Chapter 15- Set Up

1364 Words
Keena Midterm week ngayon kung kaya't todo silip ako sa notes ko bago pa man magsimula ang exam. Pagkatapos nga ng masayang kaganapan no'ng Intramurals ay heto na naman at back to reality na naman sa academics. Sa katunayan, pinaghandaan ko talaga ang araw na ito kaya naman nasagutan ko ang lahat ng tanong sa questionnaire. "Job well done, so goodluck to all of you, students.." sabi ni Mrs. Tan. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na mga subject. Kahit medyo nakakatuyo ng utak ay may tiwala naman ako sa mga naging sagot ko. After ng exam, dumiretso na ako sa locker room para kuhain ang bag ko, bawal kasi sa araw ng exam ang may dalang bag sa loob ng classroom. Sa pagkuha ko pa lang ng aking bag ay nabigla ako dahil may sumamang papel at dali-dali iyong nilipad sa sahig. Agad ko naman iyong pinulot. Pagkatingin ko ay printed ang nakasulat. Kaya hindi agad ako nagkaroon ng ideya kung sinuman ang nagpadala nitong sulat. Nang basahin ko 'yon ay tila namilog ang mga mata ko nang makita kung sino ang nagpadala niyon. "Pumunta ka sa may rooftop, may sasabihin ako. Hihintayin kita." -Vincent. Bahagyang napakunot ang noo ko at napag-isip-isip na, "Oo nga pala, bakit hindi ko nakita ngayon si Vincent? Saka, gaano ba ka-importante 'yung sasabihin niya at bakit hindi na lang niya itinext sa'kin?" Napabuntong hininga ako at sinabi na lang na, "Hmm, siguro nga gusto niya lang munang i-sikreto." Ngayon ko lang naisip na mahilig din pala siyang magpa-excite, hah? Bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement, hindi ko alam kung bakit. Dahil sa excitement ay nagmadali na akong kumain sa canteen bago pa umakyat sa may rooftop. Chineck ko pa 'yung phone ko kung may text siya dahil siguradong naghihintay na 'yon ngayon, pero nakapagtataka dahil wala naman siyang text kahit isa. Bago pa ako makaakyat ay nakasalubong ko sina Krisha, Michael, Dave, Philip at Jake. "Hi, Keena!" pagbati nilang lahat pagkatapos ay nagbeso naman kami ni Krisha. "Hello, guys!" ganting pagbati ko rin. "Oh, mukhang kumpleto ang Music Club ah!" puna ni Philip. Dahilan para magtawanan kami. "Teka, saan ka pala pupunta, Keena?" tanong ni Krisha. "Ah sa may rooftop." "Ah. Sige una na kami, hah? Nagutom kasi kami sa exam, e," pagpapaalam ni Krisha. "Sige.. ingat kayo." "Bye, Keena!" sabay-sabay nilang sabi. Ang babait talaga nila sa akin kahit kailan lang kami nagkakilala sa isa't isa. Napangiti na lang ako sa isiping iyon. Pagkaakyat ko sa rooftop, nagtaka ako dahil tahimik. Dahil siguro sa oras na nasa classroom ang halos lahat ng mga estudyante habang 'yung iba naman ay nasa canteen para kumain. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong lalaki, halos kasingtangkad lang din ni Vincent. Kaya sa tingin ko ay siya iyon. Pero hindi pa rin ako sigurado dahil natatakpan ng dilim ang kalahating parte ng mukha niya. Isa pa ay wala na ring liwanag sa paligid dahil kalulubog lang ng araw. Patay pa naman ang mga ilaw sa kabuuan ng rooftop kaya malabo talagang mamukhaan ko ang lalaking iyon. "Sandali, siya na kaya 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Lumapit pa ako para makita ko nang mabuti kung sino ang taong nakikita ko. Sa bawat paghakbang ng mga paa ko ay dinig na dinig iyon kaya naman napalingon siya. At sa paglingon niya ay muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko nang makita ko kung sino siya. "Lithian?" "Keena?" Halos sabay pa naming pagkakasabi. "Bakit nandito ka?" sabay na naman naming sabi. Hawak niya ba ang isip ko? Nasaan ba kasi si Vincent? Nagkaroon nang saglit na katahimikan. "Ah, ano kasi--" natigilan kong sabi. "Sinusundan mo 'ko, 'no?" nakangisi niyang sabi. "Ha? Hindi, hah, hinihintay ko rito si Vincent," sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Napatingin naman ako nang bigla siyang natawa. "Oh, bakit, anong nakakatawa?" "Paano naman pupunta rito si Vincent, e, absent siya ngayon at masamâ ang pakiramdam niya." What the? Wait ah, so it means sinet up niya