Parang ipinako sa kaniyang kinatatayuan si Adelhine habang nakatitig lang sa signage na nasa pintuan. Totoo ba talaga ang nakikita niya o isa na naman iyong pang-tr-trip ng lalaki sa kaniya? Dahil kung trip lang iyon, hindi na siya natutuwa! Naniningkit ang mga matang hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan. Hindi talaga siya papasok sa opisinang iyon hangga’t hindi lumalabas ang lalaki at magpapaliwanag sa kaniya. Sumusobra na kasi ito. Ngunit, may isang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin nalabas si Matteo. Para pa ngang wala talaga itong balak na lumabas. Huminga siya nang malalim at humalukipkip. Nagsimula siyang magbilang. “Ten. Nine. Eight. Seven. Six.” Tumigil siya sandali. Tinitigan niyang maigi ang signage. Baka kasi mali siya ng basa roon kanina. Baka hindi talaga iyon

