Paikot-ikot si Adelhine sa loob ng kaniyang condo. Mag-aalas-singko na pero hindi pa siya nakapipili ng isusuot.
Tumigil siya at pinagmasdan nang matagal ang mga damit na nasa ibabaw ng kaniyang kama. Sinunod niya ang gustong mangyari ng lalaki, pero hindi niya alam kung alin ba roon ang isusuot niya.
“What the f*ck!” Napatalon siya nang makarinig ng pag-doorbell sa labas.
Mabilis niyang tinungo ang main door. Sinilip niya sa peephole kung sino ang naroon.
Nagusot ang mukha niya.
“What are you doing here?” she asked as she opened the door.
Gabby walked in. Dere-deretso itong pumasok sa kwarto niyang nakabukas.
Magkapitbahay lang naman talaga sila. Gabby was occupying the next door to her. Sinadya talaga niyang doon lumipat sa tabi nito para hindi siya mabagot.
“I know you haven’t gotten dressed. At gusto mo ba talagang mahuli ka?” Nanlalaki ang mga matang tiningnan siya nito. Naroon na rin siya sa kaniyang silid.
“Kung hindi na lang kaya ako tumuloy.” Patamad na naupo siya sa gilid ng kaniyang kama.
“What?!” Napalapit sa kaniya si Gabby. Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat bago siya niyugyog nang malakas. “Do you even hear yourself?!” eksaheradong tanong nito.
Inirapan niya ito. “Gusto mo ba talaga akong ibenta?” sarkastikong tanong niya.
“Well, kung para sa kompanya natin, why not? Hindi naman masamang ma-involve ka sa iba. Matagal-tagal na rin naman noong—”
“Fine! Tigilan mo lang ako sa paghahalungkat sa aking nakaraan. At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, tapos na iyon. Ayoko ng balikan pa.” Padabog siyang tumayo.
Ayaw niya sa lahat iyong binabanggit pa ang nakaraan niya. She already moved on. She established herself away from her past life. Ang gusto na lang niya ay kalimutan ang lahat ng nangyari. Isa pa, may mga bagay na sadyang ibinabaon na lang sa limot.
“Ang sa akin lang naman, ikaw na rin ang nagsabi na napaka-hot nitong si Mr. Eversmann. Maano namang bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo? You are free to do that. And, wala ka naman ng ibang choice kung hindi ang pakinggan ako,” paliwanag nito.
Napabuntonghininga siya.
She had no one but Gabby. Matagal na siyang ulila. Ito na lang ang masasandalan niya sa lahat ng pagkakataon.
“Matanda na ako, Gabby, para pagsabihan kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. I escaped from manipulation, right?”
Tiningnan niya ang mga damit. Walang imik namang iniabot nito sa kaniya ang sa alam nito’y mas tama niyang suotin. Kinuha niya iyon bago tumalikod rito. Doon na siya nagpalit sa harap nito mismo, dahil alam niyang hindi siya pagnanasaan ng kaibigan. Sanay na rin silang dalawa sa ganoon.
“Yes, you are old enough to make decisions but sometimes, you still need to listen. Twenty-eight was still a vulnerable age. Kahit pa sabihin mong marami ka ng pinagdaanan sa buhay, hindi mo pa rin masasabing perpekto na ang lahat. Walang ganoon, Adelhine. Walang sino man ang kayang pumerpekto ng buhay,” patuloy na pangangaral nito.
Narating niya ang kinaroroonan sa mga sandaling iyon dahil sa sariling pagsusumikap. Pero may mga pagkakataon sa buhay niya ang alam niyang hindi talaga siya proud. Bukod roon, may mga bagay rin sa isip niya ang naguguluhan siya, isang dahilan kung bakit ganoon kung magsalita si Gabby.
“Let me see,” anito nang makabihis siya.
Ang napili nitong damit ay may manggas na hanggang kalahati ng braso niya. Kulay maroon iyon, V-neck, na hindi naman umabot sa may punong-dibdib niya. The cloth was enough to hide some parts of her skin. Knee-length iyon at draped style ang skirt. Kaya naman naipakita pa rin ang magndang kurba ng kaniyang katawan.
There was nothing on her dress but a ribbon, of enough size, on the side, right above her hip. Kahit sinong makakikita sa kaniya ay mapalilingon dahil mas lumutang doon ang natural niyang ganda.
“He must be right after all. You don’t need to flaunt your skin just to get attention. In fact, kahit yata balutan ka ng sako, lalabas pa rin ang angking ganda mo.”
Inirapan niya ito. “So, you listen to his suggestions?” Sinabi niya rito ang mga komento ni Mr. Eversmann. Tinanggap naman ng kaniyang kaibigan ang kritikong iyon.
“I am. Tama naman ang mga sinabi niya. Even you agreed to that.” Tinungo nito ang lagayan niya ng mga sapatos. Ito na rin ang pumili para sa kaniya. Isang black strappy high-heeled shoes ang ibinigay nito sa kaniya.
“I am curious . . .”
“About what?” Lumuhod ito at tinulungan siyang magsapatos. Kung titingnan, para silang mag-asawang dalawa.
Well, kung naging straight nga lang sana ang kaibigan niya, pinikot na niya ito. Kaso, pareho sila ng type. At kung mababasa nito ang nilalaman ng kaniyang isip, tiyak ma maeeskandalo ito.
“How did you know the owner of H.A.E. Garment Factory?” Tiningnan niya ito nang makatayo.
Ngumiti ito sa kaniya. “I have a lot of connections, dear. And with our business, kailangan alam natin kung sino ang dapat na kapitan,” may pagmamalaking wika nito.
