Chapter 36

1755 Words

Napabuntonghinga si Adelhine nang mabalik ang isip niya sa kasalukuyan. Hindi naman sila nagtagal sa bahay ni Matteo. Hinintay lang nitong makatulog ang anak, na ito pa mismo ang nagpakain, saka sila umalis. Nais niya nga sanang mauna na lang umuwi, pero iisa naman ang sasakyang dala nila. Wala ring magagamit ang lalaki paluwas ng Maynila kaya sinarili na lang niya ang balak na iyon. Natitiyak kasi niyang kapag bumukas ang kaniyang bibig, mauuwi lang sila sa pagtatalo at iyon ay iniiwasan niya lalo pa at may iniisip ang lalaki. Ayaw niyang makadagdag pa sa isipin nito. Hindi na rin siya nagtaka o nagtanong pa kung bakit hindi siya nakuhang ipakilala ng lalaki sa anak nito. Siguro, iniisip ni Matteo na may sakit ang bata at baka magulat ito. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit nga ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD