Chapter 51

1684 Words

“Hindi ka ba nahihilo?” tanong ni Miss Anita habang sakay sila ng malaking barko patungong Mindoro. Doon nito naisipang pumunta, dahil isa rin sa dinarayo roon ay ang mga magagandang beach ng lugar. “Hindi naman. Para ngang nagbabyahe lang tayo sa lupa,” sagot niya habang nakatingin sa malawak na karagatan. Hindi pa katirikan ang araw. Maaga kasi silang bumyahe kanina, para daw hindi sila abutin ng dilim sa daan, kung saan man sa lugar sa Mindoro sila pupunta. Naroon sila sa may railing sa gilid mismo ng barko, nakatayo paharap sa kanluran. “Mabuti kung ganoon. At least, alam na ngayon na wala kang sea sickness. Balewala lang sa iyo kahit maalon.” Ngumiti ito sa kaniya. Medyo maalon sa mga sandaling iyon. Bahagya pang sumasayaw ang malaking barkong sinasakyan nila. Inayos muna niya ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD