Chapter 27

1644 Words

Nabibingi sa katahimikan ng kaniyang opisina si Adelhine. Naninibago siya dahil tanghaling tapat na ay wala pa rin kahit na anino ni Matteo roon. Wala naman siyang alam na may lakad ang lalaki sa araw na iyon, kaya nagtataka siya kung bakit wala pa ito. Kahit wala sa loob ng kompanya nito ang lalaki, palagi naman itong on time kung dumating. Hindi ito ang tipo ng empleyado na kapag walang nakatingin ay nananamantala sa oras. Wala siyang nakitang ganoon sa ugali ng lalaki, maliban sa mga oras na iyon. Napaisip siya. Sandali niya ring sinilip ang schedule nitong nakasulat sa planner na ibinigay sa kaniya, tinitiyak kung tama ang pagkakaalala niya sa mga nakasulat doon. “Tama naman,” aniya sa sarili saka iyon muling isinara. Itinuon niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa at nangalumbaba. Noong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD