Pagdating nila ng Naga, parehong nakapaskil ang ngiti sa mga labi nila. Another air adventure had happened to them. And Adelhine couldn’t agree anymore that she would never get tired being with Matteo if he will always like that. Iyong tipong walang inaalala na kung ano— just having fun. Maingat siyang inalalayan ni Matteo pababa ng eroplano. Pagkatapos kinuha nito ang mga gamit nila at ito na ang nagbitbit ng mga iyon. Hindi pa niya napigilang mangiti nang hawakan nito ang kaniyang kamay at magkasama silang naglakad patungo sa sasakyan. “Gabi na tayo makakarating sa Manila. Gusto mo ba ako na muna ang magmaneho?” suhestyon niya sa lalaki. Ito na kasi ang naging driver sa buong durasyon ng kanilang byahe, kaya alam niyang pagod na rin ito kahit hindi ito nagsasabi. Idagdag pang hindi nam

