Excited na nag-eempake si Adelhine sa kaniyang maliit na maleta. Niyaya siya ni Matteo na mag-road trip patungong norte, at sa mga sandaling iyon pa lang ay hindi na matatawaran ang kasiyahan sa kaniyang puso. Espesyal kasi ang byahe nilang iyon dahil kasama nila si Hillary, ang anak nito. Gusto raw nitong makilala niya ang bata. Para na rin tuloy sinabi ng lalaki na sa malao’t madali ay magiging isang pamilya na sila. Na siya ang pinipili nitong maging nanay ng anak nito. That she will be the woman he wanted to spend the rest of his remaining life with. Matapos niyang mailagay ang lahat ng mga gamit niya sa maleta, sakto namang tumunog ang doorbell. Napangiti siya. “Sandali lang!” Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang pinto. Siguro, dapat bigyan na rin niya si Matteo ng spare

