Chapter 18 opening ceremony

1562 Words
Opening Ceremony Um-attend yung Isang abogado ni Papa na si Mr. Virde. Ito ang kunwari may-ari ng business at Ako ang tauhan niya. Suggestions ko iyon para hindi ako kwestyunin ng sarili kong pamilya. Baka malaman nilang ako pala ang may-ari ng business na ito. Baka guluhin lang ako ng mga pinsan ko. Invite din ang pamilya ni Elle at ilan sa malalapit nilang kaibigan nung college. Si ate Nina at Kuya Gardo lang din ang um-attend dahil sila lang naman ang nakakaalam na sakin ang business na ito. Sa restaurant na kaming lahat kumain ng tapos na ang simpling ceremony. Nag rent si Kuya ng isang room sa restaurant na malapit lang dito at doon kami kumain lahat. Masaya sila para sakin at they all congratulate me. And I appreciate it. May pagkakaabalahan na ako araw-araw. Yung Pari na nagbendisyon sa shop ay umalis agad dahil may Isang event pa daw itong dadaluhan. "Hello sorry I'm late."bungad ng isang lalaki na pamilyar na pamilyar sakin ang boses. Anong ginagawa niya dito? Sinong nag-invite sa lalaking fishball na ito. Magkaka-allergy na naman yata ang katawan ko. "Oh, Axer finally you are here! In-invite ko siya senyorita."ngisi ni Kuya Gardo. Ano na naman kaya ang kalukuhan na naiisip nito at in-invite ang mokong na ito. Imbes na simangutan niya ito ay tipid na lang akong ngumiti. Ang nakakainis pa sa table pa talaga namin siya sumalo. Kasama si Kuya Gardo, Ate Nina at Atty. Virde. Nangingiti lang din ito at hindi nagkomento. Mabait itong abogado at marami itong payo sakin kapag tumatawag ito sakin pati na ang asawa nito na super bait din. Hindi lang nakadalo dahil walang bantay ang apo nila. Day off daw kasi ng yaya ng bata ngayon. Kaya nag-message na lang ito sakin kanina. Pagkatapos kumain ay diretso na kami sa shop. Sila ang una kung mga costumers nag-try sila gumawa ng mga vase, mugs at plate etc. na ayon sa gusto nila and they painted it too. Tuwang tuwa sila sa bagong experience na ito. Lalo na ang abogado ni Papa na si Mr. Virde, at mga parents ni Elle. May mga apron silang gamit para hindi madumihan ang mga damit nila. "My wife will definitely like it too. Napaka interesting gumawa ng mga ito and enjoyable too."natutuwang sabi ni Mr. Virde. "Kahit ako po noong bago ko palang natutunan ang pag gawa ng mga vase. Ang saya po. Tatlong buwan lang ako nagsanay and I think I already mastered it."pagmamayabang niya dito. "I know na madali lang ito sa'yo, because you are fan of doing sculpture and painting. But this one is a pottery and made of clay."ngiti nito sa'kin. "Yeah thank you po."ngiti ko. "Kapag may time din ako magtuturo Ako kung paano gumawa ng sculptures and painting po. Pero mas gusto ko na yata ang maging pottery teacher."natawa siya. "That's good idea hija. I will support you sa kahit anong plano mo basta nakakabuti sa'yo."magiliw nitong sabi sa'kin. "Salamat po."ngiti ko. Nagpaalam muna ako para puntahan din ang kaibigan na busy din sa ginagawa. "Is this free?" bungad na tanong ni Elle. "Yeah, kung gusto mo bayaran okay lang din. Pero kung ayaw mo naman utang mo na lang yan."hagikhik ko. "First trial is free sabi mo e. Second try is half to pay and so on."nguso nito. "Hoy! Wala pa nga ako kita binabarat mo na! May gano'n ba akong sinabi? Ang mahal kaya ng clay para maging libre sa'yo. Mas mahal ang singil ko sa'yo dahil kaibigan Kita!"natatawa kong sabi. "Ay wag naman. Wala pa ako pambayad."natatawa naman na sagot nito. Pati si Tito David at ang parents nito natawa sa sinabi ko. Mga naimbetahan niyang iba ay nauna ng umalis dahil busy din daw Ang mga ito sa bagong work nila. Si Fishball at Kuya Gardo, busy sa pag uusap. Nakapokos din si Ate Nina sa ginagawa niya. Kaya nilapitan ko ito. "Ate Nina, easy lang po wag mong dibdibin ang ginagawa mo. Apaka seryoso mo po."bungisngis ko. "Wag mo akong pakialaman busy Ako."simangot nito. Natatawa naman akong tumabi saknya. Nakigulo na din ako at gumawa ng akin. Busy ako sa ginawa ko ng tumabi sakin ang mabangong fishball na lalaking ito. Napalingon ako sa kaniya ng magsalita ito. Sisimangutan ko sana siya ng kindatan niya ako ng magtama ang paningin naming dalawa. Kaya umirap na lang ako at agad nagbawi ng tingin dito. Bahagyan naman itong natawa. "Bakit nandito ka?"inis kong tanong. "Natural invited kaya Ako." "Dito sa tabi ko ang ibig kong sabihin. Ang daming bakanteng pwesto e, dito mo pa naisipang umupo."sikmat ko. "Because your the owner and the one who manage this shop. Kaya magpapaturo sana ako sa'yo."ngisi nito sa'kin. "Ayoko! Hindi