“This will be just quick,” anang tinig na kilalang-kilala ni Adelhine. Napatigil siya sa paghakbang. Alas-dos na iyon ng madaling araw at nagising lang siya dahil nauuhaw. “How quick?” Napakunot ang noo niya nang marinig ang tinig na iyon ng isang babae. Napalingon siya sa isang guestroom na naroon. Bukas doon ang ilaw. “Really quick . . .” Napahakbang siya palapit sa kinaroroonan ng tinig. Nang malapit na siya sa pintuan, nabitin sa ere ang muli niyang paghakbang. “Ohh . . . ! Ah! Hmmm . . .” Nanindig ang kaniyang mga balahibo sa buong katawan. Base pa lang sa mga ungol na iyon ng babae, alam na niya kung ano ang nangyayari sa loob ng guestroom. May isang tinig sa isip niya na pumipigil sa kaniyang huwag ng dumeretso, pero matigas siya. Nagawa pa rin niyang silipin ang ginaga

