“Defense! Defense! Defense!” “Don’t be a baby, Ghost! Blocked her!” “Oh, f*ck, Hunter! Just focus on Scorp.” Kunot-noong napasilip si Matteo sa training ground habang naroon siya sa kaniyang pinakaopisina, katabi ng barracks nila. Nakita niyang naglalaro ng football ang team niya. Kapag wala pa silang misyon, ganoon lang ang unit niya araw-araw— pampalipas oras. Minsan, nag-i-sparing ang mga ito na may kasamang pustahan, ganoon din sa firing, running, swimming at kung ano-ano pang pisikal na gawain na makapag-aalis ng boredom ng mga ito. Ngunit madalas, nasa playground ang lahat at naglalaro ng kung ano-anong ballgames. “You’re too slow for your body, Ghost,” mapang-asar na wika ni Vera kay Bruce habang hawak nito football. Maliksi ang mga paa nito habang panay iwas kay Bruce na humah

