“I hate you! I hate you! Why did you do this?!” umiiyak na wika ni Vera sa kabilang linya nang tawagan ito ni Matteo. May dalawang linggo na siyang nakalipat sa Somalia at noon lang siya nagkaroon ng pagkakataon para tawagan ang babae. Lumalala ang terorismo sa Somalia at ilang beses na agad siyang sumabak sa labanan. Napahagod sa kaniyang mukha si Matteo. “I missed you so much . . .” mahinang sambit niya. Nahihirapan siyang marinig na umiiyak ang babae pero kailangan niyang patatagin ang sarili. “If you really missed me, then come home now. Please . . . I’m begging you.” Sumandal siya sa kinauupuan at tumingala. “You know I can’t. Hindi ako p’wedeng umuwi.” “Bakit hindi? You could simply ask the admiral to send you home.” “No . . . I can’t do that, Vera. It’s against the rules and m

