Matteo was frequently looking at his watch. Panay rin ang tingin niya sa entrance ng hotel. Kanina pa siya naghihintay roon pero wala pa rin ang babaeng dapat ay ka-date niya.
He sighed. He glanced at his watch again. Wala pa namang sampung minutong late ang babae, but he still considered it late. Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya, lalo sa ganoon ka-importanteng okasyon.
Tumingin siyang muli sa entrance ng hotel. Napatayo siya nang makita ang babaeng hinihintay. Pakiramdam niya, bumagal sa pag-ikot ang oras. He was holding his breath while staring at her, walking like a model. Para itong nasa runway. Her hips swayed delicately. It was full of elegance and grace.
Nagpalinga-linga ito sa paligid habang hindi naman siya agad lumabas para salubungin ito. He saw her look back. Hindi pa sana siya lalabas, pero naisip niyang baka bigla itong umalis.
He put back his old façade; emotionless— serious. With big strides, he went towards her. Ilang beses pang may napalingon sa kaniya, babae man o lalaki. He knew for sure the reason. Kapuna-puna naman talaga ang magandang tindig niya. He’s a total package when it comes to physical appearance. At kahit hindi niya tingnan ang mga mukha ng mga taong naroon, alam niyang punong-puno iyon ng paghanga sa kaniya.
He stopped two steps away from Adelhine, who he was now facing from behind.
“You’re late.” His baritone voice made her startle.
Lumingon ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang banayad nitong pagsinghap habang titig na titig sa kaniya.
“Ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong na-l-late. You should know that firsthand,” seryosong wika niya.
Napataas ang kilay nito. “At bakit mo naman sinasabi ang bagay na iyan sa akin?”
Siya naman ang nagtaas ng isang kilay. “Because this is not the first time we will be going out.”
“What?!” bulalas nito. Namimilog ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
“What? May mali ba sinabi ko?” sarkastikong tanong niya.
Kumibot ang mga labi nito. “You said it’s a date.” Mahina lang iyon pero narinig naman niya.
“Yeah. I told you it’s a date.” Tumango siya.
“At wala kang sinabi na mauulit ang gabing ito,” she retaliated.
“Well, that’s why I am telling you now. Do you understand?” Para siyang isang propesor sa paaralan na pinangangaralan ang kaniyang estudyante.
“W-why?” Sinabayan nito iyon ng pagkagat sa ibabang labi dahilan para marahas siyang napahugot ng hangin sa dibdib.
F*ck! This woman didn’t know what she was doing to him!
“Because I know you’re a good actress,” sagot niyang pilit pinakakalma ang sarili. But that was hard being that close to her.
“What do you mean? Hindi ko naiintindihan ang sinabi mo.” Nangungunot ang noong tiningnan siya nito.
“Just go on with the flow. Might as well know how to act sweet. At huwag kang magpapahalata sa mga makakasalumuha natin na wala tayong relasyon. That’s the least you should do. Dahil kapag nakahalata sila, wala na rin ang pinapangarap ng kompanya mong kontrata,” banta niya.
Nakita niya kung paano mariing nagdikit ang mga labi nito. He wanted to laugh at that moment, pero magmumukha naman siyang katawa-tawa sa harapan nito.
“That’s unfair!” she hissed. Clearly, she was pissed off.
“That’s fair. Malaki ang magiging kapalit nito, am I right?” Tumaas ang sulok ng kaniyang mga labi.
Hindi ito nakasagot. Halatang may pag-aalinlangan dito, pero halata ring wala na itong pagpipilian pa.
“Kung ganoon,” may iniabot ito sa kaniyang isang folder, “sign it.” Mapaghamon ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
Bigla siyang natigilan. He even blinked twice dahil may kung ano sa isip niya ang bigla na lang sumulpot roon.
“Mr. Eversmann?” untag nito.
Ipinilig niya ang ulo at kinuha ang folder sa kaniya. “I’ll sign this after we meet them,” aniya bago inaaro ang siko rito.
Huminga muna nang malalim ang babae bago kumapit doon. Naramdaman pa niya ang bahagya nitong panginginig sa hindi niya malamang kadahilanan. Kahit siya, dama rin ang kakaibang pintig ng puso na hindi niya maipaliwanag kung bakit. It only happened to him once and that was ages ago. Ngayon lang ulit iyon naulit.
Pumasok sila sa loob ng hotel. Dumaan muna sila sa reception para ihabilin ang kontrata na ikinapagtaka ng babae.
“That’s an important document. Hindi mo—”
“I know. And I trust these people,” he cut off.
Hindi na umimik pa ang babae.
Pagkatapos niyang magbilin sa receptionist, dinala niya ito sa isang restaurant doon. Pagpasok pa lang nila ay madaling na-spot-an ng kaniyang mga mata ang mga i-m-meet nila sa gabing iyon.
Tiningnan niya ang babaeng halos hindi na humihinga sa tabi niya. He leaned to her side.
“Smile . . .”
Napapitlag ito at biglang nanigas ang katawan. Pigil na pigil niya ang matawa sa reaksyon nito.
“They’re my parents so be careful with your words,” babala niya rito.
Kitang-kita niya kung paano ito lumunok bago siya nilingon. Nagtatanong ang mga mata nito.
“Don’t ask. Hindi ka rin makakukuha ng sagot.”
Walang nagawa ang babae kung hindi ang huminga nang malalim. Pagtingin niya sa lamesang kinaroroonan ng mga magulang, malapad siyang ngumiti. Alam niyang nakamasid pa rin sa kaniya ang babae, at sa gilid ng kaniyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkabigla nito.
