Chapter 15

1984 Words

Pinalitan ni Adelhine ng panibagong tubig ang nasa planggana, saka iyon dinalang muli sa silid ng lalaki. Bago siya lumabas, idinaiti pa niya ang palad sa noo nito. Mataas pa rin ang lagnat nito, kaya minabuti niyang lagyan iyon ng basang bimpo. Pagbalik niya sa kusina, naghanap siya ng gamot sa lagnat sa mga cabinet na naroon. Mabuti na lang din at mayroon, dahil hindi niya alam kung saan kukuha o bibili niyon lalo pa at malakas pa rin ang ulan sa labas. Hawak ang gagamot, babalik na sana siyang muli sa silid ni Matteo nang mapatingin sa mga pagkaing nasa lamesa. Napabuntonghininga siya. Inilapag niya ang gamot sa isang tabi saka isa-isang inayos ang mga pagkain at inilagay sa ref. Mas maigi na iyong nagsisigurado kaysa naman masira— sayang lang. Nag-iwan lang siya ng sapat na pagkain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD