Nagkaroon ng munting salo-salo para sa mga bagong dating na sundalo. Sa may beach iyon ginanap sa harap ng isang napakalaking bonfire, sinamahan pa ng masiglang kwentuhan, tawanan, tugtugan at kantahan. Maaliwalas ang gabi. Maniningning ang mga bituin at bilog na bilog ang buwan. Tila ba nakikisiya rin ang kalangitan sa nagaganap sa kalupaan. Si Vera, na isa sa mga bagong myembro ng SEAL Team 6 ay naudyukang kumanta. Hindi naman siya tumanggi. Siya pa rin mismo ang naggitara. “Sometimes it’s hard to be a woman Givin’ all your love to just one man You’ll have bad times, and he’ll have good times Doin’ things that you don't understand But if you love him, you'll forgive him Even though he’s hard to understand And if you love him, oh be proud of him Cause after all, he’s just a ma

