Pagkatapos nilang dalhin sa training hall ang lahat ng ataul ay walang imik silang naglakad ng mga kasamahan niya sa barracks nila. Wala pa rin silang alam kung ano ang totoong nangyari, pero ramdam nilang hindi magtatagal ay may ibababang utos sa kanila. At sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan si Vera. Nasa kalagitnaan na ang grupo nila ng tahimik na paglalakad nang makarinig ng ingay sa himpapawid. Unti-unting bumababa sa kalupaan ang tatlong chopper kasunod ang dalawa pang Ospreys. “This is not good . . .” mahinang komento ni George. “This is war,” wika naman ni Harper na hindi ngumingiti. Sino bang mangingiti sa nangyayari sa mga oras na iyon? They just carried twenty coffins, for Christ’s sake! Ibig sabihin, malala ang sitwasyon ng lugar na pinanggalingan ng mga iyon. “Hurry

