LUMIPAS ang ilang minuto at malapit na mag simula ang susunod na klase kaya I decided na bumalik na sa classroom.
While walking in the hallway I saw Soleil surrounded by a bunch of girls, or should I say a bunch of bitches.
“Just say it. What kind of spell did you use to get him to notice you, a commoner?” napangiwi ako nang mag salita si Laurein.
Lorraine is one of those b***h who is trying hard to copy Nisha. She's inferior to Nisha, sa novel ay isa siya sa mga buntot niya na nang bu-bully kay Soleil.
“Wala naman,” ngiting sagot ni Soleil, wala siyang kamalay-malay na naghahanap na pala ng away ang mga babaeng nasa paligid niya.
“C'mon! Admit it, you're seducing him to be rich! You gold digger w***e,” dinuro-duro siya ng isang babaeng kasama ni Lorraine.
Lagi ko ito nababasa sa novel, maraming ambisyosang inggetera na babangga sa female lead. As if mananalo sila, hindi nila matatalo ang female lead dahil extra lang naman sila. Kung si Nisha nga na villain ay natalo, sila pa kaya? Kapag binangga mo ang female lead, parang binangga mo na rin si author na siyang lumikha sa'yo.
”Anong sinasabi niyo? Hindi ko maintindihan,” then there's the innocent female lead.
This novel is so damn clichè, I really wonder why I even read it.
”Don't play innocent! Hinding-hindi mo makukuha si Haru dahil langit ka at lupa siya, huwag ka ngang ambisyosa!”
“Saan ko naman dadalhin si Haru kung kukunin ko siya? Isa pa, paano naging langit siya at lupa ako? Ah! Sabi ko na anghel siya na bumaba sa langit ih, hehe.”
Nag salubong ang kilay ng mga babae sa kaniya samantalang tumatawa naman si Soleil without knowing na napapaligiran siya ng mga hyenas. How can be someone this innocent? Hindi na kainosentehan 'yan, katangahan na iyan eh. Tho, dahil sa personality ng mga inosenteng female lead ay nahuhulog sa kanila ang mga male lead. Kung sa kanila ay nakaka-attract ang gano'ng personalidad, sa reyalidad ay hindi. Kapag inosente ka, kawawa ka.
“You're not taking Haru anywhere, stupid! Don't you have common sense?! I hate commoners like you," sumabog na sa galit ang mga babae at handa nang saktan si Soleil buti na lang ay may sumingit sa kanila.
”Stop! One more step and you will go to the detention office,” then out of nowhere may sumingit sa kanila.
The female lead's best friend, a supporting character. Her name is Yannah Lavigne, one of ssg officers. Siya ang laging magpo-
protekta kay Soleil mula sa mga inggiterang babae, maging kay Nisha. Although wala na ngayon ang totoong Nisha kaya nabawasan ang kaaway ni Soleil.
She is standing in front of Soleil to protect her from them and gave them her death glare dahilan para mapaatras ang mga babae.
”Tsk! We're not yet done with you,” asar na sambit ni Lorraine.
“May nakakalimutan ka yata Lorraine, kapag gumawa ka pa ulit ng isa pang gulo matatanggal ka na sa school.”
“Hmp! I have Nisha. I can do whatever I want here,” tumawa ng mapangasar si Lorraine.
Now that she said it, I suddenly realized something. This b***h is one of the reasons why Nisha became a villain. She's like a demon whispering bad things to her ears, she uses her to get back to Soleil without everyone noticing.
She's like a parasite in this novel, should I get rid of her? No, I can use her. Sabi nga nila, Huwag mong gawin sa kapwa mo kung ayaw mong gawin ng iba sa'yo.
“Nisha can't save you all the time, you should stop. Nasa paaralan ka, wala ka sa playground o baka naman gusto mo pa na umabot ito sa president?"
“Tsk! Let's go girls!" namumula sa galit at pagkapahiya si Lorraine nang umalis kasama ang mga buntot niya.
“Sorry about that. You are the transferee student, right? I am Yannah Lavigne, one of the ssg officers.”
Ngumiti si Yannah no'ng humarap na kay Soleil at nilahad ang kaniyang kamay para makipag shake hands.
“I am Soleil Suarez. It is nice to meet you Yannah,” ngiting nakipag kamay sa kaniya si Soleil. “Why are you saying sorry?” nagtataka nito na tanong.
“Dahil ganito ang salubong sa iyo ng school. As one of ssg officers, ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa nila."
“Ano bang ginawa nila?” naguguluhan na tanong ni Soleil dahilan para matawa siya.
“They are picking a fight on you!”
“Eh? Talaga?” mas lalong natawa sa kaniya si Yannah. ”A-Ah sorry, I am oblivious kaya hirap ako na makipag interact sa lahat.”
“No, it's okay! Actually you're super cute, I like you.”
“E-Eh? T-Tomboy ka ba? Sorry, pero straight ako.”
“No! I mean I like you as a friend, let's be friend."
“T-Talaga?! Uwah! Gusto rin kita,” bigla niyang niyakap si Yannah dahilan para magulat ito pero 'di rin kalaunan ay natawa ito. “I-Ibig kong sabihin gusto kita as a friend."
“Yeah! Yeah!” natatawang sagot niya. “Let's go back to our classroom together.”
“Eh? Classmate kita?”
“Yes, didn't you see me earlier?”
“H-Hindi eh, ang dami kasi ng classmate natin. Sorry, hehe.”
And that's how they met.
Napabuntong hininga ako at nag lakad na rin papunta sa classroom.
Pagkarating ko ay saktong dumating na rin ang lecturer namin kaya lang hindi pumasok si Cal, sabi ng lecturer namin ay may inaasikaso siya sa ssg faculty kaya hindi siya nakapasok ngayon.
I was expecting to see him pa naman din. Parang pinagtataguan niya ako, Iniwasan niya rin ako kanina. Sabi naman niya maganda ako. Hindi naman ako mabaho, wala naman akong virus or bacteria kaya I can't understand why he's hiding from me.
Natapos ang klase namin nang hindi ko nasisilayan si Cal. I tried to look for him to ask him if I did something wrong but I can't find him everywhere hanggang sa dumating na si Manong Albert para sunduin ako kaya wala ako nagawa kun'di umuwi na.
Pagkauwi ko ay sinalubong agad ako ni Dad.
“Your marriage with Haru Griffin is now canceled. I hope you won't going to regret this,” napangiti ako sa magandang balita niya.
“Never Dad, thank you sa good news.”
“Anything for my princess.”
Hindi ko na tinanong kung paano niya nagawa iyon dahil nothing is impossible for my Dad, he's a mafia boss and a king in the mafia world so no wonder na mabilis niyang na-settled iyon.
He kissed my forehead bago na siya umalis habang ako naman ay pumasok na sa kwarto ko, bagsak ako na humiga sa queen size bed ko. I am staring at the ceiling for almost one hour, I don't have anything to do.
Now that the marriage with Haru is canceled I should start thinking about that damn secret organization.
Why are they trying to overthrow my family? What are their reasons and purpose? Maraming kalaban ang pamilya ko because they are mafias. They are the top mafia, so either the reason is to steal the top or they hold a grudge against my family.
In a world of mafia, everyone fears my family kaya kailangan mo pa nang alliance kung kakalabanin mo ang Zelenia family. I can't believe that Nisha's parents are a mafia, they are so sweet towards her kaya kahit ako mismo ay nakakalimutang mafia sila.
My father is a boss, all the major decisions are made by my father and all the money made by the family ultimately flows to him. My brother is the underboss, he is the second in command although the amount of power he wields can vary.
But I don't know and I never see the lieutenant, he's in charge of the special forces. My family has an elite soldier called Black Phanters Unit (BPU), the unit has four members. And like what I've said, the lieutenant handles them.
First I need to have my own soldier. If I don't have my own soldier then I can't fight with this secret organization. I have to be prepared and the first step is to join BPU, pero paano ko mapapa-payag si Daddy? Nisha never took an interest in the mafia world, all she ever does is chase Haru.
Kung magpapaalam ba ako sa kaniya ay papayagan niya ba ako? He's over-protective towards her at malaki ang porsyento na masaktan ako kapag sumali ako sa unit, ayaw niyang nasasaktan si Nisha kaya naman maraming bodyguards na nakapalibot sa kaniya.
If he won't let me join, then I will force my way. I am Nisha Zelenia, Ito ang umpisa ng bagong Nisha Zelenia.
Mabilis ako nakatulog dahil na rin siguro sa pagod ko.
To be continued!