PALABAS NA sana ako ng village namin nang matanaw ko si Vincent sa hindi kalayuan. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na tawagin siya. Doon ko lang napagtanto na iisang village lang pala kami nakatira.
"Vincent!" Napalingon naman siya sa akin pero nakapagtataka dahil hindi man lang nagbago ang reaksyon ng mukha niya.
Kumaway-kaway pa ako sa harapan niya dahil baka lutang lang siya ng mga sandaling iyon. Pero halos matutop ko ang aking sariling bibig nang magsalita siya, "Who are you?" Agad na nanlaki ang mata ko at muntikan na akong matawa dahil baka pinagtitripan niya lang ako.
"Seryoso ka? Ako 'to si Keena.." napapahagikhik ko pang sabi. Subalit sandaling napakunot ang noo niya at parehas kaming napalingon sa boses na bumungad sa likuran namin.
"Hey, what's going on here? Keena?" Bigla akong natigilan. Dahil dalawang magkaparehong mukha ang nakita ko.
At hindi pala si Vincent ang nakausap ko!
"Hey bro, bakit ba kasi ang tagal mo, napagkamalan niya tuloy ako na ikaw." Sandali pa itong napangisi. "Well, 'di hamak naman na mas g'wapo ako sa'yo.." pagmamayabang pa nito.
Nagkatama ang mga mata namin ng lalaking kausap ko lamang kanina. At kung iisipin ay parang si Vincent na rin ang tinitingnan ko dahil iisa lamang talaga ang mukha nila.
Pinagbalik-balikan ko sila ng tingin. Sa unang tingin, makikita mong wala talaga silang pinagkaiba, pati tindig at boses ay parehong-pareho. Pero roon ko lang napagtanto na mas matangkad nang kaunti si Vincent sa kakambal niya.
Nabalik lang ako sa realidad nang marinig ko si Vincent na tinatawag na ang pangalan ko.
"Keena!" Agad siyang lumapit sa akin habang ang kapatid niya ay naka-poker face lamang sa akin.
"Bro, did you know her?" nagtatakang anito.
Pareho naman kaming napatingin sa kakambal niya.
"Yes, she's my friend, bro," seryosong sagot ni Vincent.
"I thought, she know me but she even told me that I was you."
Nosebleed naman ako ro'n! Pero tama siya, napagkamalan ko nga na siya si Vincent.
Nang sandaling iyon ay bigla na lang tumawa si Vincent sabay sabing, "He's my twin brother, Keena."
Halata nga. Para nga silang pinagbiak na kamatis e, kopyang-kopya ang isa't isa.
"Sorry nga pala, akala ko kasi--" Naputol ang sasabihin ko dahil inunahan niya na akong magsalita. Hindi rin siya bastos, e.
"Maybe next time, ay kilala mo na ako." Sabay lumapit siya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. "By the way, I'm Stephen and nice to meet you, Keena," dagdag pa nito sabay napakindat.
Napalunok na lang ako ro'n. At nagulat naman ako nang biglang lumapit si Vincent sa kakambal niya. At sinabi, "Hoy, Stephen, huwag mo nga isali si Keena sa listahan ng mga babae mo!"
Napangisi lamang si Stephen. At saka ko napagtanto na kung gaano kabait si Vincent, ganoon naman kalayo sa kakambal niya ang kaniyang ugali.
"Huwag mo 'kong susubukan bro.." dagdag pa niya. Bago pa siya nagbalik ng tingin sa akin. "By the way, Keena, halika na, sabay na tayo."
Agad siyang lumapit sa kaniyang kotse habang ako naman ay naiilang na sumunod dahil sa hindi maipaliwanag na titig ng kakambal niya sa akin. Doon nga'y pinasakay nila ako sa kanilang kotse kung kaya't nakilala ko ang family driver nila na si Mang Micky.
Malapit lang naman 'yung school namin kung tutuusin, pero ewan ko ba kung bakit hindi nila magawang maglakad, iba talaga kapag mga rich kid.
Nang makarating na kami sa campus ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante na bawat madadaanan namin. Siyempre, Vincent Carl Garcia ba naman ang kasama ko, e. Tapos pagkarating doon ay walang paalam na humiwalay sa amin ang kakambal niya.
Nang nasa building two na kami ay sandali kong sinulyapan si Vincent. Nakangiti lang siya kaya namaj sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para kausapin siya. "Ah.. Vincent?"
Napalingon naman siya kaagad habang bahagyang napataas ang kaniyang kilay.
"Hm? Ano 'yon?"
"Nagtataka talaga ako kung bakit hindi kayo close ng kakambal mo. Parang may agwat sa inyong dalawa?" hindi siguradong sabi ko.
