The man in front of her had a bit darker skin, but not too dark. Pero halata ritong may ibang lahing nananalaytay sa mga ugat. His almond-shaped eyes, same with his skin color, were the darkest she had ever seen. Charcoal black. Medyo makapal ang mga labi nitong mapupula, matangos ang ilong, may pagkapangahan, at hindi mo aakalaing kulot ang buhok dahil naka-army cut ito.
He had a good stance. His broad physique showed that he could fight any battle and no doubt that he would win. He was wearing thick eyeglasses that gave him a mystery look, but it didn’t hinder the fact that the man in front of her was the real definition of a demi-God.
Gosh!
“You need something?” he asked.
In an instant, she closed her eyes. His baritone voice was lingering in her ears. It sounds like music. Noon lang siya nakarinig ng ganoon ka-sexy na boses.
“Miss . . . ?” untag nito.
Napapitlag si Adelhine. Sa isip ay ilang beses na pinagalitan ang sarili dahil sa pagiging apektado sa presensya ng lalaki. And she was embarrassed, not just to man in front of her, but also to herself.
Gather yourself!
Tumikhim siya, inalis ang kung aumang emosyong nakalarawan sa kaniyang mukha. What was left there was a sweet smile. She needed to do that kung ito talaga ang investor nila.
“Hi! I’m Adelhine de Dios. If I am not mistaken, you are the one we’ve been waiting for.” Inilahad niya ang kamay sa harapan nito.
Tiningnan iyon ng lalaki, matagal na para bang sinusuri kung may mikrobyo ba o wala siyang dala.
Lihim na napataas ang sulok ng kaniyang labi. May pagka-oozy pa yata ito.
He extended his arm and shook her hand. Kung gaano kabilis iyon, ganoon din kabilis gumapang ang kung anong init na nagmumula sa palad nito patungo sa kaniya.
Kinabahan siya. Kung para saan, hindi niya alam.
“Representative lang ako ng H.A.E,” anito.
Magkahalong gulat at pagkadismaya ang naramdaman niya sa narinig. Gulat dahil malaking kompanya ang H.A.E; tinitingala sa kanilang industriya. And dismay because she was trying her best to impress him, pero representative lang pala ito. Ano’ng mapapala niya rito?
Kung sabagay, nakapagtataka rin naman nga na ang isang kagaya nito ay nasa linya ng industriya nila. Madalas sa mga lalaking nasa fashion industry ay hindi naman talaga lalaki. Pusong babae rin ang mga ito.
She secretly surveyed him from head to toe. Para namang walang dahilan na maging binabae ito. Malabo dahil namumutok ang kung anong nakatago sa pagitan ng mga binti nito.
“Tapos ka na?” sarkatiskong tanong nito.
Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Hindi niya napansing alam nito ang ginagawa niya. Huling-huli siya, pero nagawa niyang itago ang pagkapahiya sa ikalawang pagkakataon.
Ngumiti siya rito. “Sorry. But do you want anything to drink? Matagal pa matatapos ang fashion show, baka lang mainip ka,” alok niya habang pilit pinatatatag ang tinig.
Hindi rin naman niya ito puwedeng balewalain. Kahit representative lang ito, alam niyang kailangan pa rin niyang pakiharapan ito nang maayos. She should threat him like a VVIP para naman wala itong maireklamo pagdating sa pakikitungo niya sa tao. It’s part of being a business owner.
“No. I’m fine,” he declined while staring at the stage.
“May I know your position in your company?” pagbubukas niya ng usapan. Tumabi siya rito at pinanood rin ang isa-isang paglabas ng mga modelo sa likod ng stage.
“Head of HR,” tipid nitong sagot.
Napakunot ang noo niya.
Bakit naman head ng HR ang ipinadala roon ng amo nito? Marami namang puwede pero bakit ito pa? Ano namang magagawa ng isang HR head sa ganoong klaseng transaksyon?
Bahagya siyang nakadama ng inis. Minamaliit ba sila ng amo ng lalaki? Iyon ba ang dahilan?
Subalit kahit ano pa ang isipin niya, kailangan pa rin niyang ma-impress ang lalaki. Dahil kapag hindi iyon nangyari, malilintikan siya kay Gabby.
“How do you find our new designs?” tanong niya. Siguro naman kahit papaano, may alam ito sa fashion.
Nagkibit ito ng mga balikat. “Nothing really impress me,” sagot nito na lalong ikinakulo ng dugo niya.
