NANG imulat ko ang aking mata ay mukha ng isang guwapong binata ang sumalubong sa akin.
“Don't threaten me, Nisha. Do whatever you want,” malamig na sambit ng binata.
When I look around ay nasa pool party ako na ikinasalubong ng aking kilay, sa pagkakaalam ko kasi nasa kuwarto ako at nakatulog matapos mag basa. What the?! Don't tell me nag sleep walk ako at napunta sa pool party?! Pambihira naman ang habit ko habang natutulog, nagtu-tour.
“She already confessed to Haru several times.”
“Seriously, hindi ba siya nananawa?”
“When is she going to give up? Mas lalo siyang nagmumukhang tanga dahil sa ginagawa niya.”
“Shush! Baka marinig ka niya. Nisha is someone you shouldn't fvck up.”
W-Where the hell am I? I am in unfamiliar environment with unfamiliar people, mga naka-
swimsuit silang lahat.
Napatingin ako sa aking sarili kasunod ng panlalaki ng aking mata, I am wearing a black swimsuit and it's too revealing.
My gahd!
Nang tumingin ulit ako sa paligid ay halos lahat nakatingin sa akin at nagbubulungan as if I am in a middle of commotion. And when I turned back my gaze at the guy in front of me, he's still looking at me coldly.
“You can't threaten me. I will never like you back. Go and drown yourself. The hell do I care?” I was stunned at what he said.
Kailan pa ako nagkagusto sa kaniya? I know he's handsome, but it doesn't mean na magkakagusto na ako sa kaniya. At isa pa ay hindi ako tanga para magpakalunod sa sarili, 'no.
How dare he?! Pinapahiya ba niya ako sa harap ng maraming tao?! And what the hell is happening here?!
“Hoy–” sasagutin ko na sana siya but I lose my balance without knowing na swimming pool pala ang nasa likuran ko dahilan para manlaki na naman ang mata ko at mapasinghap ng hininga.
I turned my eyes to him para humingi ng tulong, but I stopped when I saw his expression. His eyes is still cold and isn't giving a fvck kahit na nakikita na niyang mahuhulog ako sa pool, I raised my hand to reach him but he turned his back on me and walked away.
‘Damn you! I can't swim...’
Pumikit ako ng mariin hanggang sa bumagsak na nga ako sa tubig. Pumadiyak ako, nagbabakasakaling matututo akong lumangoy sa pamamagitan no'n but it's useless. They are just watching me drowning and struggling for my life. Walang sasagip sa akin, walang tutulong sa akin at mukhang nag e-enjoy pa nga yata sila eh.
“Hel–” napagod na ang mga paa ko sa pag padiyak at tuluyan na akong kinain ng tubig.
I don't really like the ocean because I have thalassophobia. It refers to a fear of the ocean or other large, deep bodies of water.
Muntik na kasi akong malunod noong nag beach kami ng family ko, walang nakapansin sa mga pamilya kong malapit na akong mamatay sa dagat dahil kinakantahan nila ng Happy birthday ang kapatid ko. But thanks to a certain unknown boy, I was saved that day. Nasa baybahin na ako when I opened my eyes, my family is peacefully sleeping without knowing na muntik nang mamatay ang anak nila.
But what's this? I am drowning again. I can't breathe, It's so cold, and it's dark. Pakiramdam ko hinihila pa lalo ako pailalim ng tubig. It's empty here.
Binabangungot na naman ba ako? But it's too real to be a nightmare, I don't like this. Nangyari na sa akin ito, noong nalulunod ako. May sumagip sa akin noon, ewan ko lang ngayon kung may sasagip sa isang katulad ko.
‘Please! Someone, help me!’
I am in tears, malapit na akong mawalan ng pag-asa dahil malapit na akong mawalan ng hininga. Malapit na rin mag sarado ang talukap ng aking mata, hanggang sa may nakita akong lalaki na papalapit sa akin at inaabot ang kamay ko.
‘I can't see him clearly.’
Hindi ko na nakita pa ang mukha ng nag ligtas sa akin dahil nawalan na ako ng malay.
I frowned when I heard noises, ang bigat ng katawan ko.
“Why isn't she still waking up? Dr. Agace, do something!” nagising ako sa naririnig na ingay at hagulgol na pag-iyak.
“Calm down, wife.”
“No! How can I calm down when my daughter is in that state?! 18th birthday niya kahapon so it should be her happiest day in life but it ended up disastrous. I failed to be her mother, huhu!” ang lakas ng boses niya, naririndi ako.
Failed agad?
“Don't worry Mrs. Zelenia, our daughter's condition is fine.”
Panaginip lang ba ang nangyari sa akin? Maybe it is another nightmare because of my phobia, nakahinga ako ng maluwag.
“Paanong fine?! Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon, huhu!”
“She's just taking a rest, Mrs. Zelenia.”
“Wife, don't stress yourself. Baka ikaw naman ang magkasakit.”
Ano ba ang ingay na 'yon? Bakit dito pa kayo sa kuwarto ko nag uusap?!
Minulat ko na ang mata ko para makita kung sino ang maiingay, kumunot ang noo ko nang makita na wala ako sa kuwarto ko at hindi pamilyar ang mga mukha na sumalubong sa akin.
Where am I? Nananaginip na naman ba ako? Please, can someone wake me up?!
Bumangon ako mula sa pagkakahiga para makita ng maayos ang hindi pamilyar na kuwartong tinutulugan ko. Compare to my room, this room is huge. Parang buong bahay na namin ito. Modern style ang kuwarto and it's all damn pink, lahat ng bagay kulay pink, even the ceiling and wall, parang masusuka ako dahil sa kulay ng kuwartong to.
Napatingin ako sa tatlong nag uusap kanina pa. The other one is a doctor base on his white coat. 'Yong dalawa naman na hindi katandaan, I think mag asawa silang dalawa pero in fairness ang ganda at ang guwapo nila kahit may katandaan na ah, siguro nasa mid-40 na sila. 'Yong babaeng kanina pa umiiyak ang unang nakapansin sa akin, nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin at unti-unting ngumiti ng matamis sa sobrang saya niya
“O-Owemji! My princess is finally awake!” nagulat ako nang bigla na lang niya ako niyakap ng sobrang higpit.
“H-Hindi ako makahinga,” nahihirapan kong salita.
“Oh I'm sorry, sweetheart. I'm just too happy to see you awake,” hindi malaman kung iiyak at ngingiti ang ginagawa niya.
“Pinag alala mo kami,” naiiyak na yumakap rin sa akin 'yong asawa no'ng babae.
“Wait,” tumingin sila sa akin. “Sino kayo at bakit ako nandito?” nagu-
guluhan kong tanong.
Narinig ko ang malakas na pag singhap nilang lahat, humagulgol na naman ng pag iyak ang babae.
“UWAAAHHH! MY BABY!”
Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang itong umiiyak na sumigaw, nakakarinding humagulgol na naman ito dahilan para alalayan siya ng kanyang asawa.
“Baby, you don't remember us?” tanong ng lalaki na umaalalay sa babae.
“Remember? Kilala ko ba kayo? O kayo lang ang nakakakilala sa akin?”
“NOOOO! UWAAAHHH!” nadagdagan pa lalo ang ingay ng babae sa sinabi ko habang ang lalaki naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin, they are all look shocked.
Ano ba ang nakakagulat sa sinabi ko? I don't remember seeing them in my past o baka naman sila lang ang nakakakilala sa akin? Hindi ko kasi talaga sila kilala eh.
“We are your parents, Nisha,” malungkot na sagot ng lalaki.
“Parents? Nisha?” naguguluhan na tanong ko.
Dahan-dahan akong namutla sa mga naririnig ko, hindi ko maproseso ang lahat at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang napagtanto kong nangyayari sa akin ngayon.
“Dr. Agace, anong nangyayari sa anak ko? Bakit di niya kami maalala?”tuloy-
tuloy na ang pag luha ng ginang habang tinatanong iyon.
“Let's talk about this somewhere else, Mrs. Zelenia."
“How about my daughter?” may pag aalala na tumingin sa akin ang ginang.
“Let's give her some rest, wife,” umiiyak na tumango ang ginang, bumaling ng tingin 'yong lalaking asawa niya na nagsasabing magulang ko daw sila. “Stay here and take some rest, if you need anything you can call for a maid outside.”
He kissed me on my forehead then they left me alone dumbfounded.
‘Parents? Nisha? Zelenia?!’
Naguguluhan pa rin ako at kung tama nga ang nasa isip ko ay napaka imposible naman no'n pero isa lang ang solusyon para makumpirma ko ang lahat, tumakbo ako papunta sa comfort room at napanganga ako sa harap ng malaking salamin.
“Damn! Who is this beautiful girl?” hindi ako makapaniwala.
Hinawakan ko ang aking mukha at ginaya iyon ng reflection ko sa salamin.
