PAGKATAPOS ng exam ay umalis kaagad kami ni Chelsey sa school para mag mall para bumili ng cake, bibisita kasi si Chelsey sa bahay dahil ipakilala kila mommy. “Anong klase ng cake ang gusto ni Tita?” tanong niya habang nakatingin sa iba't ibang klase ng cake. “Red velvet cake,” sagot ko. Bakit pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin? Pasimpleng tumingin ako sa paligid at nakita sa 'di kalayuan si Kirv na naglalakad papunta sa comfort room. Anong ginagawa ni Kirv dito? Seryoso rin ang mukha niya, malayo sa mapagbirong Kirv na nakilala ko sa Z Island. “Nisha,” nakuha ni Chelsey ang attention ko nang tawagin niya ako, may dala na siyang cake. “Kanina pa kita tinatawag, you okay?” nag aalala itong nakatingin sa akin. “Yes, let's go.” Ilang minuto lang rin ang lumipas ay nakaratin

