Nagpatuloy ang pagiging magkaibigan nina Adelhine at Marco hanggang sa makauwi sila ni Miss Anita sa Maynila. They regularly contacted each other. Nalaman niyang isa pala itong negosyante. Marco owned an IT company in the country. Naka-base ang opisina nito sa Metro Manila pero ang probinsya talaga nito ay Oriental Mindoro— Puerto Galera to be exact Naroon ang ancestral ng mga Felizardo, isa sa mga kinikilalang tao sa lugar dahil sa pagiging politician. Ang kuwento ng lalaki sa kaniya, nagsimula pa raw sa mga ninuno nito ang pagsabak sa pulitika. Kaya naman, hanggang sa mga sandaling iyon, ang mga ito pa rin ang tinitingila sa lugar. Ang ama nito ang mismong punong bayan ng Puerto Galera, kaya hindi kataka-takang saulado nito ang mga pasyalan doon. Marco was a very consistent and persist

