LUMIPAS ang gabi at dumating ang panibagong umaga, last day na namin dito at nag iimpake na kami ng gamit namin. Dumating ulit si Ruth dahil may pupuntahan daw kami. Pinatawag ni Chase si Chelsey, mukhang may something sweet na nagaganap na sa kanilang dalawa. Ako naman ay pumunta ulit sa dungeon, si Ruth ang naglelead sa akin. Pagkahatid niya sa akin sa harap ng isang kulungan ay iniwan na rin niya ako, ang sabi niya pumasok na lang ako sa loob at naghihintay daw sa loob si Panther. Kumabog tuloy ang puso ko sa narinig. Ano naman kaya ang trip ni Baby Panther at sa kulungan pa niya talaga gustong makipag paalamanan? Magkikita rin naman kami sa school, amp. 'Wag mong sabihin na dito kami gagawa ng milagro, kakaiba naman ang trip niya kung gano'n. Anyway, binuksan ko na nga ang pin