Ngumiti lang siya bago nagsalita, "Mahabang kuwento 'yon, Keena.. next time ko na lang ikuk'wento sa iyo ah? Pumasok ka na sa klase mo."
Napatango naman ako. "Nga pala, salamat ulit sa pagsabay sa akin papunta rito, hah?"
Hindi ko inaasahang lalapit siya sa akin para pisilin ang ilong ko at sabihing, 'Wala 'yon. Bye, Keena! See you, later!" Napatango naman ako.
At bago pa man din ako makatalikod ay hinawakan niya ang braso ko.
"Ingat ka," pahabol niyang sabi habang nakangiti.
At nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay pumasok na ako sa first class ko nang may ngiti sa labi.
Pagkaupo ko sa arm chair ay hindi ko napansin 'yung katabi ko.
First class ko nga pala at kaklase ko siya rito.
Si Lithian.
Habang nagle-lecture si Mrs. Tan ay nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Pero kapag lilingon naman ako sa kaniya ay iniiwas niya kaagad ang tingin niya sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung gusto niya ba akong maging kaibigan o hindi.
Hanggang sa matapos na lamang ang buong lecture na lutang ang isip ko. Hanggang sa mag-next subject at mag-lunch break, ay hindi ko namalayan ang bilis nang takbo ng oras.
Mag-isa akong nagpunta sa may canteen dahil absent pa rin si Hennielyn. Grabe talaga 'yung babae na 'yon, madalas kasing puyat sa gig niya, e. Kaya tuloy hindi ko maiwasang maging loner.
Ginisang gulay at isang order ng kanin ang in-order ko. Doon ako umupo sa may bandang sulok kasi okay lang na walang kausap kapag nasa sulok, e. Walang makakapansin na nag-iisa ka lang. Ine-enjoy ko na nga ang pagiging loner nang bigla na lamang may tumabi sa akin.
"Hi, Keena!"
Pamilyar 'yung boses na 'yon..
"Oh, Peter!"
"Mag-isa ka na naman? At teka, nasaan si Hennielyn?" tanong niya pero imbes na sagutin ko ay biniro ko pa.
"Miss mo si Hennielyn no?! Ayieee!"
"Hindi ah! Masama bang magtanong?" sabi niya kasabay nang pagsimangot.
"Ay oo nga pala, mamaya pupunta raw siya sa bahay, gusto mong sumama?"
Nakita kong biglang kuminang 'yong mata niya.
"Talaga? Sige ba!"
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Saka siya sumabay sa akin na mag-lunch. At nasabi ko na lang sa sarili, "Sabi na, e. Type niya 'yung best friend ko. Pakipot pa siya!"
Lithian's POV
Nandito ako sa may canteen habang kasama si Francine. Sa tagal namin na laging magkasama ay napagkakamalan na siyang girlfriend ko. Grabe kasi makadikit 'yung babae na to, e.
Habang nakaupo kami, bigla kong nakita si Keena at nagtaka naman ako dahil kasama niya si Peter. Magkakilala sila? What a small world.
Kanina lang si Vincent 'yung kasama niya tapos ngayon ay si Peter naman.
Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina..
Nandoon lang ako sa may corridor nang dumating sila. Hindi siguro ako napansin ni Vincent.
"Mahabang kuwento 'yun, Keena, next time ko na lang ikuk'wento sayo, hah? Pumasok ka na sa klase mo."
Anong pinakain ni Keena kay Vincent at bakit ang bait nito sa kaniya?
E, si Vincent, napakasungit kaya niyan sa babae.
"Nga pala, salamat ulit sa pagsabay sa akin papunta rito, hah?"
Hahayaan no na lang sana sila pero nagulat ako sa biglang ginawa ni Vincent. Lumapit siya kay Keena at pinisil 'yung ilong nito. Ewan ko ba kung bakit parang naiinis ako sa nakikita ko.
Hindi ko na nakita lahat kasi umalis na ako no'n. Ang corny nila, e.
"Pards!" malakas na sigaw ni Francine kaya ako nabalik sa realidad.
"What?!"
"Kanina ka pa kaya tulala. Okay ka lang ba?"
"O-okay lang ako," nauutal na sabi ko.
Tumingin pa ako sa direksyon nila Keena pero wala na sila. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng panghihinayang. Na sana ay gano'n pa rin kami katulad ng dati. Pero sa totoo lang, nangingibabaw pa rin ang inis ko dahil pakiramdam ko ay sinasadya niya lang akong saktan.
"Pards, kamusta na nga pala 'yung pinapagawa ko sa'yo?" tanong niya. Kaya naman bigla kong naalala 'yung pinapagawa niyang poster sa akin.
