Sa White Beach nga sila tumuloy ni Miss Anita. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba iyon, pero nagkitang muli sila ni Marco. “I knew it was you.” Napapitlag siya nang may magsalita mula sa kung saan. Naroon siya sa dalampasigan at pinanonood ang paglubog ng haring araw. It was quite a scene. Makapigil hininga ang pagpapalit-palit ng mga kulay sa kalangitan, mula sa asul, ube, dilaw at kahel. Kaya naman kahit pangalawang araw na nila sa lugar na iyon ay hindi pa rin siya nagsasawang pagmasdan ang sunset. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa lugar, bukod sa asul na asul nitong karagatan at ang puting-puting kulay ng buhangin sa dalampasigan. Idagdag pang luntian ang paligid. Fresh, peaceful— quiet. Mga bagay na hinahanap niya sa isang lugar. She already enjoyed a lot of water activi