Gusto niyang sumigaw. Ang kaninang paghangang nadarama niya sa lalaki ay tuluyan ng naglaho.
Ano’ng karapatan nitong sabihin ang ganoong bagay?
Subalit, naalala niya rin ang sinabi ni Gabby kanina; na mahirap i-impress ang may-ari. Pero hindi naman ang lalaki ang totoong investor nila for Christ’s sake!
“Do you have any background on fashion designing?” Sa inis niya, iyon ang lumabas sa bibig niya. Pinilit naman niyang huwag maging sarkastiko ang dating, para hindi nito mahalata ang nadarama niya.
“Well, if I am?” Naghahamon ang mga matang tinitigan siya nito.
Hindi niya napigilang magtaas ng isang kilay, bago ngumiti. “Then, why don’t you share your knowledge with me. Siguro naman may mga suggestion ka para sa ikagaganda ng mga design namin ngayon.”
Sandali itong nag-isip. Tila kinakalkula pa nito kung ibibigay ba nito ang opinyon sa kaniya.
“Common! Hindi naman siguro masama ang sinasabi ko. If your boss will invest to our company, then, we should share some knowledge, right?” pangungumbinsi pa niya rito.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Eh, paano kung hindi matuloy? Paano kung sabihin ko sa boss ko na ayoko sa mga design niyo? Wala ka ng magagawa roon, hindi ba?”
Mahigpit na ikinuyom ni Adelhine ang kaniyang mga kamao. Gustong-gusto na talaga niyang patulan ang lalaki, pero matinding pagpipigil ang ginagawa niya sa sarili. Ayaw niyang mapahiya, lalong ayaw niyang dungisan ang magandang pangalan ng kanilang kompanya.
“Well, Mr . . . What’s your name by the way?” Kanina pa siya nakikipag-usap dito, hindi pa pala niya alam ang pangalan nito. To the point na tumataas na ang presyon niya sa mga naririnig mula sa mga labi nito!
“Matteo Eversmann.”
“Oh, well, Mr. Eversmann. Sisiguraduhin ko naman sa iyong mapapapirma namin kayo ng kontrata. Hindi kami basta-basta sumusuko,” taas-noong wika niya sa lalaki.
“Talaga?” Tumingin ito sa entablado. Pinagmasdan nito ang mga lumalabas na modelo. “Your clothing line is for women, for teenagers and up. There should be a specific spot and design for those ages. Like that one.” Itinuro nito ang papalabas na modelo. “That’s for an adult woman. The design is good. There’s a touch of elegance on it and I like the ruffles. Bagay nga siya sa target market ninyo. But what I don’t like is the sleeves. Philippines has only two types of weather. And it’s summer season. Sa palagay mo, may bibili niyan when you put it on the market?” Nilingon siya nito. Napatango naman siya at naintindihan agad ang sinasabi ng lalaki.
“Do you see now why I am not impressed? You are targeting the Philippine market, to be exact, the Philippine fashion industry, so your designs should be aligned to what kind of weather we have here. Iyon naman talaga ang numero unong dapat nating tingnan aside from the trend, because we want the best for our customers. We want them to be comfortable with their clothes. Na kapag isinuot nila ang produkto, alam nilang hindi sila ipahihiya niyon at mas makadadagdag sa kanilang self-confidence.
The elements should be balanced, you know. The likes of the customers, the trend, the weather, and the service. Doon mo malalaman kung talaga bang epektibo ang mga produktong ibinebenta ninyo. I also noticed the texture of the cloth your company used. Ang iba ay mainit sa katawan. So, kung ako ang customer, bibili pa ba ako ng damit na hindi naman ako komportable? Syempre, hindi.”
Nawalan ng imik si Adelhine. Truly, the man beside her knows his place. And she’s impressed. Talagang napansin nito kung ano ang kalalabasan ng collection nila.
Muling bumalik ang paghanga niya rito. At napuna niyang mas nagiging madaldal ito kapag ganoon ang usapan. Para bang excited itong ibahagi ang nalalaman sa kaniya, o baka naman guni-guni niya lang iyon?
Ipinilig niya ang ulo. Kahit ano pa ang dahilan nito, ang importante, nalaman niya ang mga dapat malaman. Akala pa nga niya kanina mapapanisan na siya ng laway.
