Stephen
Mabilis kumalat sa buong campus ang break up namin ni Morisette. Ewan ko ba kung bakit bigla ko siyang naisipan iwan, but I guess, tama na rin 'yon para hindi na madagdagan pa ang kalokohan ko sa kaniya. Ayoko na siyang saktan pa.
Hindi na muna ako pumasok ngayon para iwas tsismis sa school. Ang daming pakialamero't pakialamera, e.
Pasaway din 'yung kakambal ko na si Vincent, tinutukso pa ako na balikan si Morisette. Pero para saan pa? Hiyang-hiya na nga ako sa ginawa ko, e.
Paano ba naman.. hanggang ngayon ay konsensya ko pa rin 'yung nangyari no'ng Intramurals Day.
After ng game namin ay dumiretso ako sa may dressing room para magpalit ng damit. Pawis na pawis na kasi ako. Pero naagaw ang atensyon ko nang muli kong makita 'yung babaeng nakilala ko sa bar. At hindi ko pa siya muling makikita kung hindi ko pa nalaman na isa siya sa mga candidates ng muse sa campus namin. Shete ang ganda-ganda niya.
Halos malaglag ang panga ko nang lumapit siya sa akin.
"Stephen?"
"Ah-- o-oo ako nga," nauutal kong sabi. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko ang gabing iyon na nagkasama kaming dalawa.
"What a small world. Akalain mo 'yon? Schoolmate pala tayo? What a coincidence." Hindi niya napigilang matawa.
Habang ako naman ay napatitig lamang sa sobrang ganda niya.
Maganda rin naman si Morisette, e pero 'yung dating ng babaeng ito sa akin ay kakaiba.
At dahil ayoko nang magpaliguy-ligoy pa, gusto kong samantalahin ang pagkakataon na 'to para ayain siya.
"Tutal ay nagkita na ulit tayo, can I go out with you?"
Bahagya siyang natawa. "You wanna drink?" pagbabalik niya ng tanong.
Of course, I had to say no. Pero naknang p*tcha!Hindi ko talaga maiwasang matameme sa ganda niya.
Napapangiti lamang siya habang mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Pero hindi na ako nakahindi pa sa sumunod na ginawa niya.
"O, I have an idea!"
Bigla na niya lang akong hinila papaalis doon.
Hindi ko alam pero hinayaan ko na lang ang sarili ko na hawakan niya ang kamay ko.
Pero huli na ang lahat nang makita ko si Morisette na umiiyak sa isang cubicle habang nakatingin lang sa amin.
How rude I am? Hays. Pero hindi naman ako g*go para balewalain na lang ang nararamdaman niya. Nang huminto kami sa isang food stall ay sandali akong nagpaalam sa kaniya.
"Beatrice, wait lang, hah? Wait mo na lang ako sa may parking lot.." She smiled and nod to me.
"Okay, pakibilis lang ng kaunti, dahil mainipin ako."
"Of course." I smiled widely. Pero sa kaibuturan ng puso ko ay hindi ko maiwasang magdalawang isip kung tama ba 'tong ginagawa ko habang nasasaktan si Morisette?
Pumunta na ako sa direksyon ni Morisette. Handa na ako sa masasakit na salitang p'wede niyang bitawan sa akin.
Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay sinalubong niya na ako ng malakas na sampal.
"How dare you para harap-harapan akong lokohin?"
Hindi na ko nakasagot dahil alam ko naman sa sarili ko na mali 'yung ginawa ko.
"Babe, I'm sorry.."
"Tss. Sorry? Diyan ka naman magaling, e. Alam mo, Stephen, nagtiis ako, nagbulag-bulagan.. akala ko kasi ay maa-appreciate mo lahat 'yun pero hindi pala.. dahil niloko mo pa rin ako mismo sa harap ko," sabi niya habang umiiyak.
Pinunasan ko ang luha niya sa kaniyang mga mata na patuloy pa rin na umaagos.
Ang gago ko lang. Kaya napagdesisyunan ko ang isang bagay na parang napakadali lang para sa akin.
"Babe, I'm sorry." Magsasalita na sana siya pero natigilan siya sa huling sinabi ko. "I'm breaking up with you.." Nakita ko ang katanungan sa mga mata niya.
"Bakit Stephen, hah?" Napahawak lang siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay. "Ang sakit-sakit," dagdag niya pa.
"I'm really sorry, but I think, mas lalo lang kitang masasaktan kung ipagpapatuloy pa natin 'to," sabi kong muli.
"Sabi na, e. Gano'n lang kadali sa'yo na iwanan ako." Ilang beses siyang napatango bago niya matapang na sinabi ang mga katagang, "Umalis ka na bago pa kung anong magawa ko sa'yo!"
"Babe.."
"I said, umalis ka na!"
Wala akong ibang nagawa kundi ang iwan siya habang umiiyak.
Hay Morisette, I'm really sorry.
As usual, dinala ako ni Beatrice sa bar. Tamang-tama dahil gustung-gusto ko talagang uminom, at siyempre no'ng nagkatama na kaming dalawa, biglang nag-init ang katawan namin at hindi na namin maiwasan na mag-one night stand sa isang motel. Fvckshit, kung sinuswerte nga naman. Pero hindi lang 'yon 'yung ikinabigla ko ng araw na 'yon.. Kundi ang katotohanan na..
She's still a virgin.
Back to reality. At dahil midterm na bukas, naisipan ko na lang na mag-review. Pero shete, walang pumapasok sa isip ko kundi 'yung nangyari no'ng isang araw. Goodluck na lang talaga sa'kin kung may maisagot ako sa exam!
Oh, Beatrice.
Bakit ba simula nang may mangyari sa amin, palagi na lang siyang gumugulo sa isipan ko?
Kumusta na kaya siya?
Sinubukan kong i-dial 'yung number niya pero hindi niya ito sinasagot.
--
Beatrice
Tulala pa rin ako, matapos 'yung gabing nangyari sa amin ni Stephen. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto no'n sa'kin at hindi maalis sa isip ko. Ang masaklap pa, siya ang nakauna sa akin.
Paano na lang kapag nabuntis ako?
Karapat-dapat pa ba ako kay Lithian?
Sinabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa katangahan na nagawa ko. But honestly, nalasing lang kami, nadala sa tawag ng katawan, pero walang pagmamahal na namagitan doon.
Ang tanga-tanga ko.
Tumatawag siya nang tumatawag pero hindi ko sinasagot.
Ayoko muna siyang makausap after nang nangyari. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kaniya.
Pero hindi dapat ako magpaapekto, life must go on. Kakalimutan ko na lang 'yung nangyari. Siguro ay hindi rin naman big deal sa kaniya iyon, since, isa lang din naman ako sa listahan ng mga babae niya.
Nakalimutan ko na si Beatrice Guillermo nga pala ako, palaban at hindi madaling masaktan.
Hindi ako pumasok ngayon dahil nag-aaral akong mag-bake ng cookies. Wala, e, nag-shift pa kasi ako ng course para lang kay Lithian. Damn him, pinapahirapan pa 'ko, e, sa akin pa rin naman siya babalik.
Habang hinihintay ko na maluto ang cookies sa oven, ay nagre-review ako para sa exam bukas. Midterm week na kasi. Makalipas lang ang ilang minuto ay naluto na rin ang cookies.
"Perfect!" masayang pagkakasabi ko. At dahil mag-isa lang ako rito sa condo, ay ako lang ang mag-isang titikim nito. Nakakabaliw din pala mag-isa. Nasa ibang bansa kasi sina Mommy at Daddy para sa business nila.
"Bukas na bukas ay ibibigay ko ito kay Lithian!" na-e-excite ko pang sabi.
Now playing: [Maybe This Time By Sarah G.]
Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin mawala sa isip ko na mag-isip ng plano.
I checked my phone.
Three missed calls from Stephen.
Twelve unread messages.
But I have to ignore it.
Tulala pa rin ako, parang sasabog na 'yung utak ko sa dami nang iniisip. Kung paano babalik sa akin si Lithian, kung paano haharapin si Stephen, pati 'yung Keena na 'yon, kung paano siya mawawala sa buhay ni Lithian-- tapos midterm exam pa bukas.
Relax lang, Beatrice. Maganda ka pa rin.
Pero, bahala na nga bukas.