I had a color black hair, my hair is like a sky when it's night time. I had a purple eyes, kahit na ang heavy ng make up ko ay hindi pa rin maitatago ang ganda ng kung sino man ang nasa salamin.
“Teka, natulog ako nang may make up?! Pero ano ba?! Ako ba talaga ito? s**t! Kung ako nga ito ay hayop ang ganda ko naman!”
I recalled myself with a dark circle all over my eyes, kalahi ko si panda eh. But where is it now?! Wala rin akong wrinkles, pimples and chuchubels.
“Goddess!” iyan ang isang salita na maidedescribe ko sa aking sarili. “Uwah! s**t na malupet!” manghang-
mangha ako na nakatingin sa salamin.
But wait! Anong nangyari sa akin?! Nasa show ba ako? May cameraman ba everywhere na palihim na kumukuha sa akin ngayon o nag time leap ba ako? Pero imposible dahil hindi ako ganito kaganda. Kung hindi ako nag time leap baka napunta ako sa ibang katawan? Kung gano'n nga ang nangyari paano naman ang katawan ko at paano naman ang kaluluwa ng katawang ito? Huwag na siya bumalik! Akin na lang ang magandang mukha at katawang ito!
Really, what the hell happened to me? Sa pagkakatanda ko ay nagbabasa ako ng novel kagabi.
Then…
FLASHBACK
Nanlabo ang mga letrang binabasa ko dahil sa pagtutubig ng aking mata. Pinigilan ko ang maluha at mariing napalunok, sunod-sunod ang pag hinga ko ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.
Nang hindi ko kinaya ang lungkot dahil sa binabasa kong nobela ay iritableng itinigil ko ang pagbabasa at sinarado ang aking laptop.
“s**t!”
Ilang tissue na ba ang nagamit ko sa kakaiyak?! Malapit na ako sa happy ending, dalawang chapter na lang pero hindi ko maituloy dahil nalulungkot ako para sa villain.
Ako lang ba?! Ako lang ba ang naaawa sa villain?! Naaawa rin ako sa second male lead, huhu! Nag mahal lang naman silang dalawa pero in the end wala silang happy ending, ang tanging may happy ending lang ay ang male lead and female lead. Ewan ko ba sa sarili ko, ang clichè naman ng istorya pero nag patuloy pa rin ako sa pagbabasa.
Eh kasi naman, ang daming guwapo.
May second male lead syndrome rin ako. Huhu! Kung ayaw sa'yo ni female lead, sa akin ka na lang.
Hmp! Hindi ko na lang babasahin ang happy ending, ang male lead at female lead lang naman ang masaya. Tsaka bakit ba happy ending ito?! Dapat tragic ending, mamamatay si female lead para lahat sila hindi masaya.
“Kekeke!” tumawa ako nang mala demonyo.
Binuksan ko ulit ang aking laptop at tinignan na lang ang mga comment, nag salubong ang kilay ko nang makita na halos lahat ng comment ay puro pambabash sa villain.
Sh!t: That villain deserves it!
SML: Suit yourself, b!tch!
Bulsyet: That's not enough! The villain needs to die, author!
Puto: Spoiler alert! The Villain died in the end, rejoice comrades!
YawaKa: The author is a legend, imagine how she came up with a beautiful plot story?! Woah!
Pasama ng pasama ang tingin ko habang binabasa ang mga comment, makapag comment nga rin.
FKayongLahat: CURSE YOU AUTHOR!
Nag salubong ang kilay ko nang may mag reply sa comment ko!
WhiteKnight: Ew! You don't have good manners and right conduct.
FKayongLahat: Curse you and author with good manners and right conduct :))
“BWAHAHAHAKEKEK–” natigil ako sa pag tawa ng malademonyo nang mag blurred ang aking paningin. ”s**t! Kakabasa ko ito. Kukunin na ba ako ni satanas? Kung kukunin mo na ako wait lang, isang...chapter...pa.”
Tuluyan nang bumigat ang talukap ng aking mata, naramdaman ko na lang na nasa sahig na ako.
The hell is happening to me?
Dumilim ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.
END OF FLASHBACK
That's it!
Wait! Kung tama ang pagkakadinig ko ay tinawag ako ng mag asawa na Nisha, and their last name is Zelenia. If they call me their daughter, then her name is Nisha Zelenia. Sa pagkakatanda ko ay Nisha rin ang pangalan ng villain sa nobelang binabasa ko.
It's a novel, entitled ‘She's Mine.’
Nisha Zelenia is the villain.
Processing…..What the hell?! I am inside of a novel, and the craziest thing is that I am the villain?! No way, I am doomed.
To be continued!