Prologue
All my life I lived like I am an invisible and second option, my life is fvck up. Meron akong pamilya pero kailanman ay hindi nila ako tinuring na pamilya, meron akong kapatid na mas magaling sa akin sa lahat kaya naman lagi ako napagkukumpara sa kaniya. Meron akong kaibigan pero mga plastic naman at sinasaksak ako sa likod, wala pala akong kaibigan dahil hindi ganoon ang tunay na kaibigan.
Hanggang sa hindi ko na kinaya ang trato nila sa akin, after I graduated in collage ay lumayas ako at pumunta sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Kahit na araw-araw paulit-ulit ang nangyayari at ang ginagawa ko, tahimik naman ang pamumuhay ko. Gigising sa umaga para mag trabaho, kakain, uuwi ng bahay after ng trabaho, kakain ulit. Ang tanging oras na ibinibigay ko para sa aking sarili ay sa tuwing magbabasa ako ng novel bago matulog. Cycle lang ang buhay ko, paulit-ulit. Kaya minsan nakakapagod at nakakaumay pero dahil sa pagbabasa ko ng mga story ay nagiging maganda ang araw ko.
Pero….
Sa isang iglap nag bago ang mundo ko, napunta ako sa novel na binabasa ko at sa dinami-dami ng character ay ang napunta pa sa akin na role ay….
“VILLAIN?!”
You've got to be kidding me…