Iginala ni Adelhine ang mga mata sa paligid. Katatapos lang nilang mag-dinner sa baba kanina at hindi niya alam na roon din nakatira ang lalaki sa hotel na iyon.
Well, wala naman siyang pakialam kung saan ito nakatira. Hindi na rin siya magtataka kung bakit afford nitong tumira sa ganoong klase ng hotel, dahil ang The Sanctuary ay isang five-star hotel. Maganda naman ang trabaho nito sa H.A.E. at sigurado siyang malaki ang sahod ng isang HR head.
The condo suite they were in was a mixture of earthy and rustic designs. Even the furnitures and appliances complimented the interior decaration. Sinadyang ibagay sa personalidad ng lalaki. Minimalistic din at halatang organized ang lahat. Lahat ng bagay ay nakalagay lang sa dapat na kalagyan, na kapag naiba ng puwesto, tiyak na magugulo ang mundo ng may-ari.
Mas malaki ang sukat niyon kaysa sa condo niya, dahil may dalawa iyong silid at tatlong banyo. May mini kitchen, dining area, laundry area, living room, at balcony. Bukod sa floor to ceiling nitong glass partition patungo sa balcony, na tanaw ang buong ka-Maynilaan, tawag pansin din ang isang napakalaking painting na halos sakupin ang isang parte ng dingding. Hindi siya gaanong mahilig sa arts but she’s appreciative when she sees one.
The said painting was an abstract acrylic painting. The painter used an aqua color pallete kaya naman malamig iyon sa mata. It was like waves in the ocean, calming the mind of anyone who sees it.
“Do you like paintings?” Matteo asked from her behind.
Bahagya siyang napapitlag. Ni hindi niya namalayang naroon na ang lalaki.
“Why are we here?” Instead of answering, she asked.
“Aren’t you want my signature?” sarkastikong sagot nito.
Humalukipkip siya at tuluyang hinarap ang lalaki. “Ikaw na rin ang pipirma? Hindi mo man lang ba sasabihin sa boss mo? I’m sure he will consult that to your legal advisers.”
Umiling ito habang titig na titig sa kaniya. “No. I am the HR head, so what my decision is also the company’s.”
Napalunok siya. Kanina pa nito ginugulo ang sistema niya mula nang makita niya itong palabas ng entrance ng hotel, hanggang sa kumakain na sila. He wasn’t even in his three-piece suit, just semi-formal attire: maroon long sleeves polo shirt, and black denim jeans. He was also wearing a black boots. Muntik pa ngang mapataas ang kaniyang kilay dahil para bang sinadyang maging terno ang mga damit nila sa gabing iyon.
She said to herself before, she wouldn’t let any man affect her anymore. Pero mukhang sa nangyayari sa kaniya, magiging mahirap iyon. At dahil iyon sa lalaking kaharap.
She didn’t know why, but she felt like there’s a strong force pulling her to him. Parang may magnet, na sa tuwing magdidikit ang mga katawan nila, may kakaiba siyang nararamdaman.
“Aren’t you happy about it?” pukaw nito sa kaniyang malalim na pag-iisip. Lumakad ito patungo sa may center table kung saan nakapatong ang folder na naglalaman ng kontrata.
Sumunod siya rito. “I am. Bakit? Hindi ba halata?”
Nilingon siya nito. Bigla namang kumabog ang kaniyang dibdib.
“Why do I feel like you hate this idea? Ayaw mo bang maging investor kami ng inyong kompanya?”
Mabilis siyang umiling. Naupo siya sa sofa kahit hindi pa siya iniimbitahan ng lalaki. Kanina pa kasi nangangatog ang mga tuhod niya. Kaya kung hindi siya mauupo, baka sa sahig siya pulutin.
“I don’t hate anything related to my business. What I do hate is the conditions behind it. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan mong magpanggap sa harap ng mga magulang mo. Mukha naman silang mababait at hindi kagaya ng ibang magulang na ginagawang robot ang mga anak,” puna niya.
“You’re right. My parents are good people that’s why you don’t understand why I am doing this.” Binuklat nito ang folder at naupo sa tabi niya. Umusod siya bahagya dahil halos kumiskis na ang balat nito sa kaniya. Itanaas na kasi ng lalaki ang manggas ng polo nito hanggang braso kaya kitang-kita niya ang mga ugat nito roon.