“Dad! Mom!” masayang wika niya nang makalapit sa mga magulang.
“Son!” Mabilis na tumayo ang kaniyang ama’t ina.
Humalik siya sa ina at yumakap naman siya sa ama.
“I’ve been waiting for this day. You really left us to settle down here,” his father said, a bit sad.
“Dad, how many times did I tell you that I am happy here,” aniya saka binalingan ang ina. “Mom . . .” Para siyang isang batang paslit na umaamot ng simpatya mula rito.
“We are just worried, hijo. Alam mo naman ang iyong ama, hindi mapakali kapag nasa malayo kayo,” wika ng kaniyang ina.
His mom is a Filipina while his father is American. At sa halip na siya ang dumalaw sa mga ito sa America, siya ang binibisita ng mga ito sa Pilipinas; na mariing tinutulan ng mga ito noong panahong sinabi niyang dito na siya mamamalagi.
“I am always worried at my children, Matilde.” Binalingan ito ng kaniyang ama.
Napailing na lang siya. “I’m fine here. You don’t have to worry about me.”
Tinaasan siya ng isang kilay ng ama nang muli siyang balingan nito. However, his gaze went to the woman beside him.
His forehead creased. “You have a companion. May we know her name?” his father asked. Titig na titig ito kay Adelhine.
Napahigpit ang kapit ni Adelhine sa kaniya. “Dad, you’re scaring her.”
Mabilis siyang nilingon ng babae. “I-I am not.” She stuttered.
Napangiti siya bago hinarap ang mga magulang. “This is Adelhine de Dios. Adelhine, meet my father, Benjamin, and my mother, Matilde,” pakilala niya nang balingan muli ang babae.
“N-nice to meet you po.” She kissed her mother and father on both cheeks.
Gusto niyang taasan ng kilay ang ama habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa babae.
“Dad . . .” saway niya rito. He even gave him a warning signal.
Ngumiti ang kaniyang ama. Isang klase ng ngiti na ginagawa nito kapag may malalim itong iniisip at hindi iyon nakaligtas sa kaniya. He knew his father well. At may mga bagay na madalas ay sila lamang dalawa ang nagkakaunawaan.
“Let’s sit down,” yaya ng kaniyang ina sa kanila.
Walang imik na ipinaghila niya ng upuan si Adelhine. Isang mahinang pasasalamat naman ang itinugon nito sa kaniya.
“Let’s order?” tanong niya sa mga kaharap.
Tumango ang mga ito.
Pumili ang kaniyang mga magulang ng gusto ng mga itong kainin, habang si Adelhine ay ipinaubaya sa kaniya ang bagay na iyon.
“So, how are you, hija?” his father asked Adelhine.
Ngumiti rito ang babae. “Fine, Sir. Thank you for asking.”
“How about your work?” he followed through.
“Our company is doing well as of this moment, Sir. In fact, we’re anticipating our new investor this week.” Diniinan talaga ng babae ang salitang investor.
Lihim siyang napailing.
“Oh, really? What kind of business do you do?” Nahihimigan niya sa ama ang pagkakaroon ng interes kay Adelhine at natutuwa naman siya. At least, hindi na siya kukulitin pa ng mga ito sa isang bagay na iniiwasan niya. Ang pag-aasawa.
“Fashion industry, Sir. Me and my friend built our company last year,” Adelhine enthusiatically replied. Pansin niyang kapag tungkol sa kompanya nito ang pinag-uusapan, excited ito.
Napatingin sa kaniya ang ama. “Oh, I see . . .” Tumango-tango ito bago muling binalingan si Adelhine. “The sales must be good if you are expecting new investors now.”
“Yes, Sir.” Parang isang sundalo si Adelhine kung makasagot sa kaniyang ama.
“That’s enough, Ben. Let her breathe from her work for a moment. I’m sure Adelhine would love that. Right, hija?” awat ng kaniyang ina sa ama niya.
Binalingan ng babae ang kaniyang ina. “Wala naman pong problema sa akin. Ayos lang pong pag-usapan natin ang tungkol sa business namin ng kaibigan ko.” Ngumiti ito.
Ginagap ng kaniyang ina ang palad nito. “No, hija. We should talk about you and Matteo. So, kailan ba kayo nagkakilala?”
Napatingin sa kaniya ang babae.
Tumikhim siya. “Actually, last month lang, Mom. We are just getting to know each other,” sagot niya.
“Ganoon ba? And how was my son to you? He’s a bit grumpy sometimes, pero mapagtitiisan naman. Mabait talaga siya,” anang kaniyang ina.
Natawa si Adelhine. “You’re right po. Hindi nga po siya pala-ngiti.”
Tiningnan siya nang masama ng ina. “You should smile from time to time. Hindi naman kita pinalaking may galit sa mundo.”
Magkadikit ang mga labing napalingon sa kaniya si Adelhine. He saw the regret in her eyes. Siguro, nagsisisi itong sinabi pa ang bagay na iyon.
“I’ll take that in mind, Mom,” he said to assure Adelhine even though he didn’t know the reason why. Basta pagdating sa babae, nagbabago agad ang ugali niya.
“Good.” Tumango ang kaniyang ina.
Nagpatuloy ang kanilang usapan. Nakita naman niyang mabilis na nakapag-adjust si Adelhine sa harap ng kaniyang mga magulang. Pakiramdam nga niya, matagal ng magkakilala ang mga ito. And he didn’t notice that he was enjoying that simple family gathering of them. It was like . . . surreal.