NAKANGUSO ako na pumasok sa school pero natigil ako sa paglalakad nang may makitang mahabang poster na nakalagay sa building.
“N-Nisha?!” nagulat ako sa nakita ko, may sungay rin siya sa ulo niya and there's a letter in the poster.
‘NISHA ZELENIA IS A VILLAIN b***h WHO CAN'T LET HARU GO. AN OBSESSED CRAZY GIRL WHO'S PRISONING HIM, YOU EVEN THREATENED SOLEIL JUST TO HAVE HIM. LET HIM GO, b***h!’
What the?! Who the hell did that?! Hindi ko alam na may nage-exist pala dito sa school na walang takot kay Nisha, nagawa pa talaga niyang ilagay sa poster ang lahat ng iyon.
Nanliit ang mata ko dahil nakita ko rin ang mga estudyante na nasa entrance ng building at parang may pinapanood, agad ako pumunta sa direksyon nila.
“Nisha, I know all along that you're planning something.”
Kumunot ang noo ko nang makita si Haru, katabi nya si Soleil habang nasa harapan naman nila si Nisha.
What's going on here?! Don't tell me kumalat na ang narinig kong usapan ng mga classmate namin?
“Ako? May pinaplano? Laban kanino?” asar siyang tumawa.
“Kung galit ka sa akin ay 'wag mong idadamay si Soleil! Ano man ang pinaplano mong masama laban sa kaniya ay huwag mo nang ituloy dahil sa huli ay ikaw lang rin ang mapapasama.”
“Hoy! Wala akong pinaplano laban sa kaniya o laban man sa'yo, boring kang kalaro kaya nakikipaglaro na lang ako sa iba.”
“I know you are planning something! Narinig ko kayo ni Lorraine na naguusap---”
“So chismoso ka na ngayon?”
“No, it just happened na narinig ko ang pangalan ni Soleil! I am telling you, don't you dare lay your filthy hand in my girlfriend,” naguguluhan ako sa pinag uusapan nila.
“Hah! Kayo na ni Soleil? Woah men, congrats! Lol, as if I care.”
“I know you're still obsessed with me! Why can't you just stop?! I don't like yo---”
“Woah! Stop! Stop right there. Kakaiba ang confidence mo ah, taas!”
“Don't deny it, narinig ko ang sinabi mo kay Lorraine! I am not yours!”
Obsessed siya kay Haru? Paano mangyayari iyon, eh tinigil niya nga ang engagement niya kay Haru.
Hindi ko maintindihan, did she really threatened Soleil? Lumapit si Nisha kay Haru at mahina siyang nag salita, kumunot ang noo ko dahil hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero bakas ang naguguluhang reaksyon sa mukha ni Haru habang si Nisha naman ay tila tangang-
tanga sa kausap niya.
“Don't worry lovebird, wala akong gagawin sa kaniya hanggat wala siyang ginagawa sa akin. Siguraduhin mo lang na 'wag akong babanggain niyang girlfriend mo, you know what I can do Haru and I am not threatening someone, It's just a warning.”
“She's not like that.”
“Who knows what kind of girl she is?”
“Shut up!”
“Nisha!” may lumapit na babae kay Nisha at may binigay na microphone sa kaniya.
“C'MON MOTHERFVCKER'S! BEFORE YOU SPEAK LISTEN TO THIS EVIL b***h FIRST!”
Natigilan ako sa sunod-sunod at malulutong niyang mura na parang sa pamamagitan no'n ay nailalabas niya ang kaniyang galit, she even glared at everyone that made them silence.
“I just wanted to clear things up with you guys! Our engagement got canceled because I am against it, not the other way around. And for your information wala akong pakialam kung mag jowa man sila o hindi, dahil una sa lahat hindi ako interesado!” nilipat ko ang paningin ko kay Soleil.
Hindi niya minahal si Haru? Kung ganoon, ano 'yong pagsunod niya lagi na parang aso kay Haru dati? Pero sa bawat salita niya ay ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo.
“I never love him kaya 'wag kang mag alala! Hindi ako against sa pag-iibigan niyo, isaksak mo pa siya sa baga mo! I really, really hope from the bottom of my heart that your relationshit will last longer!” nakatingin siya ng diretso kay Soleil.
“At para naman sa gumawa ng malaking poster! b***h, I very much appreciated your fvcking effort. That is why I will gladly give you a reward for that s**t, but make sure to hide yourself because I will hunt wherever in hell you are to give my reward to you. Ang one more thing, you better put that s**t in the trash! I don't want to see it roaming around, kapag ako pa ang nag tanggal niyan ay baka pasabugin ko na lang ang buong building para mapulbos na ng tuluyan ang poster na iyan!”
“And to those who bad-mouthed me, this is your last warning. If I hear another bad word about me from your shitty mouth mapupunta na kayo sa death note ko, naiintindihan niyo mga hampas lupa?! Huhulihin ko kung sino ang gumawa ng poster na iyon at ihahampas ko siya sa lupa, para mag silbing warning sa inyo!”