Napalunok siyang muli. She finds men having veiny arms sexy. Naisip niya, isang malaking pagkakamali ang sumama siya sa condo nito dahil baka ipahiya lang siya ng sarili.
“Are you afraid of me?”
Napatingin siyang bigla sa mukha nito. Titig na titig ito sa kaniya na para bang nanunuot hanggang sa kaloob-looban niya.
“You’re watching me.” Hindi iyon tanong kung hindi kumpirmasyon.
Nakagat niya ang labi. Kanina pa siguro siya pinagmamasdan ng lalaki.
“And what if I am?” naghahamon ang tinig na tanong niya rito. Kaysa magpahalatang apektado siya, idinaan na lang niya ang kabang nadarama sa pagtataray.
“Why?” Hindi pa rin siya nito hinihiwalayan ng tingin. Ni hindi nga yata ito kumukurap.
She swallowed a lump on her throat. “Nothing. Is that wrong?” Siya na ang nag-iwas ng tingin dito. Para kasing nabasa na nito lahat nang nasa sa loob niya sa klase ng pagtitig na ginagawa nito sa kaniya.
“No. You have all the rights to do that. Alam ko namang kahit sino ay hindi ma-r-resist ang itsura ko,” anitong binalingan ang kontratang kanina pa hawak. Walang pagdadalawang-isip na pumirma ito sa dapat na pirmahan.
“Hindi mo man lang ba babasahin?” awat niya rito nang makailang pahina na ito.
“May mga dapat pa ba akong malaman bukod sa kung magkano ang magiging shares ng kompanya namin sa inyo?” hindi lumilingong tanong nito.
Umiling siya. “W-wala naman. Ang sa akin lang, baka magulat ang boss mo.”
“That’s not gonna happen, Miss de Dios. I know what I am doing. My boss won’t question me. And I assure you, I can take full responsibility for my actions.” Diniinan pa nito ang mga katagang binanggit.
Hindi na siya nagsalita pa. Kung ganoon ka-confident ang lalaki, sino pa ba siya para salungatin ito? Hindi naman siya ang makukwestyon kung hindi ito.
“Done.”
Tumingin siya sa folder na hawak nito at ngayo’y iniaabot sa kaniya. Kinuha niya iyon, pero hindi nito kaagad binitawan.
“Don’t forget the condition we have. Kapag hindi ka tumupad, kahit anong oras, babawiin ko ang deal na ito ng mga kompanya natin,” seryosong wika nito.
Napataas ang isang kilay niya. Huli na yata para ipaalala iyon ng lalaki sa kaniya. Nakapirma na ito. Kung hindi man siya tumupad sa usapan nila at ito ang naunang mag-break sa kontrata nila, ito pa rin ang talo. Malaki ang nakalagay na danyos para sa break contract. Katumbas na rin iyon halos ng ninanais nila ni Gabby na investment. At hindi naman siya naging negosyante kung hindi niya alam ang bagay na iyon.
“Huwag kang mag-alala, Mr. Eversmann. I am not that kind of person. Pagdating sa trabaho, hindi ako basta-basta tumatalikod sa tungkulin ko. Alam ko ang nakasalalay sa ginagawa ko. Sana ganoon ka rin,” she taunted.
Nakita niya kung paano naggalawan ang mga ugat sa leeg sa nito. But she definitely won’t back own. Kahit may kaba siyang nadarama, hindi siya magpapaapekto rito.
“Kung ganoon, we have a deal.”
Inilahad niya ang kamay sa harap nito. Siya na ang nauna dahil ganoon naman dapat.
Subalit, nang magsag-op na ang mga palad nila, nagulat na lang siya nang bigla na lang lumapat ang mga labi nito sa kaniya. Sa kabiglaan ay hindi agad siya nakakilos. Namimilog ang mga matang nakatitig lang siya sa lalaki habang para siyang binibingi sa malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib.
The nervousness she felt was mingled with the sweet sensations the man was giving her. It was intoxicating, especially the gentle touch of his lips on hers. Para siyang isang dahon na tinatangay ng mabilis na agos.
