WALANG maririnig na ingay dahil sa nangyari, lahat kami ay tahimik ngunit may mabigat na pressure ang nakabalot sa room. “Hahaha! Chill guys,” nabasag ang katahimikan nang tumawa ang isang babae na sinundan naman ng isa pang babae na kasama nila. Dalawang babae at tatlong lalaki, si Chase ang nakaupo sa harap ng mahabang table, may bakante rin na dalawang upuan. Lahat sila ay nakalantad na ang mukha, puwera lang sa isang lalaki na nakaitim na jacket with hood. Isang tingin ko pa lang sa kaniya ay nalaman ko na agad kung sino siya, Panther. “What the hell is her problem?” Chelsey whispered to me, irritated. “Maureen, stop,” ang lamig ng boses ni Panther. Ang hot niya, dalawang salita lang ang lumabas sa bibig niya pero nakaramdam na kaagad ako ng butterflies in my stomach. I have

