“Hmmm . . . This is perfect. How did you do this? This is the best coffee I’ve ever tasted in my entire life!” anang lalaki sa harapan ni Adelhine. Malapad ang pagkakangiti nito habang sinasamyo ang mabangong aroma ng kapeng hawak-hawak. Natawa siya. “Oh, don’t be so nice to me. You know that I am a terrible cook. And what you are drinking right now is a three-in-one coffee. Iyan lang ang abot ng kakayanan ko na hindi ako ipahihiya,” aniya saka tinungo ang likuran nito. Masuyo niyang minasahe ang pagod nitong mga balikat. “Oh . . . That’s perfect,” mahinang wika nito habang nakapikit ang mga mata. “You should take some rest from time to time. Hindi naman siguro masama iyon lalo na kung may mga tauhan ka namang kikilos para sa iyo,” turan niya at bahagyang sinilip ang mukha nito. Nakangi