“I will take that in mind. Thank you for that critique. Hayaan mo, sasabihin ko kay Gabby ang lahat ng sinabi mo.” Totoo iyon. Hindi naman sarado ang isipan ng kaniyang kaibigan sa mga posibilidad. Baguhan pa lang din naman ito sa industriya kaya marami pa itong inaaral. Mas matutuwa pa si Gabby kapag ganoong may nagsasabi rito kung ano ang dapat at hindi dapat gawin.
“Please do. Para din ito sa kompanya ninyo.” Namulsa ito.
“So, are gonna tell your boss that we are going to sign the contract?”
Tumingin ito sa kaniya. Kahit nakasalamin, para bang nanunuot hanggang sa kaloob-looban niya ang mga titig nito. Bigla tuloy siyang nailang.
“W-what?” Wala sa loob na napahawak siya sa kabilang braso.
“Alright.”
“A-alright what?” she faltered. Bakit ba kinakabahan siya?
“We will invest to your company on one condition . . .”
Unti-unting nangunot ang noo niya. “What do you mean?”
“Tell me first, are you willing to agree?” mahinahong tanong nito na para bang ang dali-dali lang ng gusto nitong ipagawa sa kaniya.
“Papaano naman ako papayag kung wala pa ang kondisyon mo? Paano kung ikapahamak ko iyon? O, ’di kaya ng kompanya namin? Sasagutin ba iyon ng boss mo? At isa pa, bakit ikaw ang nagbibigay ng kondisyon?” Parang armalite ang bibig niya sa walang-humpay na pagtatanong dito.
Tumaas ang sulok ng labi nito. “You could say no now. That’s so simple,” anito.
Naningkit ang kaniyang mga mata. Hinahamon ba talaga siya ng lalaki?
“Are you mad at me?” he asked.
“No! Why would I be?” Sinabayan pa niya iyon ng pag-iling. Pinatatag din niya ang tinig.
“Then, why do you look like that?”
“Well, it’s just that I don’t really understand why we need a condition,” she hissed. Kahit mapikon ito wala na siyang pakialam pa.
Natawa ito, sarkastiko nga lang. “Because this is business.”
“How could you say that this is business?” Diniinan pa niya ang huling salita. Kung may malapit na audience sa kanila, napagkamalan na silang nag-aaway. Pero totoo namang nag-aaway sila.
Nagkibit ito ng mga balikat. “Alright. Madali akong kausap. Goodbye, Miss de Dios,” anito sabay talikod.
“What?!” Natutop niya ang bibig. May ilang taong napalingon sa kanila dahil sa lakas ng kaniyang tinig. Kung hindi niya pipigilan ang sarili, maeeskandalo ang gabing iyon at tiyak na magagalit si Gabby.
Sh*t!
“Wait, Mr. Eversmann! Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari,” hindi na nag-iisip na wika niya habang nakasunod rito. Sa laki ng mga hakbang nito, halos matapilok na siya.
“Good!”
Muntikan na siyang masubsob nang bigla itong tumigil at humarap sa kaniya. Sa bilis ng pangyayari, natagpuan na lang niyang yakap-yakap siya nito.
“You’re a good actress, you know? And I like it.” Tumaas ang kamay nito pahaplos sa pisngi niya.
Napapikit siya kasabay ng marahas na paghugot ng hangin sa dibdib. Hindi niya inaasahang gagawin iyon nito.
“Meet me at The Sanctuary Hotel tomorrow, six o’clock. Wear a formal dress, but not like what you are wearing tonight.” Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang hinuhubaran siya nito. Tumagal pa ang mga mata nito sa puno ng kaniyang dibdib na kita sa suot niya.
He looked straight into her eyes then leaned forward. “I want you to look conservative, but not too much. Just enough skin to flaunt dahil hindi mo na kailangan pang ipakita ang lahat sa hubog pa lang ng katawan mo,” bulong nito sa may punong tenga niya.
Nanindig ang kaniyang mga balahibo. Kakaiba kasi ang dating ng init ng hininga nito sa kaniya. Nakapapaso!
Mabilis siyang lumayo sa lalaki at inayos ang sarili. “W-what will I become then?” she asked confidently even though she’s shaking inside. Wala na talaga iyong atrasan.
Para sa kompanya, bulong niya sa sarili.
“A date.”
Hindi na siya nakaimik pa nang bigla itong tumalikod at naglakad palayo. Inihatid niya na lang ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Sandali siyang napatitig sa kawalan. Binalikan niya sa isip ang naganap.
“What did I just do?” confused, she asked herself.