Buti na lang at nagawa ko 'yun kagabi. Napangiti siya nang may kinuha ako sa bag ko at dali-dali iyong inabot sa kaniya.
"Wow pards, ang ganda naman nito! Thank you talaga!" masayang aniya sabay yakap sa akin. Sa totoo lang ay sanay na ako sa mga ka-sweetan niya sa katawan, wala namang malisya 'yun sa akin, e. Dahil mahal ko siya bilang kaibigan.
"Basta ikaw, pards."
Kamukat-mukat ay bigla naman nag-ring 'yung phone niya. Nag-rolled eyes pa siya nang makita 'yung pangalan na nasa screen.
"Why?" pagbungad niyang sagot. Ganiyan siya kataray sa iba pero sa akin ay hindi.
"Whatever, Morisette. I'm with Lithian, for you to know." Tumingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Nananatiling nakikinig sa kaniya. "Okay. See you at the lobby." Pagkatapos ay ibinaba niya na ang tawag at nagmamadaling umalis.
"Pards, I need to go. Narinig mo naman," may tonong inis na wika nito.
"Okay, take care." Saka naman siya pilit na ngumiti at kumaway sa akin.
Next class na, kung saan ay kaklase ko na sina Vincent at Peter.
Pasipol-sipol lamang ako sa may corridor ng room namin nang dumaan sina Vincent at Peter. At nakita naman nila ako.
"Lithian!" Tila sabay nilang sabi.
Nakangiti lang ako, 'yung tipong isang makahulugan na ngiti.
"Vincent, mag-usap tayo. Peter, p'wede bang maiwan mo muna kami ni Vincent?" Napatango naman si Peter.
"Okay, pre, teka hindi ba kayo papasok sa next class?"
Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Mukhang alam niya na ang ibig kong sabihin. Ganiyan kasi kaming magkakaibigan.
"Thank you pre, ah," pahabol na sabi ni Vincent. Sadyang maunawain kasi si Peter sa bawat sitwasyon.
Saka naman na tumalikod si Peter at tumuloy ng classroom.
Nang dalawa na lamang kami roon ay huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay kailangan ko na itong sabihin sa best friend ko.
"Vince.." Ganiyan 'yung tawag ko sa kaniya kapag seryoso ako. Seryoso lang din naman siyang nakatingin sa akin.
"O? Nababakla ka na ba sa akin? Grabe ka kung makatitig, e," pagbibiro ko na bigla namang nakapagpangisi sa kaniya.
"F*ck you ka, Lithian, ano ba kasing pag-uusapan natin?" natatawang aniya. Kaya naman natawa na rin ako. Ganito talaga kami kung mag-asaran.
"Vince, may gusto ka ba kay Keena?" tanong ko.
Doo'y nagkaroon ng sandaling katahimikan.
"Teka, k-kilala mo rin si Keena?"
Napatango lamang ako at saka huminga ulit ng malalim.
"Oo. Alam mo, Vince, kahit hindi mo naman sabihin na gusto mo si Keena, nakikita ko sa mga mata mo sa tuwing magkasama kayo.." Napatitig lang siya sa akin at parang hinihintay kung may nais pa ba akong sabihin.
Hanggang sa matigilan ako sa malakas na pagtawa niya. "Hahahaha!"
Sandaling napakunot ang noo ko. Ano bang nakakatawa ro'n?
"Nagseselos ka ba, Lithian?" Animo'y bihlang sumeryoso ang boses niya.
F*ck, I really don't know.
Nakita niyang napailing ako bago muling sumulyap sa kaniya. "Vince, may pakiusap lang sana ako sayo.."
"A-ano 'yon?"
"Masaya ako na nakikita kang masaya kapag kasama mo siya. Pero sana--"
Napatigil ako sa sasabihin habang nanatiling nakatitig si Vincent sa mga mata ko.
"Then what are you pointing to Lithian ha?!" napalakas sa tonong aniya.
"Please lang.. 'wag si Keena, iba na lang ang gustuhin mo.." Natigilan lamang siya sa kaniyang narinig. At kitang-kita sa mga mata niya ang pagtataka kung bakit ko nasabi 'yon.
"B-bakit? Ano bang problema mo kay Keena?"
Napalakas yata ang tanong niya dahil bigla na lamang may sumabat sa pag-uusap namin sa kawalan.
"Ano? Nandito si Keena?" Pareho kaming hindi nakasagot sa tanong na 'yon. At kahit hindi pa man kami tuluyang nakakalingon sa kaniya ay batid ko na kung kanino nanggaling ang boses na 'yon.