sakin 'to Ako lang ang magbabantay at magma-manage nito."pagsisinungaling ko. "Kung 'yan ang sabi mo. So, pwede mo na ba akong turuan?"kulit nito. "Wala ng space at gamit na nilang lahat ang pottery wheel. Kaya hindi kita matuturuan next time na lang. I mean, sa iba ka na lang magpaturo!" "I knew it. Gusto mo pala yung mag-solo lang tayo 'no? I would love that!"bulalas pa nito. "Kapal ng mukha mo! Umalis ka na nga dito!"inis kong sabi sabay lagay ng luwad sa mukha nito. Pero natatawa lang ito na pinunasan ang mukha nito gamit Ang Isa niyang kamay. Ang gago lang dahil ipinahid din niya sa mukha ko pabalik ang luwad. "Ay!"Tili ko. "Tito David, paalisin mo na nga ang lalaking ito dito!"inis kong sabi. "I'm busy here! Namimiss ko tuloy yung Asawa ko. Sana nandito din siya at maglambingan din kami na katulad ng loveclay diyan!"pasaring nito. Humalakhak si Kuya Gardo at Ate Nina. Well, lahat sila tumawa. Like what's funny?! "Tito kasi eh."maktol ko. "What? I didn't say anything. Kita mo ang mag-asawa at yung mag-kasintahan d'ba naglalambingan sila. Lalo na 'yong loveclay dito. Mukhang nakaka-storbo na yata kami."natatawang sabi pa nito. "Dalawin ka sana ni Papa mayang gabi binubully mo ako!"simangot ko. Natawa na lang sila sa sinabi ko. "Kasalanan mo ito Kuya eh, nagdala ka ng asungot dito!"baling ko kay Kuya Gardo. "I'm going to ask Tito Greg or Kuya Waylen to ban you here!"inis kong sabi pa kay Axer. Pero hindi nila ako pinansin. Hmp! "Ito ba 'yung sinasabi mong nagligtas kay Serenity noon Gardo?"tanong ni Tito David. "Yes Sir. Friend na kami kaya na-invite ko siya dito."sagot naman agad ni Kuya. "Hmmm...nangangamoy sweet clay lover pottery ang mga ito soon. Salamat hijo sa pagligtas sa dalaga namin."ngiti ni Tito kay fishball. "Walang anoman Sir."sagot naman nito. Hindi ko na lang sila pinansin din at kinuha ang ginawa ko para ilagay na sa electric pottery kiln. Itry lang niya kung pwede kahit ilang oras lang. Yung binigay ko kasi sa kanila is white clay a stoneware clay. Kahit hindi na gumamit ng kiln ay ayos lang. Pero mas maganda parin kung ilagay sa electric pottery kiln para maganda tignan at maging ceramic siya. Mabuti na lang talaga at malawak ito. May space para sa gawaan ng iba't ibang shape ng plorera or gusi. Iba din sa display na paninda niya na souvenirs and accessories. Kaya hindi maboboring ang mga tao kapag pumasok sila dito dahil maraming choices and affordable ang price. May Isa na akong na-hire na makakasama ko dito. College student ito na gusto mag part time job. At iyon talaga ang nilagay niya sa application form. Para matulungan ko din ang mga college student na gustong makapagtapos ng pag aaral. Kapag lumago ito mag dagdag pa ako ng dalawa. Alam kung proud na proud na sakin si Papa in heaven. At masaya na ito dahil unti-unti ko ng makakamit ang pangarap ko at tagumpay sa buhay. But bago ako magdiwang I still want to know kung sino ako? Saan Ako nagmula at sino ang totoo kung mga magulang. Kung bakit ganito ang trato ng parents ko sakin. Are they my real parents? Hindi sa duda ako pero bakit ganito ang trato nila sakin. Lahat sila iba ang trato sakin. I don't understand yung sinabi ni Tito Arman na gusto lang nila akong protektahan. Protektahan saan? Para saan ang proteksyon na iyon kung silang lahat mismo ay galit sakin. Sinasaktan at ipinapahiya. Gano'n ba ang matatawag na proteksyon. Nakakamura lang! "Hija!" Nagulat siya ng bahagyan ng magsalita si Tito David. Agad akong lumingon sa kaniya. "May problema ba?"tanong nito. Umiling siya agad. "Wala po may naalala lang ako." "Don't stress yourself. Be patient okay."nakakaunawang sabi nito. "Salamat po." "My tawag ako kaya mauna na ako sainyo. Pupunta kami next time dito ng Tita mo Eda. Gusto ko din na ma-experience niya ang paggawa ng plorera. Mag iingat ka dito okay. Tumawag ka sakin kapag may problema."ngiti nito sa'kin at hinalikan ako sa ulo. "Opo salamat. Mag-ingat po sa daan Tito."tumango lang din ito. Hinatid ko na muna sa labas bago ako pumasok ulit sa shop ko. Maya't maya ay nagpaalam na din si fishball dahil may meeting pa daw itong pupuntahan. Kailangan niyang umalis na para makapagbihis dahil dinumihan ko ang damit niya. Nang asar muna ang lalaking ito bago umalis. Hinampas ko na lang siya. Natatawa na lang ito na kumaway sa mga kasama ko sa shop. Natatawa na kinikilig naman ang mga tao sa loob. Hindi na lang ako umimik at lumapit na lang Ako sa electric pottery kiln para tignan ang gawa ko na vase dun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD