Huminga nang malalim si Adlehine bago bumaba ng kaniyang sasakyan. Pinapunta siya ni Matteo sa main office ng H.A.E. sa hindi niya malamang dahilan. Tapos na ang pagiging sekretarya niya rito, pero hindi pa rin tumitigil ang lalaki na magpasulpot-sulpot sa kaniyang opisina. Wala naman itong sinasabing dahilan, basta raw gusto lang nito. Aminin man niya o hindi, gusto rin naman niya na dinadalaw siya ng lalaki. Bukod sa kilig, nag-uumapaw ang puso niya sa galak sa tuwing makikita ito. Hindi man nagsasabi ng totoong nararamdaman nito si Matteo sa kaniya, pero ramdam niyang l-um-evel-up na iyon. Hindi naman niya inaasahang madaling malilimutan ng lalaki ang yumao nitong asawa, pero sapat na sa kaniya ang effort na ipinakikita nito kahit hindi nito sinasabi sa kaniya ang dahilan. Ang malamang

