“You called? Why?” bungad ni Matteo pagpasok niya sa sala ng hideout ni Harper. Nakatayo ito sa tabi ng sofa at magkakrus ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. “I have something to tell you,” sagot nito na ngingisi-ngisi. “What?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. Subalit, sa halip na sumagot ay mas lalo pang lumapad ang pagkakangisi nito. “What?” inis niyang ulit sa tanong. “Master!” Nagulat siya nang may dalawang taong dumamba sa kaniya. “F*ck! Bruce! Perry!” masayang wika niya nang makabawi. Parehong nakayakap sa kaniya ang dalawa nang mahigpit. “When did you came?” Isa-isa niyang tiningnan ang dalawa nang kumawala sa pagkakayakap sa kaniya. “A while ago. Long time no see, master!” Malakas siyang tinapik ni Bruce sa balikat. Bahagya siyang napangiwi sa ginawa nito. “Finally!” Binu

