Gaya ng napag-usapan ni Matteo at ng kaniyang ama, bumalik siya sa Virginia. Hindi talaga siya agad ini-reassign sa ibang lugar. Paraan siguro iyon ng kaniyang ama para hindi mahalata ang gagawin niya. Binigyan pa sila ng assignment na wala namang kahirap-hirap nilang napagtagumpayan ng team niya. After they got back at the naval base and celebrated their successful mission, he received a call. “Master Chief Petty Officer Eversmann, reporting for duty, Sir!” Sumaludo pa siya kahit hindi kaharap ang kausap. Nang marinig ang tugon sa kabilang linya, agad siyang nagbaba ng kamay at pinakinggan ang nagsasalita. “Copy, Sir! Sir, yes, Sir!” Iyon lang at ibinaba na niya ang hawak na telepono. Sinulyapan ni Matteo ang kaniyang team na nagkakasiyahan sa harap ng bonfire sa may tabing dagat.

