Another day has come. Masaya akong sinalubong ni Yaya Mela sa sumunod na araw. Ito rin kasi ang pinaka-excited na araw para sa akin. Bata pa lamang ako ay siya na 'yung nag-alaga sa'kin, kaya sobrang close kaming dalawa dahil na rin sa busy palagi sa business namin sina Mommy at Daddy sa US. No'ng nag-third year high school ako, nagbakasyon ako roon pero hiniling ng parents ko na doon ko na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. So I had to stay for several months. Doon kami naging close ni Francine, bilang isa sa naging malapit na kaibigan ko sa US, dahil na rin sa business partners ang mga magulang namin. But as time goes by, sadyang na-miss ko bigla sa Pilipinas, na-miss ko ang mga kaibigan ko. Iba pa rin pala kapag nasanay ka sa kinalakihan mong bayan, kaya pinilit ko sila Daddy na rito na ako mag-college at wala na rin silang nagawa.
"Hi, baby!" Si yaya talaga, malaki na ako ay ganiyan pa rin 'yung tawag sa'kin..
"Mamita, do I need to repeat you everyday na 'wag mo na akong tatawaging baby? Big boy na kaya ako."
"E, sa gano'n ako nasanay, e. Isa pa, kahit big boy na ang alaga ko ay ikaw pa rin 'yung Lithian na pinapalitan ko no'n ng diapers."
"Mamita talaga.."
"O, e, bakit parang nahihiya ka? E, ang g'wapo mo kaya simula pa no'ng baby ka," papuri pa niya habang ginulo-gulo 'yung buhok ko.
"Ano ka ba, mamita matagal na kaya!" pagyayabang ko pa. At doo'y nagtawanan naman kami.
"Pasaway ka pa rin talaga, baby. O, siya, kumain ka na ba, hah? Halika at nagluto ako ng paborito mong sinigang."
Napangiti naman ako at sumunod sa kaniya sa may kusina.
"Ang bango, nagutom tuloy ako bigla." Umarte pa akong napahawak sa tiyan ko upang ipakitang nagugutom na nga ako. "Teka, nasaan na nga pala sila mommy? Akala ko ba ay ngayon ang uwi nila?"
"Ay naku, baby.. parating pa lang 'yon. Kumain ka na lang muna riyan." Napatango ako at kinain na nga ang masarap niyang inilutong pagkain. At pagkatapos kumain ay saka naman ako dumiretso sa may terrace para magpahangin.
Habang nakaupo ako sa may terrace namin ay may narinig akong nag-door bell. Maya-maya lang ay natanaw kong pinagbuksan iyon ni Mamita.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga footsteps palapit sa akin.
"Lithian, baby.. nandito na sina Mommy at Daddy mo!"
Agad naman akong tumayo at sinalubong sila.
"Hey, son! I missed you!" pagbati ni mommy at agad niya naman akong niyakap.
Tumingin ako kay daddy, hinihintay niya siguro na batiin ko siya.
"Welcome back, dad." Nag-akap pa kaming dalawa.
"Missed me?" tanong ni dad.
"Of course," sagot ko pa.
I missed them both. Almost six months na rin kasi nang huli ko silang makita. Wala naman kaming problema sa pakikisama, parehas ko silang kasundo. Sadyang workaholic lang talaga sila kaya minsan lang kami makapag-bonding bilang isang pamilya.
Pagkatapos naming magkamustahan, nagpaalam na ako sa kanila na magpapahinga na dahil napagod ako buong maghapon kakahintay sa kanila.
Pagkarating ko sa k'warto, hihiga na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.
Isang social media notification ang bumungad sa akin. Kung saan ay nakita kong may friend requests ang ilan sa mga schoolmates ko katulad nina
Krisha Dela Peña at Julia Pascua.
Pero dahil pamilyar naman sila sa akin ay agad ko silang in-accept. Pero natigilan ako nang may isa pang nag pop-up sa notification ko.
Mr. Ong tagged you in a photo.
Pagkatingin ko ay litrato ko na stolen na nakatawa habang inaabutan ng award.
Natuwa pa ako sa caption nito na may nakalagay na, "Congratulations to our very own MVP of the Year, Lithian Duanne Samonte!"
Nakaka-flattered lang. Kahit lalaki ako ay hindi ko maiwasan na magwala sa tuwa.
At grabe, isang oras pa lang iyong naka-post ay umabot na sa three hundred forty plus and likes nito habang mayroon naman itong four hundred twenty one comments.
Hindi ko na binasa pa ang mga comments dahil inaantok na talaga ako. Alas singko y media pa lang ng hapon pero suko na talaga ang katawan ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Back to reality na naman ulit dahil tapos na ang Intrams.
Pagkababa ko ng hagdan ay naamoy ko na kaagad ang niluluto ni Mamita.
"Wow ang bango naman niyan, mamita!" nakangiti kong sabi.
"O, baby gising ka na pala, sandali, maaga pa, hah?"
"Maaga po kasi ako nagising, e."
"Sabagay, e, maaga ka ring natulog kahapon, e. Hindi mo na nga nakasabay sa hapunan ang parents mo."
"Kaya nga po, e. Ano po ba 'yang niluluto mo?" kwestyon ko pa. Sinilip ko 'yung kawali at napangiti ako nang makita na favorite ko pala ang niluluto niya.
"Wow my favorite fried rice!"
Sinong mag-aakala na si Lithian Samonte, mahilig sa mga simpleng pagkain kagaya nito?
Pagkauto ay kumuha kaagad ako ng dalawang plato para sabay na kaming kumain ni Mamita. Saka naman nagtimpla si mamita ng kape para sa aming dalawa. Habang ako naman ay nilalagyan ng ham at egg na sunny side up ang parehong plato namin.
"The best!" sabi ko habang kumakain. Ang sarap lang naman kasi talaga nang pagkakaluto ng fried rice, saktong-sakto lamang ang timpla, hindi matabang at hindi rin naman maalat. "I want more, mamita!" sabi ko na parang isang bata.
"Sure! Kuha ka pa. Ikaw talaga, gustung-gusto mo talaga ang luto ko, baby.."
"Siyempre naman po," nakangiti ko pang sabi. "Ahm, sila mommy po, anong oras natulog kagabi?"
"Ah-- mga alas otso siguro 'yun. Napagod din daw kasi sila, nga pala baby ikaw pala ang naging MVP ng team n'yo, hah? Congratulations, baby!"
"Thanks mamita! Hindi ko alam na updated ka rin pala sa social media."
"Oo naman, no! Bagets pa rin kaya itong mamita mo!" Napangiti naman ako.
"Anyway, after pala nito ay maliligo na nga pala ako, tutal, maaga naman akong nagising.. maaga na lang akong papasok," ganadong sabi ko pa. Ewan ko ba kung inspired akong pumasok nang maaga ngayon. Marahil ay dahil nakumpleto ulit kami, isa pa ay baka dahil proud ako sa achievement na nakamit ko.
"Mukhang ganado pumasok nang maaga ngayon ang baby ko, hah? Okay sige, take your time, baby."
Isang oras lang ang lumipas at handa na ako sa pagpasok. Nadatnan ko pa si mamita na nagwawalis na sa may garden.
"Mamita, alis na po ako. Pakisabi na lang kina Mommy at Daddy na maaga akong pumasok, hah? Iloveyou, mamita!" Ganiyan ako ka sweet kay Yaya.
"Okay take care, baby. Mamita loves you too."
Kumaway pa siya habang pinaaandar ko na ang kotse ko.
Pagkarating ko sa school ay nadatnan kong kumpulan ang mga estudyante sa may harap ng bulletin board. As usual, ang topic ay tungkol sa Intramurals. Nakita ko 'yung picture ko na naka-tag sa akin sa social media. At ewan ko ba kung bakit napapangiti na lang ako. Napatingin pa ako sa iba, maraming stolen na shots pero ang galing nang pagkakakuha, parang natural lang ang tawa at pagsimangot ng mga estudyante. Pero naagaw ng atensyon ko ang stolen picture ni Keena. Hindi ko maiwasan matawa, mukha pa rin siyang inosente kapag namamangha pero ang ganda niya pa rin.
Napansin ko rin 'yung bangs niya, bumagay lang sa kaniya. Sa isang picture naman ay ako na sinalo ang bola. Ang epic naman ng itsura ko rito. Langya.
Umalis na ko ro'n at nag-ikot-ikot muna rito sa buong campus, maaga pa naman kasi.
Pero mukhang hindi ako nakaligtas sa sigaw at tilian ng mga babae nang maglakad-lakad ako. "Hi, Lithian!" Ngumiti lang ako.
"Ang g'wapo niya talaga!"
"Hi, baby Lithian!" tawag din ng kasama ng mga ito.
Para sa akin ay normal na ang mga ganitong senaryo lalo na't hindi lang ako ordinaryong estudyante sa university. Pero mukhang hindi naging normal ang umaga ko dahil nang ilibot ko ang aking tingin ay agad kong nakita si Keena sa hindi kalayuan. Bumilis agad ang t***k ng puso ko.
Pero mabilis din tumigil nang mapansin kong kasama niya pala si Vincent. Aalis na sana ako pero nakita ako ni Vincent dahilan para lumapit sila sa akin.
"Uy, Lithian, himala ang aga mo, hah!" pagbungad niya sabay akbay sa akin.
"Hi, Lithian," bati sa akin ni Keena. Medyo napangiti naman ako. Nginitian ko lang siya at baka sabihin niya ay ang sungit ko naman.
"Maaga ako nagising, Vince," seryoso kong sagot.
Doo'y bigla naman dumating si Francine.
"Hey, pards!" Napansin kong tumingin siya kina Keena at Vincent at mabilis na napairap.
Anong problema nito?
"Sabay na tayo pumasok, pards!" sabi pa niya.
"E, ayoko nga, huwag ka nga lumapit sa akin at baka magselos si Vincent," pagbibiro ko at doo'y bigla naman bumigat ang ulo ko dahil sabay pala sila ni Vincent na binatukan ako. Putek.
Tiningnan ko si Keena, nakatingin lang siya sa amin at tila walang emosyon. Gano'n na ba talaga siya? Walang pakialam?
"Anong ako magseselos? E, kita mo naman na kasama ko si Keena, 'di ba?" banat pa ni Vincent.
"Sabi ko nga," bulong ko.
"Anong sabi mo?"
"Wala." Napatalikod na ako at tila napahiya si Francine dahil iniwan ko siya.
Pero hindi siya nagpatalo at hinabol pa rin ako. "Lithian!"
Huminto kami ni Francine sa may lobby at doo'y piniling tumambay habang hinihintay ang first class.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa, hah?" pagpuna niya sa akin.
"Pards, may kinalaman ka ba sa pag-iyak kahapon ni Keena?" Natigilan naman siya sa katanungan kong iyon.
"Ano? B-bakit mo ba sinasabi 'yan? Saka, teka lang, hah? Don't tell me nagiging concern ka na sa babaeng 'yon?"
"Nope. Siyempre nagtataka lang ako, ang sama kaya ng tingin mo sa kaniya kanina. Tapos siya parang ilag sa'yo. Tell me, ano bang nangyari kahapon?" Hindi ko alam pero parang may kakaiba, e.
"W-wala naman.."
"Anong wala? E, bakit ko siya nakitang umiiyak kahapon, pards!" naiinis ko nang sabi. Knowing, Francine, kilala ko siya at kung gugustuhin niyang magsinungaling ay gagawin niya.
"Pards.. I'm sorry.. pinagsabihan ko lang naman siya, e," sabi niya nang hindi makatingin sa akin ng diretso.
Napakunot na lang ang noo ko.
"Para saan pa? Pards naman, kung ano man 'yung galit mo kay Keena dahil sa ginawa niya sa'kin, ay kalimutan mo na 'yon."
"P-pero sinaktan ka niya, pards.."
"I know.. I know.. pero sana huwag mo nang balikan pa 'yon, dahil past na 'yon. Okay?" Napabuntong-hininga ako nang dahan-dahan siyang napatango.
"Alright, pumasok ka na sa room mo."
"Sige, bye, pards.." sabi niya bago pa siya kumaway paalis.
Shete. Bigla kong naalala na magkaklase nga pala kami ngayon. Hays what a life. Lagi na lang kami pinagtatagpo.
Tyinaga kong makaakyat ng fourth floor kahit mag-isa at bago pa man din ako makarating sa classroom namin ay may isang desisyon akong napagpasyahan.
Alam ko na ang gagawin ko.