Habang nag-aayos ng sarili niya sa kaniyang condo si Matteo, hindi niya mapigilang isipin si Adelhine at ang mga nangyari sa kanila sa mga nakalipas na araw. He knew she was shocked knowing he had a kid. Hindi man ito nagtatanong pero alam na niya ang tumatakbo sa isipan nito. Adelhine sometimes overthink. Lahat naman ng babae ay ganoon. However, when Adelhine thinks differently about him, para bang gusto niya iyong itama kaagad. Para bang mas gusto niya ang malinis ang konsensya pagdating sa babae. Noong una pa lang ay alam na niyang may kakaiba rito, pero hindi naman niya akalaing unti-unting magbabago ang nararadaman niya. Na siya mismo ang mahuhulog sa sarili niyang patibong. He looked at his naked body in his full-length mirror. May ilang marka roon na nagsisilbing alaala nang k

