "Mukhang mamahalin naman yata ang tindi nila dito. Hindi ko afford."simangot ng kaibigan ko. "Ano kaba libre nga kita. At saka mura at masarap ang tindi nila dito lalo na ang kape nila. Tara na pasok na tayo. Masusunog na tayo dito sa labas ang init!"reklamo ko. "Hindi ka kasi sanay sa init tignan mo namumula na ang balat mo! Kutis mayaman yan!"pang aasar nitong sabi sa'kin. "Shut up!"inis ko. Pero tinawanan lang niya ako. Pagpasok nila sa loob ay marami na ang tao. Diretso na sila agad sa counter at nagtingin ng ma-order. "Di ba maghahanap pa tayo kamo ng malilipatan mong apartment?"tanong ni Elle. "Oo kung may oras pa tayo. Sobrang layo na kasi ang apartment na tinutuluyan natin. Plus matraffic pa kapagod magbiyahe. At kawawa naman si Kuya Gardo dahil malayo pa ang uwian niya. Baka i-suggest ko na lang kung pwede na akong mag-drive ng kotse. Nasa legal age na ako eh." "Oo pwede yan. Masyado silang protective sa'yo. Ang daming bawal."napairap pa ito sa hangin. "Ako lang dapat ang ma-attitude. Hindi bagay sa'yo!"natawa silang dalawa. "Hello nga sexy ladies. Anong order niyo?"ngiti ng babaeng nakablonde hair. "Hello can I have one vanilla latte cold and Caramel macchiato please. Thank you."ngiti ko. "How about the dessert ma'am?"tanong pa nito. "Ikaw na bahala mag order Sese, tingin lang ako ng mauupuan natin." "Sige."Sabi ko naman. "Miss, narinig ko na naghahanap kayo ng apartment. Maybe gusto mo sa apartment namin malapit lang dito Isang sakay lang. May dalawa pang bakante. Hindi ko lang sure kung magugustuhan mo pero sure akong safe dun at malinis ang apartment mabait pa Ang landlady."daldal ng kahera. "I think about it first."ngiti ko. "Sure." Nakita kong may isinulat siya at binigay sakin. Number pala iyon. Pea ang nakalagay na name dun. Kinuha ko naman ng iabot nitong sticky note na binigay sakin. "Tawagan mo ako kapag gusto mo makita iyong apartment. Any time pwede ako."sabi pa nito. "Okay salamat."ngiti ko. Aalis na sana ako ng magsalita ulit ito. "Wala kayong gustong kainin. Coffee lang ba ang order niyo?" "Ah!"napangiti siya. Mukhang mabait naman ito. "Red velvet cake, vanilla cake at molten lava cake. Salamat!"ngiti ko at lumapit na ako sa kaibigan kong nakaupo na sa pinakadulo. "Ang layo naman ng narating mo."Sabi ko. "Mas maganda dito sa dulo para hindi masakit sa mata!" "Bakit?" May ininguso siya sa kabilang table. Tinignan ko naman iyon. Ah...kaya naman pala. Ang ex nitong gago na sweet na sweet sa bagong girlfriend nito. Alam ko hindi parin nakamove on ang kaibigan ko. Minahal niya kasi ng todo ang lalaking ito. Tapos nilait lang siya ng pamilya ng lalaki. Apaka Gago! Pero napalingon pa siya sa Isang table at nakita ko si fishball at ang kasama nitong babae. Lumakas ang t***k ng puso ko ng makita niyang nakatingin ako sa gawi nila. Agad akong umirap at nagbawi ng tingin bago humarap na Kay Elle. "Tama ka masakit nga sa mata. May puwing na din yata ang mga mata ko!"irap ko pa. Napahagikhik naman ito. "Ano pala yung iku-kwento mo sakin?"usisa nito. "Saka na lang baka may makarinig." "Okay, pero sana wag mo ng patagalin na ikwento." "Chismosa ka!"natatawa kong sabi. "Oo, nahawa na ako sainyo ni Sahela. Nakakapanghina pala ang walang chismis maghapon."biro nito at nagkatawanan silang dalawa. Dahil self service ako na ang kumuha sa order naming ng kaibigan ko. Umiwas akong tumingin sa kabilang table. Naiinis parin ako sa fishball na lalaking ito. Hindi na pala single at taken na ito ginulo pa niya ang tahimik kong puso! Bwesit siya! Pagkakuha ko sa mga order namin ng kaibigan ko ay mabilis akong naglakad papuntang pwesto namin. Lumingon muna Ako sa gawi ng lalaking mukhang fishball at inirapan ito ng makitang nakatingin sakin na parang nang aasar pa. He just smirk. That his asset smirking that making him so attractive. Damn! "Andami naman ang inorder mo. You know that I'm not fan of cake right?"sabi nito. "Tag iisang slice lang naman iyan! Kumain ka sa kaya mong kainin at ako na ang uubos niyan. Ah wait, baka may halong itlog ito. Dapat tinanong ko ang cake na walang halong itlog."nag alala ako na baka magka-allergy ako. "Teka magtanong Ako ng Cake na walang ingredients na egg."Sabi nito at tumayo na para magtungo sa counter. May isang hawak ito na platito. I wonder kung anong dessert ang kinuha niya. "Here, chocolate depression cake. Naloka ako na may ganitong name ng cake."bulalas pa nito. "Wala naman tayong depression to eat that kind of cake."sabi ko naman. "Walang halong egg kasi yan. And the vanilla cake you buy just now no egg din daw yun. Kaya yan na lang kinuha ko para sa'yo at meron pa naman yung vanilla cake. Yung iba pwede na natin i-take out para kay Kuya Gardo o kay Ate Nina."sagot nito. "Okay thanks kung gano'n. You can eat the molten lava cake. That's for you. Mauubos ko yang dalawa kaya ubusin mo din yan." "Ang laki nito hindi ko maubos." "Take out mo kainin mo ulit pag uwi mo!"sagot ko. Natawa silang pareho ng mabasa ang naka sticky note sa cup nila. "What's your's?"tanong ko. "Wait basahin ko....Takot ka sa mainit na kape, kaya lumamig ang relasyon niyo dahil mahilig ka sa malamig na kape! May laughing imoji pa!"natatawang sabi ng kaibigan. "Ako naman ay.... Malamig na kape muna ngayon, pero next time kapeng mainit naman ang inumin mo, para mainitan ang nilalamig mong puso!"napangiwi siya.. "Parang ang harsh naman yata, nagkataon lang ba na ganito ang sinulat niya sa sticky note?"sabi ko pa. "Pero ang galing tugma ang quotes na sinulat niya satin. Need mo na ng magpapainit sa malamig mong puso."natatawang sabi ng kaibigan. "So kapeng mainit ba ang sagot?"taas kilay kong tanong. "Hindi! Lalaki ang sagot sa tanong mo. Mag boyfriend kana!"natatawang sabi nito. "Baka pwede mo hinaan boses mo ano!"sita ko. "Wala naman nakakakilala satin dito!" "Kahit na!"simangot ko. "Nga pala may offer yung casher na apartment kung gusto ko daw. May dalawang bakante pa na room. Kung intresado daw ako anytime pwede ko makita yung room."pagbabalita ko sa kaibigan ko. "E,di tara tignan natin habang andito pa tayo. Malay mo magustuhan mo yung ambiance at kung mabait sila ide dun ka na. Para may kasama ka parin kung sakaling nalulungkot ka." That's why I really love her dahil inaalala parin niya ako kahit may sarili din itong problema. She really cares for me. Sa hapon din iyon ay kinausap niya yung cashier na gusto nilang tignan yung apartment na sinasabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD