Hindi nagsasalita si Adelhine nang pumasok sa kaniyang silid si Matteo. Hindi nito kasama si Gabby kaya hindi niya mapigilang mailang. “How are you feeling?” tanong nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya habang inaalis ang suot nitong leather jacket. Hindi tuloy niya napigilang mapalunok. Iba ang pakiramdam na hatid ng ginagawa nito sa kaniya. Magkahalong uhaw at pagkasabik. Ipinatong ni Matteo ang jacket nito sa gilid ng kama niya, sa may paanan. Saka ito lumapit sa tabi niya at naupo. Bahagya naman siyang umusod palayo rito dahil ramdam niya, kung hindi niya gagawin iyon, baka hindi na niya mapigilan ang sarili at bigla na lang itong hilahin at kuyumusin ng halik. Ilang araw na ba silang hindi nagkikita mula noong makagaling sila ng Kalibo? Apat? Lima? Pero bakit pakiramdam niya i