ko? Doo'y biglang sumamâ ang tingin ko sa kaniya sa pag-aakalang siya ang nag-set up sa akin. At hindi na ako nagpaliguy-ligoy pang nagtanong sa kaniya. "Lithian, umamin ka nga sa'kin, sinet up mo ba 'to?" Natigilan siya sa itinanong ko. "What? Bakit ko naman gagawin 'yon, ha?" "E, kung gano'n, sinong may gawa nito?" Napatitig siya sa ipinakita ko sa kaniyang papel na nakita ko kanina sa may locker ko para hindi na humaba pa ang usapan. At nang mabasa niya 'yon ay napangisi lang siya. Magagalit na sana ako ang kaso-- "Aba, malay ko! Baka may nag-set up sa'yo?" "P'wede ba 'wag mo nang ilihis sa iba ang usapan. At saka sino naman ang gagawa nito sa'kin, e, ikaw lang naman ang nadatnan kong tao rito, e. Bakit kasi hindi ka na lang umamin?" Wala akong narinig na sagot sa kaniya. Sa kabila ng nangingibabaw na katahimikan sa pagitan namin ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. Hay, mabuti pang makaalis na lang. Wala akong mapapala sa kausap ko. Kaya nagtungo ako sa may pinto at binuksan iyon. Buong akala ko ay mahigpit lang 'yung pagkaka-lock ko per, shemay! "Bakit naka-lock?" sigaw ko habang pinipilit na mabuksan iyon. Doo'y naramdaman kong agad siyang lumapit sa direksyon ko at nakitulong na rin siya sa pagbukas ng pinto. Pilit naming itinutulak 'yung pinto at paulit-ulit kong ginagalaw ang door knob dahil baka sakaling mabuksan ito. Sigaw din ako ng sigaw pero wala man lang nakakarinig. Sa labis na pagkabigo ay napaupo na lamang ako sa likod ng pinto ng gate habang umiiyak. "Maniwala ka sa'kin, Keena, hindi ko pinagplanuhan 'to, nagpunta lang ako rito sa rooftop kasi gusto ko munang mapag-isa.." Hindi ko siya pinansin. Chineck ko 'yung phone ko pero lowbat na pala. Nakakainis! Hanggang sumapit na lang ang takip silim at wala pa rin nagpupunta rito sa rooftop para pagbuksan kami. Gusto ko nang umuwi dahil siguradong nag-aalala na 'yon si Mama. Nang sandaling iyon ay hindi ko napigilang pagmasdan si Lithian, tahimik lang siya habang malayo ang tingin at parang may iniisip. Nilakasan ko na ang loob ko para magtanong. "Lithian, may load ka ba? Na-lowbat kasi ang phone ko, e." "Lowbat din ako." Hay. Ano ba yan, trip ba kami ng tadhana? Okay pa sana kung si Vincent 'yung kasama ko ngayon, e. Teka, kumusta na kaya siya? Habang lumilipas ang oras, lumalamig din sa buong paligid nitong rooftop. Dahilan kaya nangangatog na ako sa lamig. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tahimik na nagdasal. Pero nabigla na lang ako nang biglang uminit. Pagdilat ng mga mata ko ay hindi ko inasahan na nasa harapan ko na pala si Lithian. Magsasalita pa lamang ako nang inunahan niya na ko. "Pinahiram ko muna sa'yo 'yung jacket ko, lamig na lamig ka na, e." May pagka-gentleman naman pala siya, e. "Ah.. salamat." Ngumiti lang siya bilang sagot. "Alam mo wala tayong magagawa kahit sumigaw pa tayo rito, lumalalim na ang gabi, for sure ay tatamarin nang mag-ikot ang mga guards dito." "So anong ibig mong sabihin? Dito tayo matutulog?" "Sa tingin mo ba ay gusto kitang kasama rito?" Ah gano'n.. tanong ko, tanong din ang sagot. Sa inis ay hindi ko na lang siya pinansin. Magkatabi lang kami pero walang imikan. Pero, shemay! lalong lumamig. Dala na rin siguro ng lamig pag magpapasko na. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. "Hayaan mong yakapin na muna kita ngayon.." At ewan ko ba kung bakit hinahayaan ko na ganito ang posisyon namin ngayon. Magkayakap kami. Dinig na dinig ko maski ang paghinga niya. Pero infairness, effective nga, hindi na ako masyadong nilamig. Nang sandaling iyon ay biglang nagtama ang mga mata namin. Ang lapit-lapit na lang ng distansya ng mga mukha namin. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin. "Lithian, bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Naiilang kasi ako sa totoo lang. "Huwag ka nang umangal p'wede?" Ayan na naman siya sa kasungitan niya. Edi hayaan! Halos isang oras din kami sa ganoong posisyon nang biglang bumukas 'yung pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD