Paikot-ikot si Adelhine sa sala ng condo ni Matteo. Kanina pa niya tinatawagan ang kasintahan pero hindi ito sumasagot. She was panicking inside and out. Iyon kasi ang unang beses na hindi nagparamdam ang lalaki sa loob ng mahigit pitong oras. At alas-dos na ng madaling araw sa mga sandaling iyon! She hit the alarm signal that Matteo put inside his condo in case she needed help. Agad namang naglabasan ang mga bodyguard niya. Muntik pang sirain ng mga ito ang pinto sa harap kung hindi niya agad iyon nabuksan. “What’s wrong? Is there an intruder? Where? Are you hurt?” sunod-sunod na tanong ni Jackson, ang lider ng mga naatasang magbantay sa kaniya. Umiling siya. Subalit, halata sa kaniyang kilos at mga mata ang pag-aalala. “Have you heard something about your boss— I mean Harper? Alam ko