Nakita ko ang takot sa kanilang lahat, kahit rin ako ay napalunok ng mariin.
“I repeat, makinig kayong maigi mga marites! I never loved Haru because I love someone else! 'Yan! May bago na kayong issue na pag uusapan kaya sana naman hindi ko na maririnig ang tungkol sa issue na ito!”
She love someone else?! Who the heck?! Ako at si Haru lang naman ang lalaki na lagi niyang kasama
“And this girl is my best friend, not my slave! Isama niyo rin iyan sa bagong pagchi-chismisan niyo! I will go now! I don't want to hear anyone talking about Haru, Soleil, and me unless you wanna die!”
Iyon na ang huling litanya niya bago na siya umalis kasama ang best friend niy–wait! I think she's Chelsey, the girl she's always with yesterday. The lame and nerd girl! Hindi ko agad siya nakilala dahil parang nag transform siya into a goddess. Kung ganoon ay hindi totoo ang mga naririnig ko na may bago siyang slave.
“Hell! That was a bomb!” kumunot ang noo ko, katabi ko na pala ang tatlong ugok kong kaibigan.
“Hindi pala talaga niya mahal si Haru. Eh 'di sino ang mahal niya? She said she love someone else eh,” nagtatakang sambit ni Tom.
“Sino pa ba ang lalaking lagi nakakasama ni Nisha bukod kay Haru?” biglang tanong ni Red at napatingin silang tatlo sa akin. “Nah! Imposibleng magustuhan siya ni Nisha. Walang magkaka-
gusto sa isang ugok,” litanya niya habang nasa akin ang kanilang paningin.
“What the fvck do you mean?! Guwapo ako at lahat ng babae ay nagkakagusto sa akin kaya posibleng mangyari iyon!” inis kong tugon.
“Mga bakla ang nagkakagusto sa'yo tol!” sumama ang mukha ko sa mapangasar na tawa ni Jerry pagkatapos ay umakto pa siya na parang bakla.
“Wampeypti tayo fafa!” babakla-
bakla niyang hinampas ang braso ko na mas lalong ikinaasar ko.
“Taena mo, Jerry! Hindi tayo talo! Lumayo-layo ka nga sa akin kung bakla ka, hindi kita tanggap!”
Tumawa ang dalawang ugok kong kaibigan sa litanya ko habang si Jerry naman ay umaakto na umiiyak at nasasaktan dahil nireject ko daw siya.
“Babe, I'm sorry this is all my fault,” napalingon ako sa dereksyon ni Haru at Soleil. “Nakakahiya, dahil sa akin napasama ka pa sa gulo.”
“No, I'm your boyfriend. I should protect you.”
Napahawak ako sa balikat ng mga kaibigan ko para kumuha ng suporta dahil nasusuka ako sa mga naririnig at nakikita ko. Hindi ko alam but whenever I see couples around, I can't help myself but to p**e.
“Thank you babe, but I need to apologise to he---”
“No. Baka saktan ka lang niya,” doon na nag salubong ang kilay ko at nag tagis ang aking bagang sa narinig na salita kay Haru kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili at nilapitan siya.
“Nyx….” Soleil.
“What?” nagtatakang tanong niya nang makalapit ako sa kaniya.
“You're really an asshole,” kumunot ang noo niya habang nakakuyom ang aking kamay. “Can't you see? Ikaw ang gumagawa ng gulo, Haru! She never love you, hindi ka na niya ginugulo o ang girlfriend mo pero imbis na pahupain mo 'yong gulo kanina ay nakigatong ka pa na parang sigurado ka na sasaktan niya ang girlfriend mo!”
“You don't understand, huwag kang makisal---”
“No! You're the one who doesn't get it, she said that she love someone else at hindi ikaw iyon! Nasanay ka na laging hinahabol ni Nisha, kaya hindi mo alam ang irereact nang sabihin niya sa'yong hindi ka niya minahal! Wake up bastard, hindi ka niya mahal! Stop pestering her!”
“No! She's planning something to get me back---”
“What? You can't accept the fact that she didn't love you?” doon na siya hindi nakasagot sa akin, kung saan-saan tumingin ang mata niya dahilan para manghang matawa ako. “You know what? Ang gago mo, you are saying all those staff beside your girlfriend.”
Nalipat ang tingin ni Haru sa kaniya, hindi mawari ang reaction ni Soleil habang nakatingin ng deretso kay Haru.
“It's not what you think, Soleil,” mabilis na agap ni Haru.
“I-It's alright. I understand,” bumaba ang tingin niya sa lupa tsaka hinawakan sa kamay si Haru. “I know you love me, right?” doon na hindi naka-tugon si Haru.
“Ha! See? He can't even say those words. Just break him up,” nag salita ako kaya galit na bumaling sa akin ng tingin si Haru.
“Shut up, Nyx! Hindi ka nakakatulong!”
“Hindi naman talaga ako tumutulong, ginigising ko lang sa katotohanan ang girlfriend mo! Nag mahal siya ng gag---”
“I SAID SHUT UP!” galit na galit na siya at pigil ang sarili na masuntok ako.
To be continued!