Natatawang naiiling na lang siya. Pagdating sa fashion industry, mas may alam naman talaga ito. Kumbaga sa isang kompaya, isa lamang siyang intern na marami pang dapat na matutunan. Pareho naman sila ni Gabby, pero mas lamang ang kaalaman nito. Kaya marami pa siyang inaaral sa pasikot-sikot ng kanilang negosyo, lalo pa at lumalakas na rin ang demand nila. Pagkatapos nga ng fashion show nila kagabi, marami na agad silang natanggap na orders kahit pa nga mabigat ang natanggap nilang kritiko kay Mr. Eversmann.
Sabi nga ng lalaki, magaganda naman ang designs nila, hindi lang napapanahon ang iba. Pero siguro, magagamit din naman nga iyon kung ang mga customer nila ay pupunta ng ibang bansa. O, puwede namang kapag may special occassions. Puwede rin naman iyon.
“Hindi ko naman kinukwestyon ang kakayahan mo but H.A.E is huge. Global ang pinag-uusapan natin dito,” aniya at naupo sa harap ng kaniyang tokador.
Sinundan siya ni Gabby at nagsimulang ayusan siya. Bukod sa pagiging kaibigan, kasosyo sa trabaho, personal makeup artist niya rin ito at designer. Kaya kahit wala siyang ibang pamilya, si Gabby pa lang, kumpleto na ang mundo niya. Hindi na rin siya naghahangad pa ng ibang makakasama sa buhay. Gabby is enough for her to move on and fight.
“Kaya nga huwag mong aksayahin ang gabing ito. If you need to seduce Mr. Eversmann, do it, please, dear. Ayokong mapunta lahat sa wala ang mga pinaghirapan natin,” anitong bahagya sinipat ang mukha niya. Tinitingnan nito kung pantay ang kaniyang makeup.
Tinampal niya ang kamay nito. “Ibubugaw mo talaga ako? Paano kung mapahamak ako?”
Tumigil ito sa ginagawa at tinitigan siya sa mga mata. “Kung sa ganoon kagwapo naman kita itutulak, sulit na sulit naman, hindi ba? Dahil kung ako ang inalok niyang maging ka-date, baka kagabi pa lang sumama na ako sa kaniya!” nakaingos nitong sagot saka nagpatuloy sa pag-aayos sa kaniya.
“Ang landi mo!” palatak niya.
Natawa naman nang malakas si Gabby. “Ngayon mo lang ba nalaman?” sarkastikong tanong nito.
Napailing na lang siya. “Pero paano nga kung sa halip na magkaroon tayo ng kontrata sa kanila, eh, pumalpak ako?”
“Dear, madali iyang sulosyunan. Maghubad ka sa harap niya,” biro nito.
Muli niya itong hinampas.
“Aw! Gusto mo bang magmukhang katawa-tawa? Kanina ka pa, ha! Ang bigat-bigat pa naman ng kamay mo. Akala mo ba sa payat ng mga palad mong iyan para ka lang humahampas sa hangin? Hindi, ’noh! Daig mo pa ang boxer!” palatak nito.
Lumabi siya. “Sorry . . .”
“Hmmp! Umayos ka, dahil kakalbuhin talaga kita kapag hindi mo napapirma si Mr. Eversmann ngayong gabi!” Dala na rin kasi niya ang kontratang papipirmahan nila.
“Ang imposible ng sinasabi mo. Syempre, kailangan pa iyong pag-aralan ng legal team nila. Para namang hindi mo kilala ang malalaking kompanyang kagaya nila. Metikuloso ang mga iyon pagdating sa mga investment.”
“Alam ko. Ipinaaalala ko lang sa iyo.” Tiningnan nitong muli ang itsura niya. “Done!” maarteng wika nito na tumitikwas pa ang mga daliri habang ibinabalik ang mga ginamit sa harap ng tokador niya.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Kapag si Gabby ang nag-aayos sa kaniya, walang dudang mas lalo siyang gumaganda. Para siyang isang dyosa.
“Ay, may kulang pa pala.” Kinuha nito ang sparynet at nilagyan ang buhok niya. “Hayaan mo lang nakalugay iyan. Mas sexy kang tingnan kapag ganiya.”
Napangiti siya. Ibang level din ang confidence ng kaniyang kaibigan pagdating sa kaniya. Para bang hinding-hindi iyon matitibag.
Tumayo siya at kinuha ang purse bago hinarap si Gabby.
“Perfect!” pumapalakpak na wika nito sabay tingin sa orasan. “Gosh! Mahuhuli ka na! Let’s go.” Hindi magkaintindihang nauna pa itong lumabas sa kaniya.
Hindi naman kalayuan sa condo nila SA The Sanctuary Hotel, kaya nagpresinta itong ihahatid siya. Kadadala lang niya sa casa ng kotse niya kanina kaya wala siyang sasakyan.
“Don’t forget to smile all the time, okay?” anito habang nakatingin sa dinaraanan nila.
Napairap siya. “Ilang beses mo bang sasabihin sa akin iyan?”
“Kahit ilang beses para matandaan mo,” asar na wika nito.
“Hayaan mo, lahat naman ng bilin mo tinandaan ko maliban sa isa.”
“At ano iyon?” Sandali siya nitong nilingon bago itinutok muli ang mga mata sa daan.
“Ang maghubad sa harap ni Mr. Eversmann.”
Nagulat na lang siya nang tumawa nang malakas si Gabby. Tawang lalong nagpainis sa kaniya.
Alam niyang nagbibiro lang si Gabby kanina, pero hindi pa rin mawaglit sa isipan niya na baka nga maging posibleng mangyari iyon. Dahil kung gagawin ni Gabby ang lahat para sa kompanya nila, ganoon din siya.
Subalit, ang tanong, kaya nga ba niya?