Ang nakaawang niyang mga labi ay mas lalo pang napaawang nang bahagya nitong kagatin ang pang-ibabang labi niya. Napasinghap siya nang malakas. It was then that his tongue entered her mouth and explored what’s within.
She closed her eyes. Ni hindi niya napunang kusang pumulupot ang mga kamay niya sa batok nito. Kusa ring gumalaw ang mga labi niya at ginaya ang ginagawa ng lalaki, hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng kaniyang likod sa malambot na sofa’ng kanilang kinauupuan.
They continued kissing each other, their hands busy roaming around each other’s bodies. Adelhine couldn’t help but moan aloud when Matteo was now gently kneading her breast.
Nawala na nang tuluyan sa kaniyang tamang pag-iisip si Adelhine. Her mind was clouded by the bone-melting sensations Matteo made her experince. Ang mga bulong ng paalala sa kaniyang isipan ay naglahong parang bula. Kahit ang mga nasabi na niya noon na hindi siya magpapadala sa lalaki ay tinangay na lang ng hangin.
Walang apoy sa kinaroroonan nila ngunit pakiramdam niya, parehong nagbabaga ang kanilang mga katawan. Ni hindi na niya mahagilap sa isipan kung paano nga ba sila humantong sa ganoong tagpo, basta ang naroon na lang ay ang kakaibang ligayang inihahatid sa kaniya ng lalaki na hindi pa niya nararanasan kahit na kailan, kahit kay—
Mabilis niyang naitulak si Matteo nang may isang imaheng pumasok sa kaniyang isipan. Subalit, hindi man lang ito natinag. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa kahit para na siyang tuod sa ilalim nito.
When he finally realized she wasn’t responding anymore, Matteo stopped and looked her in the eyes.
“Are you scared of what might this lead us? Alam ko, kanina mo pa ito gustong gawin sa akin, pinagbibigyan lang kita.”
Sa halip na sumagot, wala sa sariling umigkas ang sarili niyang palad patungo sa pisngi nito. Pareho silang natigilan nang marinig ang malakas na tunog na nilikha niyon.
Adelhine froze when she saw the emotion in Matteo’s eyes change. Kung kanina nag-aapoy iyon sa pagnanasa, sa mga sandaling iyon ay nagbabaga na iyon sa galit.
Unti-unti itong humarap sa kaniya. “I won’t ask why you do that. However, if you repeat that again, I’ll punish you until you scream for my forgiveness,” he whispered in gritting teeth. Naglagutukan ang mga bagang nito sa pagkakasabi niyon.
Biglang nakaramdam ng takot si Adelhine. Her subconscious mind was telling her to stay away from him, but she didn’t know how. Nakadagan pa rin ang kalahating katawan nito sa kaniya.
“P-please . . . I want to go home.” Iyon na lang ang tangi niyang nasabi.
Mabilis namang umalis sa puwesto nito si Matteo. Tumayo ito at deretsong tinungo ang pintuan. Nagmamadali namang bumangon si Adelhine. Madali niyang sinamsam ang mga gamit, pati na ang folder na naglalaman ng kontrata. Ni hindi na niya nagawang ayusin ang sarili. Tanging ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon ay ang makalayo sa presensya ng lalaki, dahil kanina pa siya parang sinasakal.
Paglabas niya, dere-deretso siyang naglakad patungo sa elevator. She hit the button hard, pero para namang nananadya iyon. She was on the twenty-fifth floor, and the elevator was on the twentieth. Ilang segundo pa ang ipinaghintay niya bago iyon tuluyang bumukas sa kinatatayuan niya.
When she was about to get inside, bigla na lang siyang napahawak sa dibdib nang makita ang reflection niya sa metal na dingding ng elevator. Hindi siya nag-iisa. Matteo was now standing behind her. Walang imik na bahagya siya nitong itinulak papasok sa loob. Para kasing nagkaugat ang mga paa niya sa kinatatayuan
“W-what are you doing?” she asked, almost a whisper.
“Ihahatid ka.” At pagkasabi niyon ay ito na mismo ang pumindot ng palapag kung saan sila baba.